Obsession 04

7.4K 146 3
                                    

Yvienne

Ang bigat ng talukap ng mga mata ko hindi ko napansin na late na pala akong natulog kagabi.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil binabantayan ko yung si Mr. Falcon baka kung ano ang gawin nya sa akin habang natutulog ako mahirap na.

Tumingin ako sa kabilang kama pero maayos na iyon,"hays buti nalang umalis na yun,"tumayo ako at naglakad papunta sa bathroom.

Bubuksan ko na sana yun kasu parang may narinig akong mahinang sumigaw,pero hindi lang basta mahinang sigaw kundi ungol ng isang lalaki.

Mas idinikit ko pa ang kaliwang taynga ko sa pintuan ng bigla itong bumukas,buti nalang at nakabalansi ang katawan ko at hindi sumubsub ang mukha ko sa sahig,"what are you doing here?nakikinig kaba?,"nagsalubong ang medyo makapal na kilay nya habang binubulyawan ako.

Wala talagang atrasan ang bibig ng lalaking to at abanti lang ang alam,"excuse me for your information hindi ako nakikinig no,akala ko walang tao sa loob."

"Tsk hindi ako naniniwala sa sinasabi mo,"nagtatagis bagang na saad nya.Ang sarap burahin yung kilay nya.

"At wala din akong balak na magexplain sayo,"saad ko kasabay nang matapang kong pagsalubong sa nagaalab na titig nya.

"What did you just say?,"tanong nito na mas lalo yatang nagpadilim sa mukha nya.

Talaga bang mainitin ang ulo nya?ano ba ang pwedeng magpakalma sa galit na lion?karne?.

"Ang sabi ko,pwede bang tumabi ka na dyan kapag tapos kana at ako naman ang gagamit,"pero parang wala syang narinig at hindi parin umaalis mula sa puwesto nya,"MR. JACOB FALCON pwede bang tumabi ka?."

"Talk to the air,"pambabara nya sa sinabi ko,kunting kunti nalang talaga masasagad na nya ang pasensya ko.

"Ano bang gusto mo?,"matatalim ang mga tingin na ipinukol ko sa kanya.

"I wanna do bad things to you,"he said evily,uminit ang buong paligid at pakiramdam ko namula na ang pisnge ko,parang wala namang ibig sabihin ng mga sinasabi nya pero para sa akin may ibig sabihin ang mga yun.

"Ba-bahala ka na dyan piste,"nagmartya na ako paalis at bumalik sa kama ko.

Bumalik nalang ako sa dating room ko para dun nalang gumamit ng banyo,nagpaalam naman ako sa manager kaya okay lang.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine pumunta na ako sa lounge para kumain ng breakfast,hindi ko mapansin ang presinsya ni Lara at Shiena sa lounge kaya mag-isa lang ako ngayong kumakain.

While sipping my coffee pumasok sa lounge yung lalaking sumira sa araw ko,he was wearing a black long sleeve na nakainsert lang sa suot nyang jeans.

Magkasalubong ang kilay nya na parang binagsakan sya ng langit at lupa.

Nasira din kaya ang araw nya?.

Well aaminim ko rin na nagwagwapohan ako sa nilalang na ito.

Ngayon lang ulit ako pumuri ng isang lalaki,hindi lang naman sya ang lalaking gwapo pero para sa akin lang kahit may pagkademonyo ang ugali nya perpekto na syang pakasalan.

Napapailing nalang ako dahil sa iniisip,tinapos ko nalang ng mabilisan ang breakfast ko.Plano ko talaga ngayong araw na mamasyal ng mag-isa susubukan ko lang magpakadora.

Nasa labas na ako ng hotel,bumuntong hininga muna ako at nag-ipon ng lakas ng loob bago pumara ng taxing masasakyan ko.

Madami akong napuntahan kaya nga lang paano kaya ako babalik sa hotel?.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now