Obsession 18

4.7K 110 5
                                    

Yvienne

"Sure ka ba sa gusto mong gawin Yvienne?,"tanong ni Boss sa akin.

Siyam na buwan na ang nakalipas at handa na akong ipasa ang resignation letter ko sa kanya.

"Oo boss,pero don't worry kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako,"buntong hininga nalang ang narinig ko sa kanya.

Walong buwan ang nakalipas noong wala akong balita kay Jacob kahit papano naging stalker nya ako,lagi akong naghahanap ng mga bagong article tungkol sa kanya.

At isa yun sa pinagsisihan ko,isang article ang lumabas ilang weeks na ang nakalipas.

Sinasabi sa article na magpapakasal na si Jacob sa isang american model.Hindi sinabi sa article kung sino yung modelo pero nilinaw din dito na ilang buwan na silang nagsasama sa isang bahay at madami nadin silang litrato na magkasama sa iba't ibang okasyon.

I smile bitterly that time,hindi dapat ako makaramdam ng sakit dahil kagustuhan ko naman yun pero hindi ko lang maiwasan.

"Okay tatanggapin ko ang resignation letter mo Yvienne pero,"dahil sa seryosong saad ni Boss sa akin,"I need your help."

"Ano naman yun boss?."

"May pupuntahan akong event at wala akong makakasama alam mo naman na hindi ako sanay makipag social gathering right?,"ani ni boss,"my point is pwede ka bang sumama sa akin sa event?."

"Yun naman pala walang problema sa akin boss,"tumango tango sya bilang sagot.

"And before I forget pwede ka bang bumyahe papuntang Tagaytag ngayon?,"napatigil ako,yung tipong parang tumigil din ang pagtakbo ng oras.

"An-anong ga-gagawin k-ko dun boss?,"nabubulol na tanong ko.

"Kukunin mo lang yung inorder kong alak kay Dark,"kahit nag-aalinlangan ako,I agreed to go there kahit na may posibilidad na magkita kami.

Habang nagmamaneho ako,tahimik akong nagdadasal sa isipan ko na sana hindi kami magkita.

Pagkarating ko sa Tagaytay ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi na.

Inapakan ko yung preno ng sasakyan ko when I saw a kid running to the road.Muntik pa akong mauntog buti nalang mahigpit ang pagkakakapit ng seatbelt sa katawan ko.

Dali dali akong lumabas ng sasakyan ko at tumakbo sa harap,I saw a kid lying in the floor of the road,madumi ang mukha nito pati narin ang damit nya kaya hindi ko makita ang itsura nito.Walang bakas ng galos sa katawan nya kaya alam kong hindi ko sya nabangga.

Dahil may kapayatan ang bata kaya madali ko lang syang naisakay sa sasakyan ko.

Nagpatuloy ako sa pagdridrive papunta sa bar ni Dark,pagkarating ko agad kong hinanap si Dark,"do you have a room here?,"tanong ko sa kanya.

"Yeah I have a private room here,why?,"hinila ko si Dark papunta sa sasakyan ko at ipinakita ang bata.

Hindi ako sigurado kung bata ba o binata dahil may katangkaran ito.

"Muntik ko na syang mabangga kanina but I think he just passed out kaya nakahandusay na sya sa kalsada when I saw him,I need a room to clean his face,don't worry magbabayad ako."

Tinapik nya ang balikag ko,"don't worry about sa pera,free na iyon para sa iyo."

Si Dark na ang nagpresintang buhatin yung bata papunta sa private room,sya na din ang kumuha ng bimpo at malinis na tubig.

I started to clean his body and his face hanggang sa unti unti kong nakikita ang mukha nya.

Napatakip ako sa sarili kong bibig,kung hindi ako nagkakamali sya yung highschool student na binugbog ni Jacob sa mall.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang