Obsession 16

4.4K 105 4
                                    

Yvienne

Pagkagising ko sa umaga,namumugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.

Pero agad kong inayos ang sarili ko para makauwi na,pero bago ako tuluyang makalabas ng hotel nakita ko si Lara at Shiena na papalapit sa gawi ko.

"Yvienne,"niyakap ako ni Shiena,"saan ka ba nanggaling muntik na naming ireport sa pulis na nawawala ka."

"She was thinking na posible daw na nakidnapped kana,"ani naman ni Lara sabay turo sa akin.

"Sorry hindi na ako nakapagpaalam pa,may pinuntahan lang ako,"pagsisinungaling ko sa kanila,thanks to them kahit papano nagkaroon ako ng kaibigan.

"You're leaving?,"tanong ni Shiena sa akin nang masulyapan ang maletang hila hila ko.

"Oo eh,may family day kasi kami kaya kahit wala pang isang buwan,uuwi nalang ako and besides kunting araw lang naman na at magtatapos na ang buwan na ito,"ngumiti ako sa kanilang dalawa,taimtim akong nagpasalamat dahil kahit sa bigat na nararamdam ko ngayon nagagawa ko paring ngumiti ng totoo.

"Sige,kung balak mo ulit bumisita rito huwag mo kaming kakalimutan ah,"binitawan ko muna ang maleta ko at niyakap silang dalawa.

"Nakabalik ka nga pero aalis ka din naman,"malungkot na wika ni Shiena.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanila,"don't worry kapag may pagkakataon bibisita ulit ako dito sa Tagaytay."

Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at pumunta na sa parking area kung nasaan ang kotse ko.

Nagmaneho ako ng ilang oras bago ko narating ang bahay namin,hindi palang ako nakakalapit nakita ko na ang mga pamangkin kong naglalaro sa kalsada.

Ipinasok ko ang kotse ko sa garahe ng bahay namin,pagkababa ko palang sinalubong na ako ng mga bata,"tita where are our pasalubong po?,"tanong sa akin ni Anika,isa sa kambal na anak ni Kuya Kris.

"I didn't know na mas maaga kayong nakarating rito sa bahay kaya hindi ako nakabili ng pasalubong sa inyo,"sabay sabay silang umangal at ngumuso pa ang iba sa kanila.

Nakita ko si Papa na palabas ng bahay as always nakatopless nanaman si papa,"nakauwi kana pala anak,nasaan na ang boyfriend mo?."

"Pa naman hindi ka pa ba nakakamove on?,"tanong ko at humalik sa pisnge nya.

"Lakay,huwag mo ngang pilitin na magkaboyfriend ang anak mo at mukhang may problema sya ngayon,"sumulpot si mama mula sa likuran.

"Baket,hindi na ako makapaghintay na makitang ikasal ang anak natin sa simbahan,"mukhang mag-aayaw yata ang mag-asawa.

Hinalikan ko si mama sa pisnge nya,"hello ate,"nakipagbeso ako kay Shawn.

"Where are you going?,"tanong ko,kahit papaano nakalimutan ko ang sakit sa puso ko.

"Gonna play basketball together with my friends,"he said at tuluyan ng nagpaalam.

Binuhat ko si Liam,lalaking anak ni kuya Ron,nakasabit kasi ito sa hita ko.

"Hi sis welcome home,"saad ni ate Lyn.

"Maiwan ko muna kayo rito,"saad ni papa at umalis na.

Pumasok kami sa loob bahay,"tutuloy muna ako sa kwarto ko mama,"paalam ko kay mama tyaka ibinaba muna si Liam.

"Sige anak,"saad ni mama.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumandal sa pintuan pagkasara ko ng pinto.

Yung luhang pinipigilan kong bumagsak kanina ay tuluyan ko ng napalaya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi gumawa ng ingay,napaupo ako sa sahig at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon