Mabuti na lang at wala masyadong nagpunta sa opisina kaya naman nakapagbook ako ng ticket at hinanap ko iyong eksaktong villa na pinuntahan namin ni Sean... Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko iyon sa account ko. Ang daming litrato.

Mapait akong napa-ngiti.

Ang saya talaga namin noon.

Nang matapos ako sa trabaho, dumiretso na ako sa condo. Hindi ko alam kung busy ba sa trabaho si Sean o iniiwasan niya ako, pero hindi siya umuwi... Talagang nagkita na lang kami nang kailangan na naming pumunta sa airport.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.

"No."

"Bakit hindi ka umuwi?"

"Because it feels like this trip is your farewell."

Natahimik ako bigla.

Gumalaw iyong pila sa check-in counter.

"Enjoy your trip, Sir!" bati nung babae kay Sean na ni hindi nagawang bumati pabalik dahil mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa maka-rating kami sa departure area. Hindi ako bumili ng first class ticket. Hindi naman ako kasing yaman ni Sean... Kung maghihiwalay man kami, hindi ako kukuha ng kahit isang kusing mula sa kanya. Gusto ko lang talaga na maging maayos kaming lahat. Iyon lang.

"What is this trip, Sob?" tanong niya.

"I already told you—gusto ko lang ulitin iyong paborito mong bakasyon."

"Out of the blue?"

"Not out of the blue," sagot ko. "My doctor told me—"

"Your doctor?" Tumango ako. "You're seeing a doctor?"

"For a few weeks."

"Why? Why didn't you tell me?"

"Kasi baka pigilan mo ako."

Nakita ko kung paano umawang ang labi niya sa pagka-gulat. Hindi na ako nabigla sa reaksyon niya nang tumayo siya. Huminga ako nang malalim bago ko siya sundan.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Tahimik akong naka-sunod sa kanya. Tapos ay bigla na lang siyang huminto.

"What do you want, Sob?" tanong niya na parang nagpipigil na lang siya sa akin.

"Gusto ko lang na maging maayos iyong lahat—"

"Everything's fine!"

Hindi ako sumagot.

Ayokong sabayan siya.

Gusto kong makipag-usap nang maayos.

"We're fine... Everything's fine..." sabi niya maka-lipas ang ilang segundo.

"Paano naging maayos, Sean? Mag-asawa tayo, pero parang hindi. Ni hindi tayo magka-tabi sa kama—"

"Because I respect you!"

"If you really respect me, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na kaya ako umuwi ng Vizcaya ay dahil nalaglag iyong baby natin?"

Nakita kong natigilan siya.

Ang tagal kong hinintay na sabihin niya sa akin.

Pero para lang akong naghintay sa wala.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat, Sean? Bakit iyong magaganda lang ang sinabi mo? Hindi ba unfair sa akin iyon? Na hindi ko alam iyong lahat? Sinabi mo sa akin na unfair sa 'yo kung iiwan kita ng hindi ko naaalala lahat... kaya bakit hindi mo sinabi sa akin lahat?"

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon