Punong-puno ng panunukso ang boses niya. Bakit ba ang hilig hilig mang-asar nitong si Venny?

"Yeah, whatever." Nagkibit balikat ako at hindi na lang siya pinatulan. She talked further.

"Well, ako, dati pa talaga akong nanonood ng laro nila dahil may crush ako sa isa sa mga teammates ni Z. Samantalang ikaw, first time mo," she then pointed her fork at me, her eyes wide as if she just thought of an idea. "Omg! You should make a banner or something!"

Napakunot ang noo ko. Ano raw?

"No way."

"Osige, mag cheerleader outfit ka na lang with matching pom poms!" she excitedly uttered. Mas lalo lang akong napangiwi.

"Ano ka ba, Ven? There's no way I'm doing that."

Nakakarinding isipin. I couldn't even see myself holding a banner, what more wear a cheerleader outfit? At para saan ko naman gagawin 'yon?

Nakita ko ang pagnguso ni Venny. "Ay, okay," medyo matamlay niyang sabi. "Akala ko naman kasi susuportahan mo si Z."

Lalo lang akong nalito. "Hindi ba way of support ang panonood?"

I was surprised to see Venny roll her eyes and watch me with an 'I-can't-believe-you' look. "You know, Ate? You really lack experience."

Umiling-iling siya habang patuloy sa pag kain na tila ba wala na siyang balak pang magpaliwanag sa'kin tungkol sa mga bagay na apparently, 'I don't have much experience with'. Hindi ko na lang siya tinanong at nagpatuloy na lang rin. In the middle of our meal, Venny suddenly said something that caught me off guard.

"Laro rin ng Hawks bukas, 'di ba?" she sighed. "As usual, sabay na naman ang Finals nila at ng Wolves."

I stopped eating as my mind slowly process Venny's words. And then it dawned on me...

Ang game nina King!

Napasapok ako sa aking noo.

How could I forget?

Parang wala lang kay Venny ang sinabi niya pero nang mapansin niya ang naging reaksyon ko, doon lang siya naalarma.

"W-well, hindi naman eksaktong magkasabay talaga. Same day lang. Katulad last year?" pagk-klaro niya. She wore a hopeful smile. It didn't take long before it wavered. "'Y-yon nga lang, eksaktong magkasunod."

I knew what she meant. Last year kasi, unang nangyari ang laro nina King pero sa school ng kalaban nila ginanap yung game. On the other hand, the football match happened in LMU. The moment the Hawks' game ended, the Wolves started. Kaya naman may iilan daw na late pumunta sa laro nina Ezzio. Lalo na dahil malayo-layo ang eskwelahang kinalaban nina King.

Hindi ko mapigilang manlumo. Apparently, I also knew that LMU would be playing against the same school tomorrow. Kaya siguradong kapag papanoorin ko ang laro nina King, malaki ang tsansang sa kalahati na lang ng laro nina Ezzio ako makaabot.

But what do I care? Kay King naman na ako sumosuporta dati pa, ah? Why stop now? At ngayon pa talaga na sa huling beses ko na lang siyang makikitang maglaro dahil ga-graduate na siya this school year.

Pero paano si Ezzio?

I didn't know why I even consider him, dahil pwede naman na ibalewala ko na lang siya at sundin ang gusto ko, hindi ba? But something's holding me back.

Eventually, my time with Venny ended. However, my mind was still confused. I spent the rest of the day a little preoccupied. Pero itinulak ko ang sarili ko na makapag-focus lalo na nang sumapit ang hapon. Me and my groupmates were busy finishing our project. Halos lagpas na nga ng alas syete nang matapos kami. Buti na lang pinapahintulutan ng faculty ang mga ganoong pangyayari, as long as it has something to do with schoolworks.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now