Color 20 - Distance

107 3 1
                                    

"Whoa! Ang gaganda!" Hiyaw ni Penpen papasok dito sa loob ng art exhibit. Dito ang next schedule namin para sa huling araw ng Outdoor Trip.

Malapit lang ito sa hotel na tinuluyan namin. Masasabing hindi basta-basta ang mga painting na nakapaskil dito, lahat ay likha ng henersyon namin, mga kabataan.

Kaya malaking karangalan kung isa sa mga napinta ko ay nakadisplay dito, pinupuntahan at titigan ng ilang oras.

Magkasama kaming tumitingin nila Penpen, Delilah, Ramzel at Langit.

"Wow! Tingnan mo 'to!"

"Uy! Grabe ang galing!"

“Tignan mo yung strands ng buhok oh, parang totoo."

Hindi mapagilan ng ibang kaklase namin ang hindi maaliw. Ako naman ay hindi na mapagilang hindi mabaliw. Katabi ko si Sky maglakad, kulang nalang ay magholding hands kami.

*sighs

Maraming mga dibisyon para ihati ang mga iba't-ibang klase ng pinta, bumabagsak ang panga ko sa bawat likha na nakikita at dinaraanan namin. Hindi ako makapaniwala na kasing edad lang namin ang mga gumawa nito, sabi ng aming instructor ay makakatulog daw ito para magbigay motibasyon at inspirasyon sa amin.

Lumingon ako sa tabi ko. Ngumiti ako na hindi ko na kailangan ng mga ito para ganahan ako sa pagpinta.

Sapat na si Sky. Umaapaw pa ang nakukuha kong inspirasyon sa kanya.

( … )

Ilang minuto ng paglilibot sa museo, naabot na namin ang isa sa mga pinagmamalaki nilang seksyon sa museo. Apat na pintura lang ang nakapaskil sa malaking kwarto na ito.

Espesyal na mga pintura. Likha ng apat na kilalang pintor.

Bago palang kami humakbang papasok, buong klase ay lumingon kay Sky. At kasama din ako sa mga lumingon.

Lumingon kami sa kanya dahil gwapo talaga siya at ang totoong dahilan ay isa dito sa mga naka-display na pintura ay likha niya.

Ang seksyon na ito ay para lang sa Magnum Opus.

Tumama sa akin ang realidad. Nakakalimutan ko na isang sikat at kilalang pintor si Langit. Hindi parin ako makapaniwala na ang tulad niya ay kasama namin ngayon. Na kaklase namin ngayon.

Bumilis ang takbo ng dugo ko sa pagpasok namin ng kwarto. Ramdam ko ang bigat na binibigay ng kwarto na ito, hindi lang ang panga ko ang bumagsak kundi pati na rin ang buong sangkatauhan ko.

Naiiba ang pagkadisplay ng mga pintura, kung ang mga nakita namin ay nakapaskil lang at iniilawan, ang mga ito ay nakalagay sa isang malaking steel glass. Nakalagay sa pinakagitna at sa bawat gilid nito ay may mga sensor light na humaharang sa buong paligid nito.

Hindi na nakakapagtataka. Likha ito ng mga Magnum Opus.

Bakas sa mukha nila Penpen, Ramzel at Delilah na si Langit ay malayong-malayo na sa amin. Nasa ibang lebel na siya. Hindi makahiyaw si Penpen at hindi rin makapagsalita sila Ramzel at Delilah, maaring dahil nasa loob kami ng kwarto na ito. Maaring dahil nanghihina sila nang naramdaman nila ang agwat ng talento ni Sky sa amin. Malayong-malayo.

Nasasabi ko ito dahil siguro ito din ang nararamdaman ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Napagtanto ko na ganito pala kalayo si Langit sa akin, ganito pala kahaba ang tatahakin ko para lumiit ang distansya namin. Ganito pala.

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Onde as histórias ganham vida. Descobre agora