(Bonus Chapter) - Chismis ni Memay

88 8 6
                                    

(A/N: Heyooo readers! break time muna tayo sa story so here's a bonus chapter na POV ni Memay *clap*clap*clap* yey!)

Hello everybadeeeh! It's me, the most the sexiest, the most hottest, the most unkabogable girl here sa My Picasso Love

I am Melanie May Hathaway, the long lost relative of Anne Hathaway, she was really happy when we finally found each other, she was amazed and stunned to found out that she had a beautiful relative--- "MEMAY!" ah-eh sorry Lilo, eto na, I'll be serious

Ako si Melanie May Halili, isang FHM model, super hot and super famous, number one sa most hottest girl sa FHM, madaming lalaki ang naglalaway sa akin, pinapantasya nila ang katawan ko parang wala ng bukas, I'm really touched, I never thought that my career will be like this, I'm so happy, I love my fans, suportado ako ni Lilo--- "MEMAY!!!" eto na, sorry na Lilo...

okay seryoso na, Ako po si Melanie May Cortez, Memay for short, kulit kulit ni Lilo, pinapaganda ko na nga ang intro ko para gumanda din ako pero nangiistorbo pa, oh well, pero I'll let you in a secret, sa atin lang 'to, si Lilo palang ang nakakaalam nito, ikakasal na po ako, hindi ko akalain na hahantong ang relasyon namin sa kasalan, nakikilala ko siya nung bata pa ko, whenever I'm sad or depressed nanjan siya, handa palagi para pasiyahin ako... marinig ko palang ang pangalan niya, bumibilis na ang takbo ng puso ko

hindi ko kaya na mawala siya sa akin...

silang dalawa lang ni Lilo ang nagpapaligaya sa akin...

hindi ako kumpleto kapag wala siya...

I feel empty

I feel nothing

MAHAL KO SIYA ♥ mahal na mahal

ipapakilala ko na sa inyo ang fiancé ko...

my one and only...

FOOD (>__<)

PAGKAIN

busog lusog

mahal na mahal ko yan, ang date namin ay palagi, hindi lang breakfast, lunch and dinner kami nagkikita, as long as gutom, kain ka lang ng kain, buti pa nga ang pagkain hindi ka sinasaktan, buti pa ang pagkain, marinig mo palang, naiinlove ka na, buti pa pa ang pagkain palaging nanjan para paligayahin ka, pati nga si Lilo nakikiagaw sa akin, nahawa sa kababuyan ko hahahaha ako ang The Legal Wife, ako ang una XD

uyy mga readers, may chismis ako, alam niyo ba yang si Lilo ay napakagaling magdrawing at magpainting simula pa nung bata pa yan, naalala ko pa nung una kami magkita, nasa park ako nun kumakain ng burger, fishball at chocolate ice cream at nakita ko siya sa tabi nagpipinta, hindi tulad ng ibang bata na naglalaro, tahimik lang siya at nakangiti habang nagpipinta, nilapitan ko siya at dun na nagsimula ang kwento namin.

At hanggang ngayon walang nagbago, patuloy parin ako sa paglamon at siya sa pagpinta, nagmumukhang museum na ang kwarto niya sa kakapinta niya.

Hanga nga ako kay Lilo eh, ibinibenta niya ang mga paintings niya para makatulong rin siya sa mama niya, maganda din kita kaya nagpapalibre ako ng pagkain :)

anyways, kilala niyo ba ang Magnum Opus? grabe ang popogi nila at talented pa, hindi lang sila puro looks, nakilala sila sa industriya ng sining dahil sa mahalimaw nilang talento sa pagpipinta, ang tawag sa kanila ay... prodege? wait, search ko lang sa dictionary... ayun prodigy, ang lupet noh?

ang pagkakaalam ko, bata palang ako nakikita ko na sila sa tv dahil sa interviews at sa pagkilala sa mga napanalunan nila, kilala sila sa palayaw na Da Binchi, Ban Go, Mantch at Pikaso... "MEMAY!!" ay wait... wrong spelling pala, correction, kilala sila sa palayaw na Da Vinci, Van Gogh, Munch at Picasso, at isa sa kanila ay kababata ni Lilo, dati panay kwento niya sa akin tungkol dun sa kababata niya pero nung lumipas ang panahon tumigil na ang pagkwento niya

kung ako tatanungin, kasing galing ni Lilo ang mga yan, kaya nga naging scholar siya kahit kapos sa budget tinanggap siya dahil sa talento niya sa pagpinta, malakas talaga ang pakiramdam ko na magiging mahusay na pintor si Lilo balang araw

"M-MEMAY!!" hahaha uyy na-flatter ata si Lilo sa sinabi ko

that's my chismis for the day, abangan ang next UD ng My Picasso Love *mwah~*

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Where stories live. Discover now