Color 06 - Noodles

114 9 14
                                    

Malalim na inhale. Malaking exhale.

Naghihingalo akong umuwi, nasa tapat na ako ng bahay ko. Nakasandal sa pader habang nakawahak sa tuhod ko. Nagmadali ako sa pagtakbo pauwi.

Hindi handa ang puso ko para makausap siya.

Si Picasso.

Kung hindi pa ako umalis doon at hinarap ko siya. Paniguradong nasa hospital na ako dahil sa pagsabog ng puso ko.

Hindi niya ko hinabol.

Parang Cinderella ang dating pero hindi ko naman naiwan ang sapatos ko. Tsk.

.

Pero nung tumakbo ako papaalis, sa peripheral vision ko, alam ko ang nakita ko.

Nakatingin sa akin si Sky.

>///_____///<

Waaah!! Baka may pimples din ako sa likod o kaya sa batok ko! T_T

.

*DUGbadaBAM

Sa sobrang pagmamadali, napalakas ang bukas ko sa pinto namin. Nagulat naman si Mama kaya dali-daling pumunta sa harap ng pintuan.

."Oh Lilo, anong nanyari sayo?" Pagaalalang bati ni mama.

"W-wala Ma." Pautal kong sagot habang nagpupunas ng pawis.

"Anong wala, pulang pula ka hanggang tenga mo!" Ang hiyaw ni Mama habang pinipilit ang tawa.

"Mainit sa labas!"

Huwag niyo na ako tanungin Mama, may nakakakilig na nangyari sa anak niyong potato.

"Anong mainit sa labas? Lilo, anak, gabi na." Tawa naman si Mama.

"Kumain po ako ng super spicy noodles! Maanghang na maanhang." Hindi ko na kaya, buong katawan ko hanggang pwet kinikilig, dali-dali akong umakyat sa kwarto at sabay humiga sa kama.

 >///_///<

BAKIT SIYA NANDUN? BAKIT NASA  ART MUSEUM SIYA?

Bigla bigla nalang sumusulpot, parang pimples eh.

Ilang minuto ay naramdaman kong may umaakyat at papalapit sa kwarto ko.

*knock*knock

.

.

"Ma, wala akong gana kumain--"

"Kinain ko na, huwag kang magaalala." Ang singit ni Memay.

"Memay, nandito ka?"

"Wala wala. Kaluluwa ko lang 'to, alangan naman Lilo. Kanina pa kaya ako naghihintay sa sala niyo, ano ba nangyari sayo? Para kang wala sa sarili.0" Humiga siya sa tabi ko.

"Balita ko may artista daw sa school niyo, lalake daw." Ano ba! Bakit pati sa inyo nakarating ang balita pero sa akin hindi.

"Artista? Artist kamo at... kaklase ko--"

"ANO!? KAKLASE MO?!! EMEGERD!!" Nakalog ang kama ko nang humiyaw si Memay at lumapit sa akin.

"Oh ano, SR ba?" Ang dugtong niya naman habang nanlalaki ang mga mata. Parang nakakita lang ng pagkain an masarap eh.

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Where stories live. Discover now