KABANATA XXI: Lungkot

Start from the beginning
                                    

"Ah, hindi na. Doon na lang sa kakilala kong nagbebenta. Malapit lang dito," wika kong muli.

"Akala ko ba bibili ka ng bond paper?" tanong niya pang muli.

Napailing at sumagot na lamang sa kanyang katanungan. "H-Hindi nalang, hindi ko naman kailangan ngayon eh."

Pareho nang pumasok sa sasakyan na tila bang nanginginig ang aking binti.

Pinaandar na lamang ang kotse sabay pag-seat belt. Napag-isipang ibahin ang usapan upang hindi niya na lang ako kukulitin sa kung saan talaga ako pupunta.

"Where's Lara? Ba't di siya sumama?" pagbaling ko ng usapan.

"Natatamad daw eh," sagot nito.

Tumango na lamang ako at idiniretso ang tingin sa kalsada papunta sa paroroonan. Nakatanaw rin sa pagbungad ng kahel na langit dulot ng papalubog na araw. Nagpapagaan nga talaga ng pakiramdam.

Sumagi muli sa aking isip kung saan dapat pupunta upang hanapin ang hindi mahagilap na si Czea. Napabuntong-hininga na lamang at itinuon sa pagmamaneho ang sarili.

Dumaan sa pagbibilhan ng cake, naglagi roon ng ilang minuto at dumiretso na sa bahay ni Rex. Tuloy pa rin ang kwentuhan namin ni Jim sa loob ng sasakyan habang binabaybay pa rin ang kalsada.

Ilang saglit pa, buwan na ang makikita na kanina ay araw. Narating na ang bahay ni Rex nang nilapasan na ang traffic na nakakasalubong sa daan.

Bumusina ng dalawang beses, pinatay na ang makina ng kotse at tuluyan nang bumaba rito. Bumungad sa amin ang nakangiting si Rex sabay pagsalubong nito sa amin. Agad kaming bumati at iniabot ni Jim ang kahong naglalaman ng cake.

"Happy Birtbday, bro. Here's your request!" bati ni Jim habang inabot nito ang kahon ng cake.

"Thanks bro!" sagot ni Rex sabay akap nito kay Jim.

"Bro, happy birthday!" bati ko sa kanya sabay akap.

"Thanks bro," wika pang muli ni Rex.

Ngumiti ako at maging sila rin. Agad nang pumasok sa bahay nila sabay pagbungad ng iba pa nitong mga bisita. Bumati rito at sila rin nang ipinakilala ni Rex.

"Ah... AC, Daryl. Sila nga pala 'yung sinasabi kong utol ko sa Andromeda," pagtawag ni Rex sa dalawa sa iba pang bisita niya.

Ngumiti naman sila at sinuklian din nang nailapag na ni Rex ang hawak niyang kahon na naglalaman ng cake.

"He is Jim, the best location manager in Andromeda---" pagpakilala ni Rex kay Jim sa dalawa.

Napatawa na lamang kami at sumagot naman si Jim. "Wow! Sa'n galing 'yun Rex?" bigkas ni Jim. "Hi! Jim Larrienza, nice meeting you both."

Nagkamayan sila at ngumiti.

"And he is the writer slash director, Lance Samaniego," pagpapakilala ni Rex sa akin.

Napatawa na lamang ako at nagsalita. "Hi! So nice meeting you."

Sila naman ay bumati rin. Tila bang mas gumaan ang pakiramdamdam ko.

"And we have a director in the house. Nice meeting you and to you both," pagbati rin ni Daryl sa akin.

Sinuklian ito ng ngiti. Lahat kami ay pawang saya ang nararamdaman. Hindi alintanang walang namumuong lungkot sa aming mga mata.

Nagtagal pa ng ilang salita na para bang sa minutong lumipas ay may napansin si AC sa tindig ko. Natigilan at napangiti na lamang.

"Wait, hindi ko lang maiwasan... I like your tattoos, so cool. Matagal na ba 'yan?" pagtatanong pa ni AC at kami ay napatingin na lamang sa tattoo ko.

Tila bang nahiya sa pagkakataong iyon at sumagot na lamang. "T-Thank you. I-Itong iba, matagal na."

"I am just amazed. Saan ba diyan ang first tattoo mo?" pagtatanong niya pang muli.

Natigilan ako sabay akmang itatago na lamang ang kamay sa aking likod. Napatingin kay Jim ngunit umiwas agad ito nang tingin.

Ipinakita na lamang ang kamay ko sa kanila upang ituro kung nasaan nga ba ang una.

"E-Eto, eto 'yung first tattoo ko, a sunset..." nauutal kong sagot.

"Wow! P-Pasensya na, na-a-amaze lang kasi ako sa mga tattoos. Can't wait to have one," pagkamangha niya pa.

Tila bang natahimik na lamang kami at pawang na-aw-awkward lang sa pagkakataong iyon. Napabuntong-hininga na lamang at ngumisi ng bahagya.

"Ah, tara? Let's eat?" pagbasag ni Jim ng katahimikan.

Napatawa na lamang kaming lima at dumiretso na sa kusina. Huli nang tumungo roon habang tinitignan sila. Napahinga ng malalim at ngumisi sa iba pang bisita.

Nagtipon kaming lima sa isang sulok kasabay ang pagkain at kasiyahang natatamasa. Kwentuhan lamang ang bumabalot sa amin ngunit tila bang ako ay nalulungkot sa gitna ng mga usapan.

"Bro, labas lang ako---" wika ko.

"Teka!" ani Rex ngunit hindi na ito pinakinggan.

Inilagay na ang plato't maging mga kubyertos sa labador at naghugas na lamang ng kamay. Kumuha ng bote ng alak sa nakabukas na coolerLumabas na ng bahay at tumungo sa may sasakyan. Napag-isipang magpapalaboy na lamang ng usok.

Kinuha sa sasakyan ang sigarilyo at lighter. Hinithit ito at pinausok. Nagpapakasasa na naman sa bisyo na tanging nagpapawala ng lungkot at iniisip ko.

Tila bang matagal ng hinahanap ng katawan ko ang lasa nito kapares pa ng malamig na alak. Napapatingala sa langit, kitang-kita ang hindi mabilang na mga bituin. Nagpatuloy sa pagpalaboy ng usok at sa paglaklak ng malamig na alak. Napapikit na lamang at napabuntong-hininga.

Sa aking pagmulat ay naalala muli ang sandaling kasama ko si Czea. Naalala muli ang dahilan ng pag-alis sana kanina. Dapat ay hahanapin ko pa siya. Nasaan na nga ba?

Napailing na lamang, sabay pagbungad ng gulat ni Rex na nagpaigtad sa akin.

"Huy! Ang drama natin dito ah?" paggulat ni Rex sa akin.

Napaatras ako nang kanina'y nakasandal sa sasakyan.

"Rex naman, nanggugulat pa eh," wika ko.

"Eto naman. Ba't ka naman nag-iisa rito, bro? Tara, nasa loob sina Jim..." wika niya pang muli.

"S-Sige, susunod ako. Tatapusin ko lang 'to," sabi ko naman.

Pinalaboy muli ang usok ng sigarilyo at nag-aalangang ngumiti sa kanya.

"Sigurado ka? Dalian mo, may shat pa roon," sagot niya pa.

Tinapik nito ang aking balikat sabay pagturo. Ako ay ngumiti at agad naman itong pumasok sa loob.

Hindi ko maintindihan ang nararamdan ko. Halo-halong emosyon, lungkot, saya at maging pangungulila ng alaala ay patuloy pa ring iniisip.

Muling ininom ang alak at ito ay inubos. Pinahiran ang labi at sumandal muli sa kotse. Ipinatuloy na lamang ang pagpalaboy ng usok.

Walang bakas na saya ang natatamasa sa ngayon tila bang napahinga na lamang ng malalim upang humugot ng konting ngiti sa labi.

Binitawan muna ang pangungulila sa kanyang presensiya at napayuko na lamang sabay pagtingin sa aking sapatos.

Kinuha na ang bote ng alak na wala ng laman sabay tapon sa basurahan ang upos ng parausan. Pumasok na sa loob upang hindi na pagtatakahan ang lungkot na nararamdaman.

"Uy Lance, tara. Join us!" tawag ni Rex at agad naman na lumapit sa kanila.

Ngumiti sa kanila at sila ay ganoon din. Umupo na sa tabi ni Jim upang sila ay saluhan muli sa kanilang kwentuhan.

Napagtantong, hindi lungkot ang babalot sa isang mundo ngunit tanging saya ang gagawa nito.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now