AFTER EIGHTEEN YEARS (2)

424 3 1
                                    

Tamarah Mirza's POV

"YOU really think drinking can solve your problem?" Nakangiwing tanong ni Timikee sa akin. 

"Huy, ano ba. Hayaan mo nga siya uminom habang nag-iisip! Pakialamero ka masyado!" Singit ni Janine at humarap sakin. "Oo nga naman kasi, Tammy, sa tingin mo masosolusyunan mo problema mo sa pag-inom? Di mo ba alam na nakakasama yan sa kalusugan-"

By the way, Janine is Tito Jemen's daughter. Nagmana siya sa lolo niya na surgeon.

"Hm!" Binato ng bote ng coke ni Timikee si Janine. "Pinagbabawalan mo ko pagsabihan siya pero isa ka ring pakialamera dyan?" Nagsusungit ang boses nito. "At tigilan mo nga kami sa pagsasalita mo ng kalusugan kalusugan, nilalamon ka na naman ng pagtetake mo ng medicine!"

"Eh, ano naman?! At least hindi ako stupidong engineer... di tulad mo!" Sagot naman ni Janine na napipikon na.

"Tss, ano ba kayong dalawa? Para kayong tanga." Saway ko sa kanila at walang gana na makisali sa away nila.

Lagi silang ganyan. Laging magkaaway lalo pag pinag-uusapan is education. Parang gago.

"Eh 'tong bobong 'to, inaano na naman pagtetake ko ng medicine," umirap si Janine.

"Bobo ka rin," nakangiwing tugon naman ni Timikee.

"Hoooooyyy! Hoooooyyy! Hooooyyy!" Bigla ay narinig ko ang boses ni Peter. Tito Jill and Tita Piper's son.

Napalingon ako at nakitang kasunod niya si Adlare. Tita Klare and Tito Adam's son. Ang pinsan kong tahimik.

"Shet! Nandyan na si Pedroooo!" Sigaw ni Janine.

"Gago!" Maasim na agad ang muhka ni Peter dahil tinagalog ni Janine ang pangalan niya.

Bigla ay may umakbay naman sakin at nakita ko ang muhka ng aking tangang pinsan na si Klara, kapatid siya ni Adlare but she's younger.

"Layuan mo nga ako," naiiritang sabi ko at pilit bumibitaw sa higpit ng kapit ni Klara. "Klara, sasaksakin talaga kita!" Banta ko sa kaniya.

"Chill!" Tumatawang sabi niya at nakataas pa ang kamay sa ere na tila ba sinasabing sumusuko na siya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. At lumagok ng beer.

"Akalain mo nga namang nagkareunion pa tayo sa hindi naman inaasahang panahon!" Maingay na bunganga ni Janine at pumalakpak. "Wait! Where's Margo?"

"I'm hereeeeeeeeeeeeeee!!!" Napapikit ako sa nakakainis na tili ni Margo at napabuntong hininga.

Kailan pa ko masasanay sa mga tarantadong 'to?

"Oh? Pinayagan ka umuwi ng Pinas?" Gulat na tanong ni Klara. "Ba'tdi sumama sila Tito? Naku, tanga ka pa naman pag mag-isa." Pang-aasar niya sa pinsan namin.

"Hehehehehehe!" tumawa nang peke at nakakaasar si Margo at nagpoker face din. "Fuck you. Bakit di na nalang gumaya sa kuya mo? Walang kaimik-imik kaya wala ring jowa!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan sila at napailing nalang ako.

Nag-angat naman ng tingin si Adlare at ngumiwi lang. Ni-hindi man lang ito naapektuhan sa sinabi ng pinsan dahil sanay na siya rito. Grabe, di na yata ako magkakaroon ng tahimik na buhay pag kasama ko tong mga to.

"Grabe, kung hindi pa ako tinext ni Adlare, hindi nyo sasabihin may reunion dito!" boses ng kakambal ko. Si Meziah.

"Hey bro." Doon lamang tumayo si Adlare upang makipag-up here sa pinsan. Well, nagkakasundo sila lalo sa course na tinetake nila.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن