Chapter 91

2.5K 58 6
                                    

MEGAN'S POV

Ang sarap sarap pala sa pakiramdam talaga na okay na kayo ng mahal mo. Yung ramdam mo ang pagiging protective niya sayo. Iyong kulang nalang halikan ka sa maraming tao, masabing sakaniya ka lang.

"Uuwi Papa mo ngayon, Megan," sabi ni Tito sa akin.

Tumango ako at bumuntong hininga. Haharapin ko na si Papa ngayon. Handa akong paglaban ulit ang pag-ibig namin ni Timi, lalo ngayong alam kong ako pa din ang mahal niya.

Nag-aalalang tumingin samin si Tita, iyong mommy ni Timi.

Hinawakan ni Timi ang kamay ko at hinalikan niya ang likod niyon.

"Baka maiwan ang anak namin sa huli, Megan, ayaw 'ko ng gano'n." malungkot na sabi ni Tita.

Napalingon ako kay Timi. "Kayang kaya 'kong ipaglaban anak niyo, ikamatay 'ko man. Mark my words," sabi ko at bumaling ulit sakaniya.

Napabuntong hininga ng malalim si Tita. "Basta nandito lang kami ni Dad mo, Timi, ikaw Megan, ha? Alam mo na ang gagawin.."

"Yes, Tita. Akong bahala. Nasan na raw ba sila?" tanong ko.

"Airport. Malapit na iyon," sabi ni Tito at tumingin sa relos niya.

Tumango ako at sumandal sa dibdib ni Timi.

"Timi.." bulong ko.

"Uh-huh?" sabi nya at lumingon sa akin.

"Huwag mo na akong itaboy ulit, dahil kapag inulit mo iyon, baka 'di niyo na ako makitang buhay." biro 'ko.

Kumunot ang noo niya. "Huwag mo akong biruin ng ganiyan, kapag namatay ka, susunod ako."

"Joke lang naman yun. I love you." sabi ko ng malambing.

"I love you too." he said and kissed my forehead, I closed my eyes and I can feel his heart beat. Dumadagundong ang dibdib niya sa sobrang lakas. Well, hindi lang siya ang ganoon. Ako rin, tuwing malapit siya sa akin, bawat haplos, bawat halik, bawat tingin nalulusaw ako. "Kapag naayos na natin ang problema mo sa Papa mo, magpakasal agad tayo. 'Di na kita bibitawan."

Diniin 'ko ang muhka ko sa dibdib niya. 'Di ko mapigilang mapangiti. Dahil bawat salita niya tumatagos sa kaluluwa 'ko.

"Oo, sige," sagot ko nalang at inamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya. Dammit.

Humalakhak siya ng kaunti. "Hindi pa kita binubuntis, naadik ka na sa pabango 'ko." He said with his husky voice.

Why do you need to be this hot? Dammit!

Pinalo ko siya ng bahagya sa dibdib. Dammit. His biceps flexed while he's laughing.

"Ikaw lang nakakapagpahina ng ganito sa 'kin, Timi," seryosong sabi ko at pumikit. Dinama ko ang bawat sandali.

Hindi na namin naramdaman sina Tito at Tita. Siguro ay umalis na.

"Dapat lang, Megan, dapat ako lang. Walang iba, walang kung sino lang, ako lang." He said dangerously.

Yeah.  You're mine and I'm yours.

"I'm yours, Timi, mula noon hanggang ngayon, ikaw lang, hindi magbabago, hindi nagbago, hindi ka mapapalitan ng kahit sino." Sabi ko at ngumiti.

"Parang narinig 'ko na 'yan?"

"Oo. Pamilyar ba? Sa akin galing 'yan. Four years ago," sabi ko sabay halakhak.

Nagtawanan kami ng ilang sandali at may nag doorbell na.

Tumayo ako at ganon rin si Timi.

It's time to face you, Papa.

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now