Chapter 86

2.3K 67 4
                                    

MEGAN'S POV

"Baka hinahanap ka ni Lorraine," walang emosyong sabi ko habang dahan-dahang pumapasok sa kotse niya.

Nang sa wakas ay makapasok ako ay dali dali siyang pumasok at hinampas ang manibela. Napapikit ako at nanlumo.

Alam 'ko na, Timi, talo na ako. Wala ng laban... Kasi panalo na si Lorraine. Wala na akong papel sa buhay mo.

"Inuwi 'ko na sila sa bahay," sabi niya at pinaandar ang makina.

Nakatira si Lorraine pati si Lily kina Timi?

Biglang kumirot ang puso ko. Napapikit ako at napalunok. Parang may nakabarang bukol sa lalamunan ko. Gustong gustong tumulo ng luha ko ngunit pinipigilan ko. Ayokong ipakita sakaniyang nasasaktan ako. Na nanghihina ako.

He's my weakness..

"Maghohotel nalang kaya ako? Kunin 'ko nalang bukas iyong gamit 'k-ko sainyo?" utal-utal na sabi ko habang nanginginig ang boses. Nag iinit ang gilid ng mata ko. Nanlalabo ang paningin ko.

Alak ang bumubuhay sa isip ko. Nalulunod ako sa bawat pikit ko. Hindi ko kayang tignan siya sa kabila ng kagaguhan ko.

"Hindi na, Megan," mariing sambit niya. Malamig at walang emosyon.


Tinaas ko ang aking paa at pinandekwatro iyon. Pumupungay ng unti-unti ang aking mata. Hindi ko alam ang emosyong ilalabas ko.

"Dapat hinayaan mo ako doon sa lalaking iyon," sabi ko ng nakangisi. "He's cute! And..definitely hot!"

"Para ano?!" sigaw niya at nag-iigting ang pangang nilingon ako. "Para mabuntis ka!? Para matulad kay Lorraine?! No! Fuck!"  

Lorraine? Tss. Paano nasama si Lorraine sa usapan? Dammit.

"Oh, eh, ano naman?! Tangna, Timi! Kung ikaw masaya, dapat ako rin!" nagtaas ang boses ko.

"Hindi mo kailangang maging masaya habang wala ako sa piling mo! Kingna, ikaw pa din ang mahal 'ko!" hindi ko alam kung totoong narinig ko iyon o guni guni ko lamang. Wala ako sa katinuan at may tama na ako dahil sa alak.

"Ako rin naman! Bakit may Lorraine ka! Ha! Hindi mo ako hinintay! Anak niyo si Lily!"

"Hindi ko anak si Lily! Anak niya sa ibang lalaki iyon!"

Napabuntong hininga ako.

"Sawa na akong masaktan, Timi, tama na 'to.." sabi ko at tuluyang umiyak. "Paano mo nagagawang mag salita ng ganiyan? Paano mo nagagawang mag sinungaling at i-deny ang asawa't anak mo!"

"SINABI NG WALA AKONG ASAWA AT ANAK! Dahil ikaw ang pakakasalan 'ko! Hindi mo ba maintindihan?!" sabi niya at sinabunot ang kamay sa sariling buhok. Itinigil niya ang pagmamaneho at marahas na lumingon sa akin. "IKAW ANG MAHAL KO!"

"May gusto ba sayo si Lorraine? Ha? I can see it! May gusto kayo sa isa't isa... Nagsisinungalin-"

"IKAW ANG MAHAL KO, MEGAN! IKAW LANG!"

Pagkatapos niyang isigaw iyon ay sinunggaban niya ako ng halik.

Nag-aalab. Gutom na gutom. Miss na miss. Wild kiss. Dammit. Namiss ko ang napakalambot niyang labi na kinting dampit lang sa akin ay agad akong pinapabaliw.

Hingal na hingal siyang huminto at kumalma.

Wala na akong paki sa mangyayari, basta akin ka.

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon