Chapter 90

2.6K 67 6
                                    

TIMI'S POV

Gusto kong maghiganti. Kaso naisip kong bigla na bakit ako maghihiganti kung ako mismo ang nagtulak sakaniya para pumunta doon sa London at ipagpatuloy ang mission?

Alright. Mali ako. Ako iyong mali. Sana pinaglaban ko din ang pag-ibig namin, fucking four years ago!

Ngayon, hindi na ako papayag na nay humadlang pa.

"Bakit ang daming lalaki dito, Jemen?" iritadong sabi ko at mas lalong hinigpitan ang hawak sa bewang ni Megan.

Tumawa naman si Jemen sa kinikilos ko.

"Public area ito. Iyong sa VIP, tayo-tayo nalang ang nandoon." sabi niya sabay turo sa VIP ONE na nakasulat sa isang room sa may taas.

"Tss. Jealous." bulong ni Megan at humalakhak. "I bet, namumula na ang bewang 'ko sa higpit ng hawak mo."

"Wala kang magagawa kung nagseselos ako." matigas na sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Alam mo bang sa tuwing magseselos ako, gustong gusto kitang ikama? Aw!" nang ibulong ko sakaniya yun ng may mapang-akit na boses ay binatukan niya ako.

Tss. Never change! Ang brutal na Megan 'ko, andito na ulit sa tabi ko. ❤

"Ang manyak mo."  Sabi ni Megan at piningot ang ilong ko.

"Lagot ka talaga sa akin mamaya, papagurin kita." sabi ko sabay ngisi.

Nag-iwas siya ng tingin dahil namumula. Lalo tuloy akong naaakit sakaniya! Shit!

Sa apat na taon na lumipas, tumangkad, nag matured lalo, humaba ang buhok, naging mas makinis, lalong gumanda, pumayat siya. Nagbago siya. Malaman ko lang na may ibang gumalaw sa Megan 'ko, ako mismo ang papatay sa hayop na iyon.

"Happy Birthday, Ella." malamig na bati ni Megan kay Ella.

"Happy Birthday." ngumisi ako kay Ella at hinalikan sa gilid ng buhok si Megan.

"OMG! YOU ARE ALIVE!" masayang sigaw ni Ella sabay yakap kay Megan. Dumalo naman si Ivan na tumatawa.

"Oh, si baby diyan sa tiyan mo, baka mapano, ha? Huwag masiyadong masaya." sabi ni Ivan habang umalalay kay Ella. Ngunit nanlaki lalo ang mga mata niya nang makita ang napakagandang babaeng hawak ko ngayon. "SHIT, MEGAN!? BUHAY KA! BUHAY KA! BUHAAAAAY KAAAAA-"

"Sabi mo, mag chill ako. Ikaw naman ang pumalit? Sapaw ka!" sabi ni Ella sa asawa at piningot ito.

Buntis si Ella. Two months. Medyo umbok palang sa tiyan niya.

Natawa ang lahat sa inasal ng mag asawa. Nakitawa nalang din ako at ngumisi.

"Ang dami palang nagbago, sa loob ng apat na taon." sabi ni Megan sabay ngisi.

"Oo. Namiss ka namin." Sabi ni Janice sabay ngiti.

"Namiss ko rin kayo.. Lalo na itong katabi 'ko." Sabi ni Megan at lumingon sa akin sabay balik ulit ng tingin sa iba.

Napangiti ako habang nakatingin sakaniya. Shit. Kinikilig ako!

"Maupo na nga tayo, kalokohan mo, babe." sabi ko at tumawa.

Nakitawa rin yung iba dahil sa sinabi ko.

"Totoo naman, miss na miss kaya kita." Sabi niya sabay kindat.

Sheeeeeeeeeeet! Taena! Oo na! Ako na nababakla kay Megan! Sakaniya lang ako nababakla kingna!

Naiinis tuloy ako tuwing maalala niya si Lorraine at Lily. Asawa't anak ko daw? Eh, sa loob ng apat na taon, ni-isang babae wala akong hinalikan!

"Huwag mo akong pakiligin, baka mamanyak kita ng wala sa oras." Bulong ko sakaniya at hinapit sya lalo palapit sa akin.

"Letse kayo! Ang PDA niyong lahat! Walang forever!" sigaw ni Klare sabay irap saming lahat.

Tss. In love kay Adam.

"Huwag ka mag-alala, Klare, ako mismo magdadala sayo kay Adam." Sabi ni Megan.

Nagning ning bigla ang mata ni Klare. "Really? Kelan? Promise yan- AY BASTA! LETSE! WALANG FOREVER!"

Nagsitawanan kami ulit dahil sa inaasal niya. Napanguso siya at sumama ang tingin samin. Kahit tumanda kami sa edad, hindi nagbago ang ugali namin. Hindi pa din nawala ang closeness namin.

Kahit maraming nagbago... Our feelings didn't change. Mahal ko pa din si Megan na imbes mabawasan ay lalong nadaragdagan.

She's the one.

To be continued

Oh, bitin na naman yung readers! Hahaha! 5 chapters to go. :*

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang