8

42 3 0
                                    

Tanya's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Pag mulat ko iba ang kurtina, iba ang kulay ng pader !

Gosh nasaan ako nagaka mini heart attack ako. OMG ! Oh wait sus nasa apartment nga pala ako ni Alden. Ok nag sink in na sa akin lahat.

Kasi kahapon sa sobrang sama ng loob niya ay nag aaya siyang uminom sa bar pero tinanggihan ko kasi alam ko na mag papakalasing siya ng sobra paano naman kami uuwi nun diba ? Kaya sabi ko sa apartment nalang niya.

Flashback

" Tanya sobrang sakit, bakit ba hindi niya kayang mahalin ako ng totoo !" Sabi ni Alden at sabay inom ng beer na hawak niya.

"Kasi hindi lahat ng tao na mahal mo ay mahal ka din. Parang pag babayad lang yan sa jeep minsan nag bibigay ka ng sobra pero hindi ka masusuklian ng tama." Sabi ko sa kanya pero sa totoo lang na cornihan din ako sa sinabi ko haha.

"Sana ikaw nalang siya, sana ikaw nalang ung mahal ko kasi kahit kailan hindi mo ako iniwan." sabi sakin ni Alden. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Pero pag tingin ko ay nakapikit na siya sa sofa niya. Lasing na nga talaga.

"Sana nga" bulong ko naman sa sarili ko at nag simula na kong ligpitan ang nagkalat na bote ng beer.

-
Bumangon na ko at nag hanap ako ng maluluto sa maliit na kusina kusinaan ni Alden.

Nang makapag luto na ako ng almusal ay sinimulan ko namang gisingin ang lalaking natulog sa sofa na nakaupo haha.

"Sunog !!! " Sigaw ko malapit sa tenga ni Alden

Bigla naman siyang tumayo na parang natatranta at bigla akong hinila palabas ng apartment.

Pag labas namin ng pinto ay bigla naman akong tumawa ng malakas.

"Your face ! Hahaha epic Alden grabe ka hahahaha"

"What the !! Ikaw Tanya ang aga ng trip mo " sabi niya at nakitawa din naman siya.

"Tara na kain na tayo! Kailangan ko din kasing makauwi agad mag lalaba pa ako."

"Sige tara na nga baka kung ano pang gawin mo sakin ."

Umakbay naman siya sa akin habang nag lalakad kami papasok ng apartment.

usedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon