22

7 1 0
                                    

Matapos ang mahabang pila kami na ang susunod. Pinili namin ung upuan na mag katabi kaming dalawa.

"Ano kaya ba talaga ?" Nag aalala kasi ako para sa kanya pero alam ko naman na kakayanin niya.

" Sus kayang kaya ko to. " payabang na sagot niya kahit na inaayos pa lang ang seatbelt namin ay putlang putla na siya.

Bago pa man kami tumaas hinawakan ko na ang kamay niya. At pag harap niya ay nag smile ako at sinabi ko sa kanya na isigaw lang niya para mas mawala ung kaba niya.

Unti unti na kaming tumaas at nang mareach na ang dulo biglang bumagsak nang mabilis. Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya sa kamay ko at sabay kaming humiyaw. Mabilis lang ang pangyayari at natapos na namin ang unang ride.

"Wow that was awesome .hahaha grabe kinaya ko sabi ko sayo kaya ko. Tara mag try pa tayo ng iba." Hindi na ko nag salita baka lalo pa lumaki ang ulo niya. Kaya nag libot libot na kami para makapili pa nang ibang sasakyan.

Halos lahat ay nasakyan namin. Kaya naman nag pasya kami na mag lunch na. Sa food court na kami kumain para hindi na kami lalabas plano pa kasi namin na mag ikot ikot pa sa loob.

" Thank you lab kasi naisip mo na dito ako dalhin. Nakaka touch ka kasi bawat maliit na detalye sa mga sinasabi ko sayo noon ay pinapansin mo. Hindi ko lubos akalain na maalala mo na nabanggit ko sayo na mahilig ako mag punta sa theme park." Ayoko ng drama pero sa sobrang saya ko di ko talaga napigilan na masabi sa kanya ung nararamdaman ko.

"Kasi kilalang kilala na kita at gusto ko mapasaya ka. Tutal unang date natin ito as a couple gusto ko na memorable kahit hindi masyadong magarbo."

" Hindi naman dapat gumastos ng malaki mapasaya lang ang taong mahal mo. Minsan basta makasama lang kita ayos na sakin un."

Pagkatapos naming kumain ay nag punta naman kami sa mga games na puno ng malalaking stuff toys.

Matapos ang ilang try naka panalo kami ni Alden pero hindi sobrang malaki ung nakuha namin medium size, galing talalga ng lab ko. Kahit nga siguro hindi kami naka kuha ayos lang sakin kasi na enjoy talaga namin umg pag putok ng mga balloons sa wall.

After naming mag laro ay niyaya naman niya ko sa souvenir shop. Nag ikot ikot ako para makahanap ng para remembrance namin. Nakita ko ung cute na mug. Tamang tama kasi magilig mag coffee si Alden siguradong magagamit din niya un, kumuha na ron ako ng isa pa para sakin. Dali dali kong dinala un sa cashier para hindi na kami mag talo kung sino ang mag babayad. Nasa may mga shirt naman si Alden kaya di niya napansin nung nag babayad ako. Agad kong nilagay un sa bag ko para di na niya muna makita. Ibibigay ko nalang sa kanya mamaya pag naka uwi na kami.

" Where have you been? Haha kanina pa kita hinahanap. Anong mas gusto mo ung black or ung white or ung blue ?

" Huh ? Wag na bakit bibili ka pa niyan?"

" Wala lang para cute may shirt na tayo na magka tulad. Please naman wag namasyadong maarte pag di ka pumili kunin ko lahat ng to."

"Ok mas gusto ko ung blue. Para bagay sating dalawa."

Bago kami lumabas sabi ko kay Alden na kumain muna kami or mag take out dahil medyo mahaba ang byahe namin pauwi.

Bago kami umalis ay hinintay na namin ang firework display. Umupo kami sa sahig at tumingin sa langit. Sumandal ako sa balikat niya at ramdam na ramdam ko ang pag mamahal ko sa kanya. Napakaganda ng langit samahan pa ng mga ilaw na ibat ibang kulay at mas masarap doon ay katabi mo ang isa sa mga tao na parte ng buhay ko.

Nakakatuwa na pauwi na lang kami ay nag talo pa kami kung sino mag babayad sa food. Ang hirap kasi sa kanya gusto niya na siya na lang palagi. Syempre gusto ko rin mag bayad kasi ako rin naman nag yaya. Pero natalo pa rin niya ako at siya pa rin ang nag bayad.

Habang nag didrive si Alden ay pinag kekwentuhan namin ung mga nangyari sa araw na un. Kitang kita ko sa muka niya na masaya siya kahit na nakakapagod ang araw na ito. Napangoto naman ako habang pinapanuod ko siyang mag salita. Nung mga oras na un ay nag papasalamat ako dahil minahal din ako ng taong mahal ko.

Nakarating na kami sa bahay. Pag hinto namin sa labas ng bahay inilabas ko na ung binili ko para sa kanya.

"Para sayo yan. Wag mo babasagin ah." Inabot ko na ang paper bag na may isang mug.

"Wow kaya ka pala nawawala ka kanina sa shop may tinatago ka pala."

"Siyempre ang di lang ako maganda magaling rin ako." Sinabayan ko pa ng pag kindat sa kanya.

" Oh sige na hatid na kita sa loob."

" Wag na tulog na rin sila mommy at daddy . Wag ka na bumaba para maka alis ka na agad. Goodnight see you tomorrow." At humalik ako sa pisngi niya.

Pumasok na ko sa kwarto ko at nag linis ng katawan para mahimbing amg tulog ko. Maaga pa ang pasok namin kaya dapat makapag pahinga na talaga ako.

Nag message rin sakin si Alden na sinasabi nakarating na siyasa apartment niya. Nag goodnight ulit ako sa kanya at sinabihan siyang mag pahinga dahil may pasok pa kami bukas.

Bago ako matulog ay nag pasalamat ako sa Diyos sa pag mamahal niya at lahat lahat ng biyaya na binibigay niya sakin lalo na sa bonus na binigay niya na si Alden.

usedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon