18

27 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at hindi pa di kami nag kakaayos ni Alden.

Mag iisang linggo na kaming hindi nag uusap. Nakakalungkot lang na nag bago na talaga siya. Maliit na bagay lang naman to pero parang lalong lumalala.

Sinubukan ko din naman siyang kausapin kasi hindi talaga niya ako pinapansin.

Ilang gabi na din akong umiiyak kasi parang ganun lang kadali sa kanya na talikuran ako. Para sakin kasi sobra naman ung galit niya sakin. Eh lahat naman may choice kung gustong pumunta or hindi.

Gusto ko na din sanang sumama kaso lang iniisip ko na baka lalo lang mainis sakin si Alden kaya wag nalang siguro.

Ngayon gabi na din kasi ung socialization night kaya wala nang pag asa. Wala din kasi akong biniling sapatos at dress kaya sigurado akong hindi ako aattend.

Nag kulong lang ako sa kwarto at nag patugtog sa phone ko.

Mag aalas siete na nang may kumatok sa kwarto ko.

"Anak?" Boses ni mommy ang narinig ko.

"Mi, wala po akong ganang kumain. Mamaya nalang po ako kakain. "

Humiga lang ako sa kama ko. Pero naramdaman ko na may umupo sa kama ko.

Umupo naman ako, alam ko namang si mommy ito at tatanungin niya ko kung may problema ako. Ngunit nagulat ako nang iba ang nakita ko hindi si mommy ang nasa tabi ko kundi si Alden.

"Bago mo ko paalisin pag salitain mo muna ko. " sabi sa akin ni Alden.
Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya.

"Una sa lahat sorry sa inasal ko netong nakaraang linggo. Ayoko na mag away tayo, alam mo ba na ang hirap mong tiisin na hindi pansinin pero parte kasi un ng plano ko. Kasi gusto ko talaga na kasama ka ngayong gabi. Tatanungin kita sa huling pagkakataon. Sasama kaba sakin sa ngayon ?"

"Pero wala akong nahandang susuotin, kaya kahit gusto ko hindi ..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinaas ni Alden ang isang paper bag at isang box.

"Ako pa ba Tanya? Syempre handa na ko. So ano, bihis kana."
Hindi na ko nag salita at niyakap ko nalang si Alden.

"Thank you." Sabi ko nang kumalas na ko sa pag kakayakap ko sa kanya.

Sa loob ng paper bag ay isang black dress at sa loob ng kahon ay isa flat shoes na puno ng glitters. Simple ang lahat pero nagustuhan ko. Alam niya kasing hindi talaga ako mahilig sa high heels at colorful na damit.

Halos mag iisang oras din akong nag ayos. Nag lagay din kasi ako ng konting make up at syempre inayos ko na din ang buhok ko.

Pag labas ko ng kwarto ko ay lumapit sakin si Alden.

" Ah miss nasaan si Tanya, matagal pa kaya siya ?" Hinampas ko naman agad siya.

"Gago ka talaga, halika na baka wala na tayong maabutan dun."

"Wait, may kulang kasi sa suot mo." Sabi niya sakin habang nakaharap sakin.

"Huh? Ano naman un?"
May inilabas p si Alden mula sa bulsa niya. Isang kwintas na may dalawang star na pendant.

"Ilalagay ko sayo."

Tumalikod naman ako at tinitigan ko lang ang pendant habang kinakabit niya.

"Patingin. Ayan bagay na bagay sayo parang ako lang, haha. Halika na mag peperform pa tayo."

Grabe ang bilis ng pangyayari na hindi ko na alam ang gagawin ko o sasabihin ko. Natutula lang ako kay Alden habang hawak niya ko at nag lalakad papunta sa kotse niya. Parang panaginip lahat ng nangyayari ngayom. Parang naiiyak ako pero masaya ako pero hindi ko alam, gulong gulo din ako sa nararamdaman ko.

Sumakay na agad kami sa kotse niya at mabilis rin kaming naka rating sa venue. Agad ko namang nakita sila Tessa , Sara at Kent.

" Yun naman pala papayag din." Pabirong sabi sakin ni Kent.

"Grabe ang ganda mo Tanya, bagay na bagay din sayo yang suot mong dress" sabi naman sakin ni Tessa.

"Aa ganun ba? Bigay lang to ni Alden."

"Alden galing mong pumili aa." Sabi naman ni Sara.
Agad naman akong umupo sa tabi nila Tessa. Grabe ang dami din palang napunta sa ganitong event.

Dumating na ang oras na kailangan na naming mag perform ni Alden. Napag usapan namin na Forevermore ang kakantahin ko.

Nilapitan na kami ng professor namin para sabihin na mag handa na kami dahil malapit na kaming mag perform.

Habang naglalakad kami papapalapit sa stage grabe ang kaba ko at sobrang nilalamig ang mga kamay ko.

Nasa gilid na kami ng stage at iniintroduce na kami ng Emcee, bigla namang humarap sakin si Alden.

"Kaya natin to. Wag ka masyado kabahan." Sinabayan pa niya ng ngiti at hinawakan ang kamay ko at nag lakad kami pataas sa stage.

usedWhere stories live. Discover now