ROLE 39: The Drugged

13.5K 502 34
                                    

ROLE 39: The Drugged

"Are you jealous?" I asked again. Hindi naman siya magre-react ng ganun sa narinig niya kung hindi siy ngseselos.

Nagulat siya sa tanong ko. Instead na sagutin niya ako, bigla na lang niya ako binuhat. Nagtitili ako habang papalapit kami sa ER. Ayokng pumasok. Mommy...

Nakapikit lang ako all the time. Naririnig kong tatahian daw nila ang daliri ko. Pinapaalis na nila si Maj sa tabi ko kaya dumilat ako at hinawakan sa polo si Maj para hindi makaalis sa tabi ko. "Stay,"

Pumayag naman yung doktor.

Wala akong nararamdamang sakit pero nararamdaman kong yung kamay kong nakakapit kanina sa polo ni Maj, ngayon ay nakahawak na sa kamay niya habang tinatahi naman yung daliri sa kabilang kamay ko.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa hospital. Ayoko talagang iniiwan ako ni Maj sa isang bed na kurtina lang ang nakapalibot sa akin. Buti naman may special treatment kami lalo na't nalaman nilang artista ako.

"Kung gusto niyo po, pwedeng dito muna sa ospital magpahinga si Ms. Bernalez." Sabi ng doktor.

"No. I'm going home."

Sila na lang ng doktor at si Maj ang nag-usap. Maya-maya pa may dalang wheel chair ang isang guard. Gusto nila akong paupuin doon.

"No way. I'm walking."

Inalalayan ako ni Maj papalabas habang yung mga security guard hinaharangan yung mga gustong lumapit sa akin na nakakakilala na kung sino ako.

Pagkarating sa kotse, para akong lantang gulay. Nahihilo ako marahil sa mga nabawas na dugo at sa anesthesia. Tahimik ako buong byahe hanggang sa makauwi. Saka lang ako nag-ingay ng buhatin uli ako ni Maj at sa kwarto niya ako dinala.

"Ibaba mo nga ako! Bakit dito pa sa kwarto mo?"

Ibinaba niya nga ako sa kama niya. Hindi niya ako sinagot. Tinanggal niya lang yung shoes ko. Nagtanggal na rin siya ng polo at pants (naka-boxer shorts naman siya). Kinuha niya yung comforter at kinumutan ako. Saka siya humiga sa tabi ko.

"Maj," Reklamo ko sa kinikilos niya. Wala man lang siyang sinasabi. At hindi na ba siya galit sa akin?

"You're right..." Pagkasabi niya, Maj did the most un-Maj thing. He sneaked his arms around my waist and pulled me closer to him.

"M-maj,"

"I'm jealous."

He admitted that he was jealous? Si Maj? This is so un-Maj. Actually, noong isang linggo pa niya pinapakita sa akin ang mga bagay na parang imposibleng gawin ni Maj. Nagalit siya sa akin, sinigawan niya ako, hindi niya ako pinansin at nagseselos siya?

"Sinasabi mo ba ito ngayon kasi alam mong hindi kita maasar?" Tanong ko na halos hindi na kumikilos.

"Isa sa dahilan. Kaya ko sinasabi sayo ngayon kasi nagsisisi akong nagalit ako sayo. I'm sorry kung hindi muna kita kinausap tungkol doon."

"Sorry again... you know how I-"

"You hate sorry. I know but I made a huge mistake."

"Okay,"

"Okay, what?"

"Okay, I'll forgive you in one condition."

"Ano?"

"Don't leave this bed until I wake up tomorrow."

Wala nang nagsalita sa amin. Mas ginawa kong komportable ang pagkakahiga ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naririnig ko ang marahan niyang paghinga at bahagyang mabilis na tibok ng puso niya. It was calming and soothing. When I wake up tomorrow, I want to make sure that this is true. I want to make sure that this feeling is true, not just a side effect of the drugs they injected me.





---------------<3



Kinikilig ako! Hahaha! Ilang beses ko 'to pinaulit-ulit makamit ko lang ang satisfaction. Kung ano-anong senario na ang naiisip ko. Mas harsh yung una kong mga nasulat. This is much better... And sweet!

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Where stories live. Discover now