ROLE 71: The Ender

13.4K 311 26
                                    

ROLE 71: The Ender

Very unedited!

Technically I proposed, right? Napahawak ako sa ulo kong na parang napaka-gaan sa pakiramdam. Buti nasalo ako ni Maj kung hindi baka natumba ako sa gitan.

"This is not good." Pinaupo niya ako at sinimulang isuot ang garter sa akin.

Naghiyawan naman ang mga nanunuod sa amin. Ngunit ako, nanlumo ako. Pano ba naman halos nag-propose na ako pero dedmalamg si Maj! Dedma! Like I felt rejected!

Nagsisigawan naman ngayon sila ng kiss matapos masuot ni Maj ang garter sa akin. Tuwang tuwa sila sa pangyayari.

Aktong hahalikan ako ni Maj pero sa ilong niya lang ako hinalikan. Natakot ko ba siya sa sinabi ko kanina? Nagbago na ba ang isip niyang ako ang babaeng papakasalan niya? Aw, ang sakit ng ulo ko.

Bumalik din ang atensyon ng mga tao sa bagong kasal. Nasa isang sulok na naman kami ni Maj at pinapagalitan niya ako.

"Wag kang matulog. Kaya ayokong uminom ka ng kahit na anong alak ngayong araw na ito." Yamot na isinatinig ni Maj.

"Pero hindi naman ako malalasing kagad kung hindi ako naaantok. Kahapon pa ako walang maayos na tulog. I just want to take a rest. I'm physically and emotionally tired." Halos ihilig ko na ang buong katawan ko kay Maj. Pahid na ang katawang lupa ko pagod pa ang puso kong naguguluhan pa rin sa dapat kong maramdaman sa daddy ko at sa pag-reject ni Maj sa akin.

"Aalis na tayo rito pero wag ka muna matutulog. Eto tubig at kape." Imabutan niya ako ng baso at tasa.

Ininom ko naman 'yon. Medyo nahimasmasan ako pero mas lalong walang hinto ang bibig ko pag sober ako. "You rejected me earlier."

"Rejected?" Untag ni Maj. Nagtataka sa pinagsasabi ko.

"I technically proposed to you but you just shrugged it off." Para naman akong maiiyak uli.

Tumikhim si Maj na tila ba talagang nabulunan siya. "Crazy. I didn't count it as a proposal. Ad I should be the one proposing not you. Come on, you're just drunk."

"Hindi na ako lasing ngayon."

"Pero kanina oo." Inalalayan niya ako patayo. "Let's say goodbye to them then we're off."

Nialpitan namin ang bagong ka sal. They looked so smutty, nakakahiya tuloy lumapit. Buti na lang may kapal ng mukha si Maj pagdating sa ganitong sitwasyon.

"Dude, I told you, get a room." Pang-aasar niya sa dalawa.

"Maj, we're just kissing. Masyado kang exaggerated, ever." Umirap pa si Kyra sa kaniya.

"Tama si Kyra. And besides nasa US tayo, this is just nothing. Kaya kung ako sayo..." Parang may sinenyas si Maj sa kaniya. "Okay, good luck. And get a room!"

Umalis kaming tumatawa ang dalawa na para bang nasisiraan ng bait. "Sila dapat ang sawayin mo. Mas lasing na 'tung dalawa kesa sa akin."

"I don't care about them. This is their day."

Lumabas kami ng hotel kung saan ginanap ang reception. Nagtataka nga ako kasi alam ko naka-booked ang buong hotel para lang sa kasal nila Nico at Kyra pero bakit parang sa iba pa ata kami pupunta. "Did we check-in somewhere?"

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Where stories live. Discover now