Naligo na ako at nagbihis. I looked at our uniform. Medyo lumuwag iyon so it means pumayat ako. Kinuha ko ang tint sa bag ko at naglagay sa lips.





"Tara na, Maria! Takte ang tagal naman," Sigaw ni Rica. I chuckled when I realized it's getting late. Alam naman na namin ang pasikot sikot sa school dahil we already spent one year there.





Kinuha ko na ang bag ko at nilagay sa loob ang payong, tsinelas, extra damit at iba pa. Nakakaiyak nalang sa school namin kapag umulan. Para kang nag free entrance sa resort. Habang lumalabas ako sa condo, tumunog naman ang phone ko.




"Hello, ma?" Sagot ko.




"Oh, anak. Akala ka tulog ka pa. Jusko, salamat kay Rica. Sige na, ingat kayo," Sabi ni mama. Tumango ako kahit hindi niya naman makikita 'yon.




Nakita ko rin na nasa labas na silang lahat. I smiled when I realized we just turned into something opposite! Parang noong nakaraan lang mga hubadera kami, ngayon balot na balot dahil sa uniform.





"Hindi ako makakasabay mamaya mag lunch, ah. Aya ako ni jowa," Sabi ni Arwen. Tumango nalang kami roon. Siya nalang naman ata ang may love life sa amin. Di ko lang sure kung legit na meron din si Briella.





Speaking of Briella, she's taking a vlog right now maybe for a content na first day of school. Hindi ko rin alam pero ang hectic ng mga sched niya minsan. She even had her book signing noong last month. Kasabay niya rin ata sila Jarmine at Raine.





"Hi mga bobo," I greeted to the vlog. Tumawa nalang si Briella roon. She won't censored that for sure.





Nang makarating sa school, we separated our paths. Magkasama kami ngayon ni Rica. Sila Angie, Briella at hindi ko sure ang iba, magkakasama sila. Ang iba naman ay sila Elvira, Jane, Raine. About med sila.





We entered our room and saw some familiar faces. Ang iba naman ay literal na bago.




"Hala, Jaren!" Someone called me so I glanced to that person. Nakilala ko siya dahil naging kakalse namin dati.





And yes, It's me Jaren. Hindi ko pinakilala ang sarili ko sa college life ko na ako ay si Maria. Ayokong tinatawag na Maria simula noong nangyari dati. My friends can still call me that, dahil sila lang naman 'yon.




Umupo ako at nilabas ang notebook. Nag overthink lang ako magdamag hanggat sa natauhan. Literal na natauhan.




"F-frank," Ang sabi ko sa nagtatanong sa akin ng pangalan ng katabi ko. Binawi ko kaagad ang braso at pumirmi na ng upo.





I saw some went to my seat mate and introduced themselves. Napa-iling nalang ako sa hindi alam na dahilan. Tao rin 'yan, mga gago. Tumatae rin 'yan! Napa-irap ako sa naisip at natauhan nalang ng biglang nag salita ang prof.





"Okay next, Ms. Pores," Kabado ako na pumunta sa harap. Hindi ko rin ma gets kung bakit uso pa rin ang introduce yourself dito.





I've never been this nervous before! Nilingon ko ang buong klase at mas kinabahan. I looked at Rica who cheered for me, even teased me. I shooked my head before saying something.






"I'm Jaren Pores. 18. Love articles, obviously a future lawyer. Kumakanta," Wala kong ekspresyon na sabi. I saw some of my boy classmates whistled. Hindi ko nalang inintindi iyon at bumalik na sa upuan.





And I know next na si Frank. Magkasunod lang kami ng surname. Tinapik ako ni Rica kaya napatingin na ako sa harap. I noticed how he changed base sa looks niya. Hindi ko maitatanggi na mas nagka-itsura siya.






"Frank Ponce. 20. Uh, marami akong gusto pero depende sa mood," Naputol ang sinabi niya nang may biglang epal na sumabat.






"Ako po, mag aapply na maging gusto mo," Natawa ang buong klase dahil doon. I tried to laugh to lalo na nang napatingin sa akin si Frank.






"Chief Executive Officer in the making," Huminto na siya at hanggang doon nalang ang binigay na impormasyon.





He looked at me before nodding to our professor. Iniwas ko naman ang tingin ko at nag cross arms. I shouldn't mind him, of course. I'm here to study for my future. Future Lawyer ako nila mama, san kaya ko ring maipaglaban ang sarili ko mula sa mga. Nevermind. Shuta. Pero bakit ba kasi dito pa siya nag-aral. Why did he come back from States?





The whole day went well. Wala namang ginawa sa first day kung hindi pakilala. Pero may iba naman na nagre-recall ng topics para malaman ang knowledge namin. So far ako ang may pinakamaraming nasagot. Sa girls. And sa boys, 'wag na kayong magtanong.





Buong araw ata nakatitig sa akin si Frank nang patago. Crush niya ba ko? I wouldn't blame him. He has right to feel something towards me. But I'm sure infatuation lang 'yon. Napatigil ako ng biglang napatitig uli siya. Oh! Hindi siya sa mukha ko nakatitig. Sa leeg?





Napatingin din ako roon. I saw the necklace he gave to me years ago. Uminit ang pisngi ko nang mapagtanto na suot suot ko pa rin! Shuta!






I closed my eyes. Tumalikod at tinapik si Rica.





"Cr tayo. Take off my necklace. Dali!" I almost pulled her for being so quick.





Mamaya kung ano pa ang isipin niya. Probably he's thinking right now that I'm still inlove with him!





|Next|

The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon