08

205 5 9
                                    


"Okay, class. Nakita niyo 'tong hawak ko na papel?" Our adviser said. Nagayos kami ng mga gamit at ng upo para makinig sa guro namin.





Some of us said yes, while the rest just nodded, I'm one of them. May nilabas na isang mahabang papel, which is size lang ng long bond paper. She waved those papers, like we should be putting attention to that. Ano ba kasi 'yon? That thing must be really fun or what, kung hindi fuck this.





"Fieldtrip."






Napanganga kaming lahat sa sinabi ng adviser namin. The silence did not last because of the sudden news. Ang mga kaklase ko ay nagtatatalon na. I'm just smiling the whole time. Nillingon ko kaagad ang kaibigan ko dahil doon.







"Doon tayo sa likuran lahat ah. Walang mahihiwalay mga gago," Maagang sabi ni Jane. Tumango naman kaming lahat. For sure kami ang sa likod, kami kaya ang may pinakamaraming magkakaibigan sa klase.






Tumalon talon si Jarmine, "Tabi kami ni Rica."





"Ah basta. Ako sa likod ah, masarap kaya kapag sa likod, hihi," Si Arwen naman ang nagsalita. We spent the whole time talking and planning for the fieldtrip. Laging maaga ang event namin sa school.






"Papasa lang ako ng journal," Sabi ko sakanila at tumayo na. I reached for my journal and looked for any damages or what. Wala naman kaya naglakad na ako palabas.







I checked each pages of my journal. Maayos naman ang mga iyon at puno ng sulat. Mas marami pa rin talaga ang sulat ko kaysa sa mga disenyo. Patuloy lang ang lakad ko at napagtantong iba pala ang nadaanan ko. Why am I in the lobby? Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa katangahan.







"Papasa ka rin?" Napalingon ako kay Frank na hawak din ang journal. Kumunot ang noo ko at tumango.







I heard him chuckled, "Akalain mo sabay tayo? Tara."







"Sabay? Baka sinundan mo talaga ako, plano mo 'yan. Bulok," Umiiling ako habang sinasabi.






"Matalino ka nga. Tara na," He laughed and then walked first. So tama ako, huh. Mga galawan nila ang lalaos na! My goodness.







I walked fast. Hindi para magmadali, para mapantayan ang nilalakad ni Frank. I saw his notebook. Wala masyadong mga papel o construction paper na disenyo roon. Probably for him, notes would do? Siguro. Pero ako kasi nilalagyan ko rin ng design baka kasi may grade roon.






We stopped in front of the faculty's door. Nagkatinginan kami kung sino ang magbubukas. I raised a brow at him at naglabas lang siya ng isang hinga at kumatok na. He opened the door, ako naman ay parang anak na nagtatago sa likod niya.






"Ma'am, good day. Nais lang namin ipasa 'yong project namin," Nilingon ako ni Frank kaya tumango ako na parang sunod-sunuran.






"Ay wow. Sige lagay niyo lang dito. Salamat, ah," Masayang sabi ng guro namin. Ngumiti rin ako, sa hindi alam na dahilan. I rolled my eyes and went outside first. Napahinto lang ako nang biglang pigilan ako ni Frank sa paglakad.







"Ano?!" Sungit kong sabi. Minsan ganon talaga ako, sorry not sorry. I laughed with what I thought.






Tinaas niya ang dalawang kamay, "Oh, chill. Ba't ang sungit mo ngayon. Ayain lang kita sana lunch."






The Greatest Opponent Where stories live. Discover now