04

318 8 6
                                    

Dumaan ang ilang linggo, ganoon pa rin ang nangyayari. He always messed around me. Notes lang daw sapat na. Hindi ba talaga siya marunong mag notes habang nagdi-discuss o kaya tuwing may power point naman at binibigyan ng time para mag sulat. We often chat too, for notes again, I guess?






We presented our report last week, and it went well. Kami ang nakakuha ng highest grade roon. We even got some praises from our teacher for solving the case very well.







"Hoy, mga gago. 'Yong karton sino magdadala?" Jane asked. Para kaming nakatunganga lang dito sa room dahil wala namang nagsasalita.







"Ako na, ako na," Sabi ko. Mayroon naman kami sigurong karton sa bahay.






Tumango sila at bumalik na sa sari sariling gawain. I check the time, alas kwatro na pala.








"Sino puwedeng sumama sa akin? Kukunin ko na 'yong mga karton ngayon para hindi na hassle bukas," Nilagay ko ang hibla ng buhok sa likod ng tenga. Nagtaas ng kamay si Briella. Tumango ako at tumayo na.







"Uy, need lalaki. 'Di natin kaya 'yon," Sabi sa akin ni Briella. Napakunot ang noo ko at nilibot ang tingin sa room. Hinampas ko ang gilid ng board para maagaw ang atensyon nila.








"Boron! Sino puwedeng sumama sa amin? Kukuha mga karton, need lalaki," Nilakasan ko ang boses ko habnag naka pameywang.








Nakita ko ang pagtayo nila Jane at Denis para sumama. Nilibot ko uli ang tingin at wala pa ring sumasagot.







"Uulitin ko, sino rito 'yong puwede na sumama sa amin na lalaki para magbuhat ng mga karton," Matigas na sigaw ko uli.







Nakita ko si Frank na tumayo kaagad at tinago ang phone. I heard his friends laughed and tapped him.







"Oh, si Frank daw," Sabi ni Denis at lumakad na. Tumango ako at tinignan uli si Frank na kumukuha ng wallet at nagtatanggal ng hoodie. Nagtama ang mga tingin namin kaya napahinto siya. Kumunot ang noo ko at nauna na mag lakad.








Nagulat ako nang biglang wala na kaagad sila Denise. Nauna na sila. I groaned when I realized na ako nalang at si Frank ang naiwan. Mga walang hiya!









"Sakay po?" Sabi ng isang tricycle driver. Tumango ako at sumakay na. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Frank at pagtabi niya sa akin. Wow, the world really hates me that much.









"Babalik ka pa sa school? Gusto mo kami nalang bumalik para makapag pahinga ka na," After a long quiet scene, nagsalita na rin ang katabi ko. Siyempre, hindi naman ako ang unang magsasalita no.








Umiling ako sakaniya, "Sasama ako."








Hindi na siya nagsalita pa after non. Ang buong byahe ay awkward. Bakit nga ba ang awkward? Kapag naman mga kaibigan ko ang kasama niya, hindi awkward. Ano ba talaga ang meron?








"Dito na lang po, kuya," Lumabas na ako at mag aabot na sana ng bayad ko nang biglang umalis na ang tricycle. Hala, magbabayad pa ako!








"Bayad ka na, tara san na tayo pupunta," Seryoso niyang sabi. Tinignan ko siya at parang tanga na tumango.






Nauna ako na lumakad para maka sunod siya. Nasaan na ba kasi ang mga 'yon! Sana kasama namin sila maglakad. Sana hindi awkward.







The Greatest Opponent Where stories live. Discover now