11

178 6 4
                                    


"Uwi na kita sainyo," Sabi ni Frank. Nagulat ako nong una dahil ihahatid niya pa ako, eh alas dose na ata. Pero nakumbinsi niya rin naman ako sa huli.





Nang nagsibabaan na, may tumawag sa amin.





"Uy, una na kami ah. Ingat!" Nilingon namin sila Rica. Tumango kami at kumaway.






"Ako din, bye! Dilig season si Pores ngayon," Tawa ni Arwen. I raised my middle finger to her and laughed.






Habang patagal ng patagal, paalis na ang iba. Naglakad na kami ni Frank at sumakay sa may tricycle. Inalalayan niya ako at kinuha muna ang bag ko. We sat there for not too long. Anong oras na ngayon kaya walang traffic. Huminto kami sa may tapat namin at hindi na siya pumasok pa.






"Ingat," I faced him. Seryoso siyang tumingin sa akin at sa labi ko. I pouted and got embarrassed. Ano ba naman 'yan!





Tumango siya at hinalikan ang kamay ko. He waited for me to enter our house. Nang nasa loob na ako ay narinig ko na ang pag-andar ng tricycle. Napahinto ako sandali sa may gate namin, nakasandal. I remembered some scenes we made together. Ang pinaka remarkable sa akin ay ang ferris wheel. I looked to my necklace. Ngumiti ako nang makita ang pag kislap ng pendant. I remembered too some of his moves that made me.. made me fall. Oo na, ako na ang hulog. But wala namang masama roon diba? Nagmamahal lang naman ako.






I quickly sent a message to him.






Maria: I love you too.






Agad akong pumikit. Tumawa ako roon at hindi na muna tinignan ang convo. I quickly hid my phone when my sister showed up. Hala, nauna na pala sila?






"A-ate? Ang aga niyo namang binaba," Hindi ako makatingin sakaniya.






"Oo. Mag-isa kang umuwi?" Tanong niya. Napaangat na ako ng tingin at umiling.





"Kasama ko mga kaibigan ko," Simpleng dahilan ko sakaniya. She nodded and looked at me. Mabilis na akong pumasok sa loob at pumikit. Damn, muntik na iyon.






Inayos ko na ang gamit ko. I changed my clothes too. Nang tapos na sa lahat ay humiga na ako. I took out my phone and saw some photos that were sent by my friends. Natawa ako sa iba dahil ang saya namin doon. I saved those and made those my story. Hindi ko muna binuksan ang convo namin ni Frank dahil sa kahihiyan. I never felt like this before! Ganito pala ang nagagawa kapag inlove? Jusko.






I opened my twitter account. Kita ko na roon ang mga litrato namin ng section. I retweeted those and saved. Napadaan ako sa isang tweet from a familiar girl.





Aliahaaaliaho_

Akin 'yan, ah.





Kumunot ang noo ko at napa-isip. Was that for me? Or what. Umiling nalang ako at napabaling sa sunod na tweet.





Luce_fer

Anong ginawa niyo dito kay frank. Puta nangingisay na ata sa kilig.






My eyes widened. Because of what? Binuksan ko ang messenger ko at nakita ang message ni Frank. I bit my tongue inside my mouth, help.





Frank: Hala, true statement?




Frank: Wala nang bawian, ah?




The Greatest Opponent Where stories live. Discover now