KABANATA XX: Kasama

Magsimula sa umpisa
                                    

Ako'y hinay-hinay na tumingala at laking gulat ko ay si Czea ang kaharap.

"Czea?" pagbigkas ko ngunit pawang hindi ako pinansin at tinawag itong muli. "Czea, sandali."

Pinigilan ko ang matutuling lakad niya nang inabot ko ang kanyang braso upang huminto ito sa paglalakad.

"Cz-Czea please," bigkas po at ito ay lumingon ng dahan-dahan.

"A-Anong kailangan mo?" tanong niya.

"I've been looking for you for days, pabalik-balik ako rito ng ilang araw but I haven't seen you," wika ko.

Lumapit ako sa kanyang kinatatayuan habang saya lamang ang naramdaman ko nang siya'y muling natanaw.

Nautal ito at puno ito ng alinlangan. "I-I was busy k-kaya hindi na ako nakakabisita rito."

"B-Bakit? Dahil ba sa pinagmamalupitan ka ni Xavier?" sunod-sunod kong katanungan sa kanya.

Siya ay napailing at agad na nagsalita. "No, h-hindi. I am just busy with my work. Kaya, kailangan ko ng umuwi. Marami pa akong gagawin sa bahay."

Siya ay agad na thmalikod at aakmang aalis na sa kanyang kinatatayuan ngunit inabot kong muli ang kanyang braso upang ito ay matigil at huminto sa paglalakad.

"Czea, sandali!" pagpigil ko sa kanya.

"Lance, ano ba?!" aniya na para bang kumunot ang noo nito.

"I need you," wika ko na nagpawala sa kanyang nakakunot na noo. "I-I mean, I need someone to talk to."

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Pawang desperado na sa mga salitang binitawan ko.

"Lance, I'm sorry. But I need to go---" pagputol niya nang ako'y nagsalita agad.

"Just please!" sambit ko at ako'y napahawak sa kanyang mga kamay sabay pagkaigtad nito.

"I-I'm sorry," pagpaumanhin ko nang agad nitong binaba ang kamay niya.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" pagbaling niya na nagpasaya ng loob ko.

Tila bang aakmang hahawakan muli ang kanyang mga kamay subalit napangiti na lamang at nagpasalamat.

"Thank you Czea. A-Ahh, pwede bang sa bahay na lang, if it's okay to you? Gumagabi na kasi eh."

Desperado na sa kung desperado. Isang gabi lang naman ang hinihingi kong makausap siyang muli.

Hindi kalauna'y pumayag naman sabay diretso na namin papuntang sasakyan. Nakakapanibago lang, tila bang iba ang rehistro niya sa aking mga mata. Umiling na lamang at hinayaan na lamang.

Parehong naupo na sa upuan ng sasakyan at tuluyan ng umalis patungo sa pupuntahan. Ngunit tila bang katahimikan lang ang bumabalot sa loob nitong kotse at hindi maipaliwanag ang nangyayari. Parang ang awkward lang talaga.

"Baka, napipilitan ka lang ha? Pwede mo namang sabihin," pagbasag ko sa katahimikan.

Tila bang sa pagkakataon ay napatingin lamang ito ng diretso sa mga mata ko habang ako'y lumilingon lamang sa kanya nang nakapokus sa pagmamaneho. Ngunit ilang saglit pa ay bigla itong natawa na ikinataka ko naman.

"M-May nasabi ba akong nakakatawa?" inosente kong tanong habang ito ay napapangisi pa rin.

"Alam mo napakaseryoso mo talaga. Okay lang nga... at anong sinasabi mong napipilitan? Sira. Walang ganoon!" ani Czea at napangisi na rin lamang ako.

"Ikaw talaga. Basta, don't worry, I'll cook dinner for us and I'll ride you home after. Just please... spare the night with me," wika ko pang muli.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon