Bakit ako nag i-expect na si Justin ang mag aalaga sakin? BAKIT? WHY!? South, umayos ka nga.

Siguro kasi siya yung huling nakakita sakin? Oo yun 'yon. Baka nga nung nawalan ako ng malay ay may ibang member na nakakita, baka si kuya Sejun. Oo, tama.

Tumango tango ako na parang tanga.

Napag isipan kong matulog nalang ulit. Nang magising ako a few hours later, alas sais na ng gabi. Imbes na lunch, naging dinner yung pag inom ko ng gamot.

Medyo okay na rin naman ako, kaya ko ng tumayo kaya nag punta ako sa cr para mag shower para naman mahimasmasan yung katawan ko.

Nag suot lang ako ng robe at lumabas para kumain. Pero pag dating ko sa kusina ay nakita ko si Justin, may dalang pagkain!

Nakita niya rin ako at biglang napaiwas ng tingin. Tapos namula pa! Na-realize ko, naka bathrobe lang pala ako! Aish.

Pero, bago ako mag palit, why don't I mess with him a bit? "Hi, Jah! Sakin ba 'tong mga pagkain?" Nakangiting tanong ko, "ahem, ahm, oo, pinapabigay ni kuya Sejun." Sagot naman nito. Hindi pa makatingin sakin ng diretso.

Cute.

"Sige, pakisabi, salamat. Kakain na ako, ikaw ba kumain na?" Tanong ko at naupo sa isa sa mga upuan sa hapag. "Ano— kasi, ahm," muntik nakong matawa dahil nauutal utal siya. "Wala ka bang balak mag palit muna?"

"Ha? Bakit? Anong mali dito? Naka robe naman ako ah."

"Kahit na! I mean— lalaki ako, babae ka— aish. Nevermind. Kumain kana diyan babalik na ako doon."

Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ako tumawa ng tumawa, ang cute naman pala ni Justin pag na-pa-fluster! Naks.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Kagigising ko lang naman kaya hindi pa ako inaantok. Nanonood lang ako ng kung ano-anong videos sa youtube. Meron pa yung napanood kong SharTin Moments, sina Justin at Sharlene San Pedro.

Edi wow. Sana all.

Napagpasyahan kong manood nalang ng kdrama. Ang ganda nga nung pinanood ko. Ang gwapo nung lalaking bida, tapos ang cute nung leading lady niya.

"Haru-yah," tawag ko sa bidang lalaki. Ang pogi! Extraordinary You yung title ng pinapanood ko.

Si Eun Dan Oh naman yung bidang babae, tapos Haru yung pangalan ng lalaki. Na-realize ni Dan Oh na isa siyang character sa comic book tapos ayun nag meet sila ni Haru.

Hindi ko na nga namalayang madaling araw na pala dahil busy akong manood.

Nang tignan ko kung anong oras na ay halos magulat ako, 5:56am. Umaga na!? I— I didn't even notice...

Ako lang yata yung nilagnat pero kinaya padin mag puyat para sa kdrama.

Tiningnan ko sa notes ko yung schedule namin at yEs! Wala kaming sched todaaAay!

Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto ko, kaya tumayo ako at binuksan iyon.

"Oh? Ang aga mo yatang nagising? Akala ko kailangan pa kitang gisingin."

Natawa ako ng mahina. Ang aga ko daw nagising. Wew. "Hindi pa po ako natutulog." Sabi ko sabay kamot sa batok. Mukhang nagulat naman siya dahil natahimik.

"Oh, okay. Tulog kana, nanood ka nanaman siguro ng kdrama buong mag damag. Para kang hindi nilagnat." Napangiti nalang ako at tumango. "Sige po, kuya."

Bumalik na ako sa higaan at agad na natulog. 10am na nung nagising ako at na pumunta sa fridge para mag hanap ng pagkain pero nakita kong nandoon silang lahat sa hapag. Mukhang ngayon lang din kakain.

Sinaluhan ko sila at tahimik na kumain. "Ah, oo nga pala, kuya Sejun, salamat sa gamot at pagkain."

"H-ha?"

"Sabi ko po, salamat. Diba ikaw nag iwan nung letter at gamot sa kwarto ko kahapon, tapos binilhan mo pa ako ng pagkain."

"A-ah, haha, o-oo nga."

Bakit kaya 'to nauutal? "Walang problema." Sabi pa nito. Nginitian ko nalang siya at nag patuloy sa pagkain.

"Hay, sana all binibilhan ng pagkain," parinig ni kuya Ken tapos biglang naubo si Justin, "sana all talaga." Dagdag pa nito.

"Kuya Sejun, bilhan mo daw ng chicken 'to oh." Sabi ko saka itinuro si kuya Ken. "No, no, no, gusto ko sana si Justin ang manlibre sakin."

Nginisian nito si Justin at umakbay pa dahil mag katabi sila.

"B-bakit naman kita ililibre ha! May pera ka naman." Umaktong nasasaktan si kuya Ken at nag puppy eyes kay Justin, "eh bakit si S—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin. Sunupalpalan na kasi ni Justin ng tinapay sa bibig. "Oo na, ililibre na kita. Tumahimik kana." Halos lahat ay natawa dahil halatang naaasar na si Justin. Kahit ako napatawa.

"Ay, may gagawin ba kayo next week guys?" Tanong ni kuya Josh, umiling naman kami. "Very good! Pupunta tayo sa amusement park!"

Nagpalakpakan kaming lahat sa sobrang saya! YES! WOHOOOO! Nakaka excite!

// // // // // // //

A/N: who already watched Extraordinary You? Sobrang ganda guys! 10-10! I recommend you to watch it! Mai-inlove pa kayo kay Ro Woon kasi as in, yung character niya, dalang dala niya. Pati na din kay Hye Yoon mai-inlove kayo, kasi ang cute niya as Eun Dan Oh.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now