"Alam niyo, sleepover tayo bago mag birthday ko," Napatingin kami kay Briella dahil sa sinabi niya. Some of us are jumping because of excitement and joy. Ang iba naman ay napapa-iling nalang dahil siguradong hindi papayagan.






"Sama ka Maria, ah," Yaya ni Briella. I only smiled and nodded.





"Paalam ako," Sabi ko pabalik.





Bago mag Christmas break, marami kaming pinasa na project. Gumagawa rin kami sabay sabay ng mga project ng mga kaibigan ko.





"Wow, akalain niyo. Kasabay na natin sawakas si Maria gumawa ng ganito!" Sabi ni Jane. Napatawa nalang ako roon. Maybe I really did spend most of my time with Frank before. Napagtanto ko rin na hindi ako nakakasama sa mga gala ng mga kaibigan ko.






Maraming oras ang naconsume namin sa paggawa ng mga projects. We even laughed together because of the sudden jokes.






Franknstayn_

Sana lahat okay.





Napakunot ang noo ko sa nakitang tweet ni Frank.





Replies:

Aliahaaaliaho_

Want some food?





Hindi ko na tinignan pa ang iba. Baka masaktan lang ako. Hindi naman sa akin nabanggit ni Frank ang tungkol sa babaeng iyon. Maybe friend. I really want to make him feel better. I know that was for me. Ang tagal rin ng pahinga namin sa isa't isa. Siguro hindi talaga 'yon pahinga, kasi nakipag break ako, eh.







I opened our convo. Nagulat ako ng may mga messages pala siya roon. I muted it right after I told him we are done.






Frank: Sana ayos ka lang. Sana masarap tulog at ulam mo. Sana nakakatulog ka ng may kumot. Sana may nagbibigay sa'yo ng lollipop.






Frank: Hi.






Frank: I want you to know, I love you. Kain kana.






Frank: Kahit sinabi mo na wala na tayo, hihintayin pa rin kita. Ako pa rin 'to. Lapitan mo ako, ayos lang.







I bit my lower lip and felt guilty. Hindi ko man lang nakita ang mga iyon. I wish I just ate my pride that time. Napatingin muli ako ng may panibagong mensahe mula sakaniya.







Frank: Puwede ba tayong mag-usap? Linawin lang natin, please. Ayokong napapagod ako ng hindi sinasabi sa'yo. Mahal kita.






Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang luha ko. Okay lang naman diba? I can just message him that we can talk and clear all of the things to him.






Maria: Bukas.






Natulog na ako pagkatapos non. I messaged my friend to help me tomorrow. Sila na raw ang bahala. They even joked about having a big celebration after that talk. Kasi raw hindi na raw ako rurupok. Sigurado ba sila? Char.








"Kain na anak," My mom told me, tumango ako umupo na. Kasabay ko si ate na kumain. My mom placed some money on the table. Napatingin kami ni ate sakaniya.







"Baon," Tumango nalang kami at kinuha 'yon. Ang weird lang kasi may baon naman kami. Extra?







Ang unang subject namin ay binigyan kami ng isang activity. Kumuha ng volunteer at lalabas muna ang mga 'yon. Nag volunteer na ako para mabilis na. Si Rica, Arwen, Luce at Frank ang kasama ko. Napayuko ako buong oras na nandoon kami. Awkward? Buti nalang may mga kaibigan ako na kasama.






The Greatest Opponent Where stories live. Discover now