CHAPTER 32🌿✨ -Lost

Depuis le début
                                    

Napayuko naman siya. "Akala ko kasi nandito din siya."

Nawalan siya bigla nang gana.

Ang kaninang maayos na pakiramdam niya sa kabila nang antok at hilo ay biglang naglaho dahil sa lubos na pagkadismaya.

Buong akala niya ay nandito rin si Angeline.

Akala niya talaga ay pinuntahan rin siya nito.

Pero bakit ba kasi ganoon ang mga naaalala niya? Parang totoong totoo? Kaya nga umasa siya na pagbaba niya rito ay maaabutan niya ang babaeng mahal niya na kausap ang kapatid o ang kanyang ina.

Ang kaso ay wala naman pala.

Nanaginip lang ba talaga siya? Panaginip lang ba ang lahat ng nangyari at narinig niya kagabi?

Napabuntong hininga siya sa loob loob niya, akala niya naman ay totoo na.

Akala niya ay nandito talaga si Angeline.

Pero malinaw na malinaw talaga ang mga panaginip niya kagabi, imposibleng hindi yun totoo.

He can still remember how they went outside the bar, alam na alam niya na ito ang rason kung bakit siya nakumbinsing umuwi.

If it's not because of her, malamang ay nandoon pa rin siya hanggang ngayon sa bar na pagmamay ari ng isa sa mga kaibigan niya.

The kiss that they shared in the car, ramdam na ramdam niya na totoo, yung pagyakap nito sa kanya habang nakahiga sila, pati na ang mga hawak nito.

Hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang mga naaalala niya.

Maybe he just misses his Angeline that much kaya siya nagkakaganito.

Talaga bang nanaginip lang siya?

Kung ganoon, sana hindi na nga lang siya nagising pa.

"Sabagay, malabo naman." he sighed at muli nang tumayo sa upuan.

"Oh saan ka pupunta?! Mag aalmusal pa tayo diba?"

Almusal? Huwag na, hapon na nga eh, mag aalmusal pa ba siya?

"Matutulog ulit." sagot niya at muling umakyat na papunta sa kwarto niya.

Matutulog na lang muli siya.

Bakasakaling magkatotoo na ang mga panaginip niya.

Bakasakaling doon, mangyari nga talaga ang mga sinabi ni Angeline sa kanya.

Humiga muli siya sa kama at tumitig sa kisame. Bakit ba ganoon, bakit ba parang totoong totoo talaga?

Tinapunan niya ng tingin ang larawan na nasa bedside table niya. Napabuntong hininga na lang siya sa mga naiisip. Parang mali nga na gumising pa siya.

Kinuha niya ang picture frame ng babaeng mahal na mahal niya. Tinitigan niya ito bago siya nagsalita.

"Akala ko talaga totoo na. Sayang, akala ko totoong sinabi mo sa akin na magkakaanak na tayong dalawa."
----END OF FLASHBACK----

Sobrang gulo ng takbo ng utak ni Erik.

Nawalan siya ng gana noong araw na yun dahil buong akala niya ay totoo. Pero hindi pala.

Lingid sa kaalaman niya na nakiusap na si Angge sa kanyang mga kapatid na huwag na lang sabihin sa kanya ang naging pagpunta niya sa bahay.

Napailing na lang si Erik. Kung anu ano nanamang naiisip niya.

Secrets Beyond the StarsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant