Chapter 10: Twisted Story

57.9K 723 87
                                    


***

(Seven/Shiela)

Lumabas muna ako sa kwarto ni Ate Thea gaya ng sabi ni Kuya Michael. Namula na naman ako nang maalala ko ang mga titig nya kanina. Gosh! Am I inlove? Kase kung oo, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Dumiretso na ako pababa ng hagdan para tingnan ang iba. Naabutan ko silang nag aagahan sa kusina.

"Oh Seven kain na." Alok sa akin ni Ate Betty nang mapansin nya ang presensya ko. Halos lahat naman ng collection ni Kuya Jacob mababait maliban lang kay Ate Ashley na kung makasimangot eh parang pasan nya ang buong daigdig.

"Thanks." Simpleng tugon ko kay Ate Betty. Napansin ko si Ate Ashley na ang sama sama ng tingin sa akin, problema nya?

"Nawalan na ako ng gana." Bulalas nya saka padabog na tumayo sa lamesa. Walang galang. Napailing na lang sina Ate Liza, halos araw araw kase ganun ang ugali nya. Sa totoo lang wala syang ka close sa amin. Masyado syang aloof at mataray, at hindi ko iyon gusto.

"Ang sarap ng sopas ah, sinong nagluto?" Naka ngiting tanong ni Ate Lily. Sa aming lahat sya ang pinaka mabait. Sya ang pinaka malakas ang loob. Kaya kami nakakatagal noon dito ay dahil sa words of wisdom nya.

Napaisip ako bigla, sa 2 buwan ko kaseng pamamalagi dito nakapansin ako ng pagbabago mula ng dumating si Ate Thea.

Una, hindi na umuuwing lasing si Kuya Jacob di gaya ng dati.

Pangalawa, hindi nya na ganun pinatatawag ang mga kasamahan ko. Di gaya dati na gabi gabi halos lahat sila naikakama nya.

At higit sa lahat, naging maaliwalas ang aura nya. Mula nang dumating si Ate Thea lagi ko syang nahuhuling nakatingin dito at di namamalayang ngumingiti na pala sya. Di kaya inlove sya--

"Uy Seven, ba't tulala ka dyan? Ubusin mo na nga yang pagkain mo para mahugasan na ang mga plato." Saway sa akin ni Ate Aleeya. Sya ang pinaka matured sa amin dito at taga payo na rin. Itinuloy ko na lang ang kinakain ko erasing my thoughts earlier.

Maya maya lang nakarinig kami ng yabag na papalapit sa kusina. Nilingon ko iyon at nakita ko si Kuya Jacob kasama si Kuya Michael. Halos takasan ako ng lakas nang makita ko syang kumindat, napayuko na lang ako para maitago ang malakamatis kong mukha.

Nag dire diretso si Kuya Jacob sa pag upo at pag sandok ng sopas. Ang itim ng aurang bumabalot sa pagkatao nya, marahil ay apektado pa din sa ginawa nyang pag posas kay Ate Thea.

Napabuntong hininga na lang ako. Naaawa ako sa kanya, hindi ko man alam ang dahilan nya kung bakit sya nagkakaganun pero, isa lang ang sigurado ako. May dahilan ang lahat ng yun.
***

Dalawang araw. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng itali ni Kuya Jacob si Ate Thea, at hindi ko alam kung hanggang kelan nya pa ito parurusahan.

Sa dalawang araw na nakalipas, ako ang nag asikaso sa kanya, nagpapakain at nagbibihis...

Hindi pa din ulit dumadalaw dito si Kuya Michael, at sa palagay ko namimiss ko na sya. *sigh*

Naipa iling iling ko na lamang ang ulo ko. Pinapangarap ko na naman sya kahit alam kong hindi maaari. Imposibleng magustuhan nya ang gaya ko. Malamang, siguro may girlfriend yun. Naiisip ko pa lang na masaya sya sa piling ng iba, para nang pinipiga ang puso ko. Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Kase ako oo. Unang beses ko pa lang syang nakita, nahulog na ako sa kanya.
***

Ikatlong araw... Ikatlong araw nang nakatali si Ate Thea. Tatlong araw na ding hindi pumupunta rito si Kuya Michael. Iiiihh.. Bakit ba iniisip ko na naman sya?

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu