Chapter 29: Dalawampu't Siyam

48.8K 570 39
                                    

***

(Althea)

Hmmm. Naimulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mabigat na bagay sa bewang at dibdib ko.

Awtomatiko akong napangiti ng maalala ko ang kagabi. Last night was  wonderful.

Nilingon ko ang lalaking mahimbing at payapang natutulog sa tabi ko. He's beautiful. Hindi ko pinagsisisihan na pinakasalan ko sya. His long eyelashes nakaka insicure. Yung acquiline nose nya. His red lips, so inviting.

Pero kung ako ang tatanungin, ang mga mata nya ang pinaka gusto ko. You can see his soul through his eyes. They're hypnotizing.

"I Love You." Hinalikan nya ang tungki ng ilong ko. He's smiling like an idiot. Hindi ko napigilan ang mamula.

"Ano bang nakakatawa?" I hissed, pero lalo lang lumaki ang ngiti nya.

"I'm happy." Simpleng sagot nya.

"Bakit nga?" Tanong ko pa.

"Because pag mulat pa lang ng mga mata ko, yung mahal ko na agad ang nakita ko." He pulled me closer to him and hugged me tight. He's being sweet again. Ang sarap sa feeling.

"Ang corny mo!" Biro ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Kinilig ka naman." We'll I admit it. May sweet hormones at sweet bone din naman ako. Imagine, a Maniago, ganito kacorny? Pero kahit gaano pa sya ka corny, mahal ko pa rin sya.

"Jacob, pwedeng magtanong?" Ipinatong ko ang ulo ko sa may dibdib nya.

"You're already asking." He said.

"Seryoso ako."

"Why? Do I look like joking?"

"Jacob!"

"Call me honey, kiss me, then you can ask."

A Maniago will always be a Maniago. Too bossy.

"It's unfair!" Andaya naman eh. Quotang quota na sya ha. Kagabi pa yan ganyan.

"Okay. Ayaw mo?" Sumimangot pa sya at nagpacute. -_- Dinaig nya pa si Chans.

Minsan nga naiisip ko na lang, nabubuhay sa katauhan ng kambal ang dalawang katauhan ni Jacob. Chase being bossy, stubborn and serious. Chans being childish and sweet.

"Fine!" Mananalo ba naman ako sa kanya? Kung in the first place ayaw naman nyang magpatalo. Ngumisi sya ng pagkalaki laki.

I was about to kiss him, when--

"MOM! MAMANG KAPRE! WAKE UP! IT'S ALREADY 10:00 FOR KOKO'S SAKE!!" Isang matinis na sigaw ang nakapagpa balikwas sa amin. Sinabayan pa yun ng malakas na kalampag ng pinto at tunog ng kung anong bagay.

Dali dali naming pinulot ang mga damit naming nagkalat sa sahig, inayos ang mga sarili namin, bago namin tuluyang binuksan ang pinto.

Sumalubong sa amin ang nakataas na kilay ni Chase at ang naka ngiting mukha ni Chans na may hawak hawak pang dalawang takip ng kaldero at kaserola.

"Mowning Mom! Mowning Dad!" Masiglang bati sa amin ni Chans at hinalikan kami sa pisngi.

"Baby, bakit may hawak ka nyan?" I asked.

"Chase shaid we need to wake you up ushing thish." Itinuro nya pa ang kakambal bago binitiwan ang mga hawak nya.

"Chase, ano na namang kalokohan yan?" Tanong ko sa kanya, pero he just shrugged his shoulders.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Where stories live. Discover now