Chapter 30: Fight

40.5K 560 16
                                    

***
(Althea)

"Jacob." Pukaw ko sa atensyon nya. Para kasing wala syang pakealam sa nangyayari sa paligid nya.

"Hmm?" Sagot nya na hindi man lang inaalis ang tingin nya sa dyaryong binabasa nya.

"Si Ashley at Rio, kanina pa sila naka simangot at nagpaparinigan." Pahayag ko. Pero nagkibit balikat lang sya. Kanina pa sila ganyan pag gising pa lang namin. Napakalaki ng tensyon sa pagitan nilang dalawa na kahit si Gray at Andrew ay hindi nakikialam.

"Ashley, may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Natigil sya sa pakikipagsagutan kay Rio at saka ako tiningnan.

"Wala naman sanang magiging problema Thea kung yung kati nung iba dyan ay ikinuskos na lang sana sa pader." Makabuluhang pahayag nya na hindi ko naman maintindihan. Ang tanging napansin ko lang ay kung gaano kasama ang tingin nya kay Rio.

"Eh kung hindi naman sana nakialam yung isa dyan walang magiging problema." Balik na saad ni Rio. Seriously, whats between them?

"Bakit naman hindi ko pakikealaman aber?! Eh kitang kitang mali naman sya!" Naguguluhan ako sa dalawang to. Kahit anong isip ko hindi ko pa rin mahulaan ang nangyayare.

"Tss. Masyado kaseng pakialamera, palibhasa bitter."

"Aba't ako pa ngayon ang bitter?! How dare you!"

"Bitter ba ang sabi ko? Sabi ko butter, masarap 'tong butter!"

"Paborito palang palaman ng makakati ang butter. Thanks sa trivia."

"Sumusobra ka na talagang bruha ka, eh kung patayin na kaya kita ngayon?!"

"Eew. Kung ikaw din lang ang kikitil sa buhay ko, wag na lang no! I'd rather kill myself na lang."

"Oh that would be nice hindi na marurumihan ang kamay ko."

Napatulala na lang kaming lahat dahil sa init ng sagutan nila. Wala akong masabe. Kahit si Jacob hindi makapagsalita.

***

(Ashley)

Nakakainis ang impaktong to! Ako pa daw ang may kasalanan?! Aba! Ang galing naman nya. Matapos syang magdala ng mestisang paa dito kagabi sya pa ang may ganang magalit?! How dare him. Palibhasa hindi matiis ang kati nya.

"Jacob! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"I swear Gray at Andrew pag nakawala ako dito gigilitan ko kayo ng leeg!!"

Pareho kaming nagpupumiglas. Ako sa pagkakaladkad sa akin ni Jacob at ang impakto dahil sa pagbitbit sa kanya nina Gray at Drew.

"No. Mag uusap kayo. Fix your fucking problem. At hindi kayo lalabas ng kwartong to hangga't hindi kayo nagkaka ayos! Understand?!" Basta na lamang nya ako iniitsa sa loob ng kwarto.

"Hey let me out!!" Kinatok katok ng impakto ang pinto na akala  mo ang lakas lakas nya para mabuksan yun.

"You're waisting your time." Saad ko at naupo na lang sa couch. I guess magtitiis ako ng ilang oras sa loob ng kwartong to kasama ang isang impakto. What a day!

"Kung sayo okay lang na makulong sa kwartong to, pwes sa akin hindi. Ayoko ngang magpalipas ng oras dito kasama ang bruhang katulad mo!" Singhal nya habang patuloy sa pagkatok. Naiinis na talaga ako sa lalaking to! Ang sarap nyang balatan ng buhay. Akala mo kung sino! Pwe!

"As if naman gusto kong makasama ang impaktong katulad mo. Wag ka ngang masyadong mayabang! Akala mo kung sino kang gwapo!" Hindi ako magpapatalo sa kanya no. Tumigil sya sa pagkatok at malamig akong tiningnan. Nakipagsukatan ako ng tingin, no way na matatakot ako sa kanya. In his face!

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon