Kabanata 4

9 1 0
                                    

I accepted his friend request before sleeping that night. I don't know his reason for adding me. And I don't want to assume,alright.

Now I'm seeing his post and he's probably seeing mine too.

Naging madali ang mga sumunod na araw dahil wala na gaanong pinagawang projects dahil busy din ang teachers. They are having a meeting about Intramurals, I guess.

I spent my time reading books at the kiosk near our building. Mayroon isang cup ng kwek-kwek sa lamesa na binili ko sa labas ng school.

Pagkatapos magbasa ng libro ay sa phone naman ako naglibang. Minsan lang ganto na walang gaanong ginagawa kaya susulitin ko na.

I was scrolling on my Instagram ng makita ko ang post nang kaibigan nya. It is a picture of them in a fastfood chain. Kasama nila sila Max at yung babae sa convenience store.


I took a selfie and decided to post it on my Ig story. I am wearing my glasses. Nakalugay din ang buhok ko kaya makikita ang iilang blonde highlights.My lips are parted while staring into the lens of the camera. On the second picture, I was smiling widely and cutely.


I glanced at my wrist bago napamura ng makitang I only have few minutes before my next class.

Patakbo na kong naglalakad papuntang room. May iilan pa 'kong mga kakilala na bumabati na nginitian ko nalang sa sobrang pagmamadali.


"Hala ka! Cutting!" Biro ng nakasalubong ko sa tapat ng pinto ng isang room. It's Freida dati ko na syang naging kaklase nung high school and we're a bit close.


"Uyy gaga hindi!" Sagot ko ng makaraan sa harap nya. Narinig ko pa ang pag halakhak nya.

Gosh! Ayokong malate,ang terror pa naman nun.

I am panting when I reached the door of our room. Mula roon ay rinig ko ang ingay ng mga nasa loob. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.


Ang alam ko period namin kay Ma'am Salansang ngayon e. Kaya bat sila nakakapagdaldal ngayon.

"Oh napano ka Annastashia?" Tanong ni Johan. Kaklase ko na nakaupo sa tabi ng pinto.


"Para kang hinabol ng aso!" Sabad ni Marlon. Isa ring naka-upo malapit sa pinto habang may hawak na gitara.


"Huh? Kala ko kasi late na ko." Paliwanag ko habang naghahabol ng hininga.

"Wala si Mam di daw makakapasok at nagkasakit." Sagot ni Johan natatawa. Tuwang tuwa sa itsura ko.

" Tumakbo takbo pa ko amp!" Sabi ko bago naglakad papasok ng room.


Badtrip naman si Mam,sarap pahabol sa aso. Charot!, pero pwede din naman.

"At kayo naman bat naman dyan pa kayo nagpwesto?" Sabi ko at napameywang sa harap nila. Nakabilog pa ang upuan nila na akala mo may meeting.

"Anong agenda ng meeting natin ngayon?" Dagdag ko pa bago napa-irap.


Napatawa sila sa asal ko. I'm a bit close and comfortable to them kaya ganto nalang kami kung mag-asaran.


"Paalisin si Annastashia ang agenda ng meeting ngayon." Biro ni Johan bago natawa.

"Nakakatawa yon?" Nakataas na kilay kong tanong. Agad naman nilang pinigilan ang pagtawa nila.


"Tsaka ilang beses ko bang sasabihin Shia nalang? Ang haba ng Annastashia uyy!"

Touch the MoonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant