Case No. 4

10 2 1
                                    

Case No. 4

Someone's POV

"Tabi! Tumabi kayo."

"May mga witness ba na nakita manlang ang nangyare?"

"Wala Captain. Nagulat nalang kami ng may sumigaw at ng puntahan namin ito nadatnan namin na wala na siyang buhay."

"Wala din ni isang gamit ang makapag tuturo kung sino ang gumawa nito masyadong malinis ang pag kakagawa Captain."

Napangisi ako. Aba dapat lang na malinis ang pag kakagawa ko dahil malamang mahuhuli nyo ko kung di maayos ang gagawin ko lalo pa't kasama nyo yang isang yan na alam ko na ang tumatakbo sa isipan.

Hinding hindi nyo malalaman kung sino ang gumagawa ng mga pagpatay dito.

"Clary, anong ginagawa mo?"

"Chinicheck ko lang ang bawat parte ng katawan ng biktima baka sakaling may makuha tayong ibidensya."

Makuhang ibidensya para magamit sa mga plano, magaling.

Hindi lang ito o sila ang mga mamamatay kaya maghanda kayo dahil hindi ko kayo patutulugin kakaisip kung sino ang gumagawa.

"San ka pupunta?"

"LBM Cap."

"Nanama-- hoy teka!"

Mga sagabal. Nilingon ko ang kasama ko upang sensyasan na kelangan na naming umalis.

"Boss, pano kung may malaman sila?" Tanong nito

"Wala silang malalaman, malinis ang ginawa natin. Yung 2 nga ay hindi nila naituro kung sino ang salarin kahit kasama lang nila. Pano pa tayo kaya wag kang mag alala."

"Ngunit boss pano natin malalaman kung sino ang nakikialam satin?"

Ngumisi nalang ako bilang sagot.

Malalaman ko din kung sino ka at kapag nalaman ko yun hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.

--

"HELLO? Oo andito nako maari ka ng lumabas walang nakakaalam na kung sino." Wika ko

"Clary." Ngumiti lamang ako ng makita sya.

"Coleen, magaling ang iyong ginawa. Pinahanga mo ko, hindi lang impormasyon ang kaya mong ibigay kaya mo din palang gawin iyo."

Ngumiti naman sya. "Oo naman sa tamang presyo lahat ay mapag uusapan lahat ay pupwedeng gawin."

"Asan sya?" Tanong ko sabay ngisi.

"Sumunod ka. At utang na loob may silencer ba yang baril mo? Ayoko ng maingay." Wika nya na naiiling pa.

Agad ko namang ipinakita ang aking baril na may silencer. Napangiti naman sya ng makitang meron nga.

Nang makapasok kami sa lugar kung nasaan ang taong hinahanap ko eh agad ko syang nakita na nasa gitna nakaupo sa upuan at naka tali.

"Binugbog mo?" Tanong ko.

"Napalag eh." Simpleng sagot nya at nag kibit balikat.

Napa buntong hininga nalang ako. "Nag salita ba?" Wika ko.

Umiling lang sya.

Tsk. Mukang mahihirapan ako sa isang to.

Sinipa ko naman ang binti nya upang magising.

"Hoy gumising ka." Wika ko sabay sipa ng malakas at agad naman syang nagising.

"Walang hiya ka sinasabi ko na nga ba at ikaw ang may gawa nito!" Sigaw nya

Nginisihan ko lamang sya.

"Anong kailangan mo?!" Sigaw nya muli

"Alam kong nasabi na sayo ni Coleen ang pakay ko." Wika ko.

"Wala kang makukuha sakin!"

"Bakit kaba sigaw ng sigaw hindi naman ako bingi. Ngayon magsalita ka na at sabihin mo sakin ngayon din ang lahat ng kelangan kong malaman kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ko sa harap ng muka nya habang sakal sakal ko na kita ko namang nahihirapan syang huminga.

At dahil mukang wala syang balak na sagutin ako inilabas ko ang baril ko at binaril sya sa tuhod agad namang syang napahiyaw sa sakit.

"Sa susunod na kalabitin ko ang gatilyo sa ulo mo tatama ang bala, kaya kung ayaw mong sumunod sa mga namatay magsalita ka!" Muling sigaw ko at agad syang binaril sa braso.

"T-tama n-na m-mag s-sasalita n-na k-ko." Nahihirapang sambit nya.

Napangisi ako.

Agad naman syang nagsalita at sinabi sakin lahat ng kelangan ko at bawat tanong ko ay agad din naman nyang sinasagot.

Base sa mga sinabi nya ay tumugma ang mga impormasyon na nakuha ko.

"Magaling David Franklin. Magaling." Wika ko saka itinutok ang baril sa ulo nya.

--

"Clary saan kaba nag sususuot at lagi ka nalang umaalis sa crime scene?!" Galit na sambit ng Captain

"Sorry Captain LBM kasi mahirap pigilan." Wika ko na ipinakita pa ang gamot para sa LBM

Wala silang pwedeng malaman kundi mabubulilyaso ako.

Napailing nalang sya at napahawak sa kanyang sentido.

"Siya nga pala Clary, darating na ang sinasabi ko sayong Detective na makakapartner mo. Baguhan lang sya kaya kelangan nya pa ng gabay mo." Gulat naman akong napalingon sa Captain dahil sa sinabi nya

"Baguhan? Eh baguhan pala bakit sakin nyo ipapartner? Pwede namang kena Detective Dela Cruz o Javier bat sakin?" Tanong ko.

Bwesit di pwedeng may alagain ako hanggat di ko natatapos ang lahat ng balak ko.

"Wala ka ng magagawa, sa inyong apat ay ikaw ang pinaka magaling at alam nila yun, kaya sayo sya mapupunta."

Bwesit! Bwesit! Bwesit!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Coleen.

"Ano nangyare? May mga pagbabago sa plano may ibi babysit ako." Matapos ko itype ay sinend ko na.

"Maayos naman."

Basa ko sa reply nya.

"Hindi na ba matatapos to?!" Tanong ng Captain na akala mo stress na stress.

"Bakit?" Tanong ko

"David Franklin is dead." Wika nya.

-

A/N: Thanks for reading hope you like it. - Hershey :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who's Next? : Case 2020Where stories live. Discover now