Case No. 2

11 3 0
                                    

Case No. 2

Clary's POV

"Team namin ang nauna dito kaya team namin ang hahawak sa kasong ito!"

Tsk. Mga pakialamero.

"Sir, mawalang galang na pero di ka kagalang galang narinig nyo naman PO siguro ang sinabi ng boss namin, kaya umalis na PO kayo dahil si Detective Delacruz ang nauna dito sa Site." Malumanay na sambit ko.

"Aba bastos ka ah! Wag mo kong yabangan porke madaming kaso kang ng naresolba dahil mas mababa ka pa rin sakin!" Sigaw nito.

"Atleast di ako gumawa ng foul play para mapromote." Bulong ko

"Ano kamo?!" Sigaw nito

"Wala sabi ko lumayas na kayo!" Sigaw ko.

Agad naman silang umalis na masasama ang tingin sa grupo namin.

"Yayabang talaga ng grupo nina Detective Dildo. Laging nang aagaw ng kaso." Wika ni Detective Delacruz.

"Tama na yan trabaho na." -Captain

Agad naman naming tinignan ang bangkay na aming nasa harapan.

Napaatras ako ng makilala ko kung sino ang bangkay.

"T-Thea?" Gulat na sambit ko

"Kilala mo ito Clary?" Tanong ng boss namin

"Bunsong anak yan ni Mayor Jimenez pero wala masyado nakakakilala sa kanya kasi di sya nilalabas dahil sa special child sya." Sambit ko sabay kuyom ng kamay ko

Sobra na. Malapit sakin si Thea dahil palagi ko itong nilalaro sa tuwing wala akong pasok pero ngayon.

"Tabiii!!!" Nagulat kami sa biglang sumigaw

"THEAAAAAA!! ANAK KO THEAAAA!"

Mrs. Jimenez.

Kasalukuyan syang pinipigilan ng mga kasamahan namin habang iyak ng iyak.

Sino yang kasama nya?

Viper.

Yung tattoo nya sa leeg.

Myembro ba sya ng Viper Gang?

Anong kaugnayan nya sa--

Teka sya yung bagong body guard ni Mayor Jimenez tanda ko na. Isang beses ko lang sya nakita kaya di ko sya namukaan.

Tsk. Saka ko na sya iintindihin kelangan kong malaman kung sino ang gumawa nito kay Thea. Una ang Mayor ngayon si Thea.

Muli ay tinignan ko ang bangkay ni Thea saka nilapitan.

"Mukang pinahirapan din sya bago patayin." Bulong ko habang nakatingin sa katawan nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Captain

Tsk ang ingay ni Mrs. Jimenez. Iyak iyak ngayon samantalang walang pakialam nung buhay si Thea.

"Clary." Tawag ng Captain

Tinignan ko sya, "bakit ho?"

"Pano mo nalaman na pinahirapan sya bago pinatay?" Tanong nito

Nadinig nya pala ko.

Itinuro ko bawat saksak kay Thea.

"Kung mapapansin nyo sinaksak ang biktima parteng masasaktan at mahihirapan sya. Mukang sinadya ng suspect na unti untiin ang pag paslang sa kanya. Kung mapapansin nyo dito sa may bandang tyan nya sinaksak sya sabay pinaikot ang pinagsaksak sa kanya." Mahabang paliwanag ko.

Tumango tango naman ang boss ko bilang pag sang ayon.

Muli ay pinakatitigan ko ang bangkay ni Thea ng may mapansin ako.

"Teka!" Pigil ko ng akmang kukunin na nila ang bangkay ni Thea.

"Bakit? Kelangan dalin natin sya kay Shan para sa autopsy at ilang lab test." Sabi ng Captain.

Tsk. Mukang nirape pa sya bago patayin pero di ako sigurado at isa pa may bagay na parehas na parehas pero kelangan ko ding masiguro.

"Clary ano ba?" Untag muli ng Captain.

"Sige na dalhin nyo na kay Shan yan may pupuntahan lang ako." Sabi ko sabay takbo paalis sa crime scene

Nadinig ko pang tinawag nila ako pero nag dere deretso lang ako.

"Asan na ba yung phone ko bwesit!" Kalkal ako ng kalkal sa bag ko at sa sasakyan ko pero di ko makita.

Nadinig ko namang tumunog ang cellphone ko tanda na may tumatawag.

"Asan ba yun bwesit nama-- ah eto!"

Agad kong sinagot ang tawag ng madampot ko ito sa ilalim ng upuan ko.

"Kamusta yung pinapagawa ko?" Bungad na tanong ko pagkasagot ko ng phone.

"Ahh sige, salamat. May bago akong ipapacheck sayo... David Franklin... Gusto kong ibackground check mo sya, nakita kong may tattoo sya ng Viper sa leeg at kung tama ang hinala ko baka isa sya sa myembro ng Viper, at baka may kinalaman din sya..... Oo ganon nga ....  Asahan kita ... Mamaya kaya ba?? .... Okay salamat."

Pinaandar ko ang sasakyan ko matapos ang tawag saka nag mamadaling nag tungo sa Station namin.

Nang makarating ako ay agad akong nagtungo sa lamesa ko

Tamang tama wala pa sila.

Agad kong hinanap sa mga papeles na meron ako ang impormasyon na kelangang kelangan ko at dapat na mapatunayan.

"Asan na ba, asan na tsk. Andito lang yun eh, teka eto!" Agad kong inisa isa ang mga detalye sa folder na hawak ko ngayon na nag lalaman ng impormasyon na kelangan ko.

"Clary ano bang problema mo at bigla kang umalis kanina?!" Sigaw ng Captain namin

Agad ko namang itinago ang folder na hawak ko at pasimpleng binalik sa drawer.

"LBM Captain." Wika ko saka muli tumayo at lumabas.

"Teka-- bastos talaga tong batang to." Dinig ko pang sabi ng Captain.

Pero masyado akong busy para pansinin.

Parehas, tama ang hinala ko. Ang pinagtataka ko lang eh bakit di nagawa sa kanya ang nagawa nito sa nauna.

Maari kayang magkaibang tao ang may gawa pero parehas lang ng nais?

Kung ganon kelangan may makuha pa ko.

Inilabas ko ang phone ko at tinawagan ang alam kong makapag bibigay ng kelangan ko.

"Magkano ang bayad para sa serbisyo mo?" Agad na tanong ko sabay ngiti ng malapad.

-

A/N: Thanks for reading! Hope you like it. - Hershey :)

Who's Next? : Case 2020Where stories live. Discover now