Case No. 1

7 1 0
                                    

Case No. 1

A/N: Errors ahead / Typos / Graham XD
--

"Padaanin nyo kami."

Agad na tumabi ang mga ususero at ususera na kaslukuyang nakaharang sa daan.

Nang makita ko ang nasa harap namin at agad akong napangiwi, di napigilan ng kasama ko na sumuka na agad namang ikinagalit ng boss namin.

"Ano ba yan naturingang detective ang hina ng sikmura."

"Eh nakaka diri kasi." Sagot naman nito.

Tama naman na talagang nakakadiri ang bangkay na nasa harap namin ngayon.

Nilagari ang ulo neto, ang tyan ay butas at walang mga lamang loob.

Nagtaka ako dahil wala ang lamang loob ng ilibot ko ang panigin ko nag tama ang mata namin ng deputy namin.

May itinuro sya at agad kong tinignan. Nanlaki ang mata ko at agad akong lumapit.

Yung mga lamang loob ng biktima naka tuhog sa stick at iniihaw dito sa bbq grill. Balak bang kainin ng suspect ito?

Bumalik ako sa bangkay na kasalukuyan nilang tinitignan at iniinspekyon.

Aside from being beheaded may mga saksak din ito sa ibat ibang parte ng katawan neto.

"Mukang pinahirapan sya. At ayaw ipakilala saten kung sino ang biktima dahil ulitimo muka eh nilapnos at mulang asido ang ginamit." Wika ko.

"Kelangan syang madala sa Lab for autopsy." Utos ng Captain

"Tignan nyo to." Lahat kami ay napalingon sa isa naming kasamahan may dala syang bote ng -- asido?

Kung iisipin mukang ito yunh asido na ginamit para malapnos ang muka ng Mayor.

Pero--

Sinadya ba itong iwan?

-

"Kamusta yung pinaiimbestigahan ko sayo?"

Ipinakita ko sa kanya ang file na hawak ko.

Death of Mayor John Jiminez Case.

"Ang mayor pala ng Quezon City yung bangkay na binaboy?"

"Oo, base sa Autopsy result na binigay ni Shan sya nga si Mayor Jiminez. At wala din syang nakitang kahit anong finger print dun sa asido na pinadala naten sa kanya. Pero sinusubukan nya baka sakaling may makuha sya." Paliwanag ko

Tinapik naman nya ko sa balikat.

"Magaling, kelangan mahanap natin ang gumawa nito sa Mayor, masyadong mabait ang Mayor Jiminez para nadasin nya ang kababuyang yun." Sabi nya saka lumabas

Pinagpatuloy ko naman ang pag babasa ng mga alibi ng mga taong malapit sa Mayor.

"Clary Jace Wayland, pinatatawag ka ni Chief."

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Kaya agad akong nag tungo sa opisina ni Chief.

Nakita ko namang kalalabas lang ng pinto ng head team namin.

"Ano meron Boss?" Tanong ko, napailing lang sya.

Agad na lumapit ako sa pintuan.

Tatlong katok bago ko marinig ang salitang "pasok".

"Pinapatawag nyo daw po ako, Chief?" Tanong ko

"Maupo ka, iha." Sabay nya sabay turo ng upuan sa harap nya. Agad naman akong sumunod at naupo.

"Ano ho bang meron?"

"Kakatapos ko lang kausapin ang head ng team nyo kani kanina lang, at pumayag naman sya sa desisyon kong ito."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya nag aantay na ipaliwanag ang tinutukoy nya.

"Gusto kong bitawan nyo na ang kaso ni Mayor Jiminez."

Gulat at pagkalito ang rumihistro sa muka ko ng sabihin nyang bitawan ko ang kaso.

"Hindi ko na kelangang magpaliwanag iha at isa pa pumayag ang head ninyo sinabi ko lang sayo dahil alam kong kung ang head ninyo ang magsasabi nun sayo ay di mo sya pakikinggan, knowing you alam kong pipilitin mong maresolba ang kaso ngunit pamilya na ng Mayor ang nag sabi na wag ng imbistigahan ang dahilan ng pagmamatay ng Mayor dahil masasaktan lang sila." Mahabang paliwanag nito.

"Ngunit hindi makatatungan ang pag patay sa Mayor! Masyadong mabait ang Mayor at hindi nya deserve ang ganong kababuyan kelangan nya ng hustisya!" Sigaw ko

Napabuntong hininga nalang ito saka sinabi "hindi na mag babago ang desisyon ng pamilya ng Mayor kaya isasarado na ang kaso."

Tumayo ako at pabalang na lumabas ng opisina.

Bwesit!

"Oh Clary ano ang pinag usapan ninyo ng Chief?"

"Bakit ka pumayag na isarado ang kaso?!" Sigaw ko

"Dahan dahan ka sa tono mo Clary mas mataas pa din ako sayo." Banta nito

"Tsk."

"Wala akong magagawa kahit gusto kong bigyan ng hustisya ang Mayor kaso si Chief na nag sabi na itigil ang pag iimbistiga dahil sa utos ng pamilya."

"Nagkakabayaran nanaman." Bulong ko

"Ano kamo Clary?"

"Wala sabi ko oo na isasara na ang kaso." Wika ko sabay alis.

Walang makaka pigil sakin na alamin kung sino ang pumatay sa Mayor wala akong pakialam kung isarado nila ang kaso, gagawin ko ang gusto ko.

Impossibleng ipasara nila ang kaso ng di nabibigyan ng hustisya ang Mayor sa dami ng nagawa nito at isa pa para ko na itong ama kaya hindi ako makakapayag na di sya mabigyan ng hustisya.

Di ako pwede magkamali sa hinala kong sya ang may gawa ng pagpatay sa Mayor.

Ibidensya.

Yun ang kelangan ko at hahanapin ko yun.

-

A/N: Sorry if lame pfft. Hope you like it. Thanks for reading. Follow. Vote. Comment. - Hershey :)

Who's Next? : Case 2020Where stories live. Discover now