Chapter 29

626 15 0
                                    

Falls

Chapter 29

Hinatid kami ni Tita Gin sa kwarto namin. Literal na napanganga kami ng makita ang kwarto na binigay niya samin. Sa laki nito ay kasya na 50 na tao. Dirty white yung kulay ng dingding at kayumanggi ang kulay ng kurtina. Pati ang mga gamit ay naaayon sa kulay ng kwarto gayun din ang queen size bed. Pwede ng matulog dito ang sampong tao o higit pa.

Excited na lumangoy si sheila sa kama. Kahit na nakadapa na siya dito ay sobrang luwag parin nito.

" Sarap magpaiwan dito !" aniya.

Inayos namin ang mga dala naming damit. Kanya- kanya kaming charged ng cellphone tas bumaba na para sa dinner. Mabilis lang yung dinner wala masyadong kwentuhan bukod sa bangayan nina sheila at travis. Hindi na talaga mawawala yun pagmagkasama sila sa isang lugar.

Paglabas ko ng banyo. Nakita ko silang busy sa kanya kaya nilang ginagawa. Si mhel ay nasa labas ng balkonahe sigurado akong anak niya yung kausap niya. Si sheila ay busy sa cellphone at si alex ay nagsi- selfie pinipicturan niya ang bawat sulok ng kwarto. Napailing ako. Hindi ko naman siya masisi kahit saan sulok mo tingnan ay may kanya- kanyang disenyo ang kwarto na nagpaganda sa loob.

Bumalik ako kay mhel na tapos na sa pakikipag usap at ngayun ay napatulala nalang sa kawalan. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya sumulyap siya sakin at bumalik ang tingin niya sa tanawin sa baba. Ang kwarto namin ay nasa pangalawang palapag ng mansyon pero kita dito ang mga ilaw ng mga bahay sa malayo.

Napatingin ako dun at bumalik sa kanya. " Pano ka niya napapayag ?" yun ang gumugulo sakin. Alam kong hindi niya kayang iwan ang anak niya para sa pansariling kasiyahan. Bumuntong hininga siya.

" Alam niya na mhel." nanlaki ang mata ko. Isang malalim na buntong hininga uli ang pinakawalan niya. "Nakita niya si Gino sa labas ng bahay namin. Sinabi niyang hindi niya sasabihin sa pinsan niya ang nakita niya pagsumama ako sa kanya dito."

" So blinackmail ka niya ?" di makapaniwalang tanong ko. Sumulyap ako kay sheila sa loob na ngayun ay nakatingin rin pala samin at nakangisi. Sa kakaibang ngisi niya alam ko may pina- plano siya.

" Sabihin mo na kasi."

Umiling siya ." Hindi madaling gawin yun tam." Napatitig ako sa mukha niya . Ano kayang pumipigil sa kanya?

Sandaling katahimikan ang bumalot samin at malayo na talaga ang iniisip niya. Ilang beses ko narin siyang narinig na bumuntong hininga. Tinagilid ko yung ulo ko para makita ang buong mukha niya at nakatingin sa malayo.

" Anong iniisip mo ? Nami- miss mo yung anak mo ?"

Malungkot na ngumiti siya. " Nami- miss ko si Gino pero hindi lang yun ang iniisip ko."

" Anong iniisip mo ?" wala sa sariling tanong ko sa kanya at tumingala. Maraming bituin ngayun paniguradong hindi uulan.

" Pamilya ko. Nami- miss ko sina nanay at tatay." may lungkot sa boses niya. " Kaso nasa malayo sila."

" Gano kalayo ? Sasakay kapa ng eroplano ? Pwede kitang tulungan ?"

Umiling siya at ngumiti. " Kita ko lang naman sila dito." napakunot ako ng noo ang sinundan ang tingin niya. Nasa maliliit na ilaw siya nakatingin. Ilaw yun ng mga bahay sa malayo. Napaawang ang labi ko at di makapaniwalang tumitig sa kanya.

" Wag mong sabihing ?" unti- unting may tumulong butil ng luha sa mata niya. Lumapit ako ako sa kanya at niyakap siya. Hanggang marinig ko na siyang humagulhul sa balikat ko.

" Nami- miss ko na s- sila ..." nanginginig yung boses niya.

Hindi ko alam na may ganito pala siyang dinadamdam sa buhay niya. Hindi ko alam na mas mahirap pala yung sitwasyon niya kisa sakin. Walang sa kalingkingan ng problema ko ang problema niya . Napabuntong hininga ako. Hindi ko manlang alam kong pano ko siya matutulungan dahil hindi ko naman alam ang kwento ng buhay niya. Kung ano ang puno't dulo kung bakit siya nag iisa ngayun.

One-sided Love(Completed)Where stories live. Discover now