Chapter 10

955 31 7
                                    

Chapter 10
The one- sided

" Wala yung boyfriend mo tam ?" nagtatakang tiningnan ko si hope.

Nakita niya ang pagkunot ng noo ko tsaka napailing.

" Yung kasama mo last night ." boyfriend ? Si danvis boyfriend ko ? No ! Napatawa ako.

" Hindi ko pa siya boyfriend noh ?! natatawang sagot ko at nag iwas ng tingin. Hinanap niya yung mata ko.

" Kung ganun nanliligaw palang sayo yun ?" nanlaki ang mata ko at napalunok.

Teka ? Bakit ba ako kinakabahan ? Wala namang malisya sa tanong niya . Simpleng tanong lang yun tam !

" Hope ! " napalingon kami kay travis. Ngininguso niya si cavley na tahimik sa tabi at nagliligpit ng mga gamit . Napakunot ako ng noo . Ngayun ko lang napansin parang matamlay siya ngayun.

May sakit ba siya ?

Napailing si hope at tumingin ulit sakin .

" Anong pangalan ulit yun tam ?" napakurap ako.


" Sino ?" alam ko kung sino tinutukoy niya . Pero hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sakanya o sasagutin ko ba siya ? Napakagat ako ng labi.


" Yung kasama mo kagabi ." seryusong tanong niya.

Biglang dumating si Fortune at inakbayan ang kambal niya . Ngayun ko lang napansin nagpakulay pala siya ng itim ? Bagay sa kanya . Mas lalong tumingkad ang kulay ng balat niya.


" Gwapo ko noh , tam ?" napangiti ako. " Pero tam bawal ako !" napahawak siya sa kanyang dibdib. "May nagmamay ari na ng puso ko." napangiwi ako . KORNY -_-


Binatukan naman siya ng kanyang kambal .

" May boyfriend na nga 'yang si tam!" nanlaki ang mata niya at tumingin sakin.

" BOYFRIEND ?!" napatingin sa samin sina peter at travis .

Nagulat ako biglang binitawan ni cavley ang kanyang guitara tsaka padabog na umalis.


" Broken hearted si Babyboy ." bulong ni travis tsaka ngininguso pa ang dinaanan ni cavley kanina .

Napabuntong hininga ako .

Hindi naman ako manhid . Alam ko namang may feelings nga siya sakin. Hindi lang dahil sa tinutukso siya sakin pero dahil nararamdaman ko nakikita ko .

Pero pinapakita ko sa kanila na parang wala lang sakin iyun. In that way , hindi ko siya masyadong masasaktan .


Alam ko kasing hindi pa ako handang ibigay ang attention ko sa iba . May isang tao parin na nagmamayari nito na hinahanap- hanap ko.


" Tam ! May naghahanap sayo sa labas ." sabi ni kuya gin na bagong pasok lang . " Yung kasama mo kagabi ? Boyfriend mo ba yun ?" dagdag niyang tanong .



" Oh ? Andyan na pala yung boyfriend mo tam eh ." sabi ni fortune na may nakakalokong ngiti.



" Sinusundo kana ? Hahayain kapa sana namin sa bahay ni drek birthday ng kapatid niyang babae . Sayang idol ka nun eh ." nanghihinayang na sabi ng kambal niya.


" Oo eh , may usapan kami susunduin niya ako gabi- gabi pero pagmay- time siya manunuod rin siya . Busy kasi siya kasi nagta-trabaho pa siya sa kompanya nila . " Inayos ko yung gamit ko .

" So ? Next time nalang ?" tumango sila kaya naglakad na ako.



Napangiti ako ng makita ko si danvis papalapit saakin . Kinuha niya yung bag ko pati mga bondpaper kung saan nakasulat yung mga lyrics na kakantahin ko bukas. Nauna siyang maglakad at sinundan ko naman siya.


One-sided Love(Completed)Where stories live. Discover now