Chapter 22

654 14 0
                                    

Chapter 22 : Call

" Cristan , ano bang ginagawa mo sa sarili mo ?" sabi ko habang niyuyugyog siya sa balikat peri hindi parin siya tumitingin sakin.

Pagpasok ko sa condo niya kanina ay bumungad sakin ang kalat ng bote ng mga samu't saring alak. Magulo ang buo niyang condo na parang dinaanan ng bagyo.

Nakita ko agad si cristan na nakaupo sa gilid may hawak na bote ng beer habang nakayuko at humihikbi. Parang kinurot ang puso ko habang tinitingnan siyang nanghihina. I can't blame him . I can't blame that girl too. Should i blame my self then ?

Sino ba ang hadlang sa pagmamahalan nila ? Edi ako yung kontrabida sa storya nila. Masama na ba ako dahil hinayaan ko siyang magkaganito?

Di ko namalayang tumulo na yung luha ko habang pinagmamasdan si cristan. Susuko na ba ako cristan ? Am i crossing the line ? Sinasaktan na ba kita ? Ako ba ang puno't dulo nito kung bakit ka nasasaktan ? Kailangan naba kitang pakawalan ?

Umupo ako sa tabi niya . Hinilig niya yung ulo niya sa balikat ko. Kinuha ko ang bote na hawak niya at inilayo sa kanya hindi naman siya umangal. Ilang oras kami sa ganoong ayos hanggang maramdaman ko ng basa na pala yung balikat ko.

" Why are you hurting your self cristan ?" E nandito naman ako , palagi. Hindi umaalis sa tabi mo.

" Bakit palagi ikaw nalang yung lumalaban ? Uso yung salitang 'give up' hayaan mong siya naman yung maghabol sa yo. Bakit ikaw nalang palagi yung naghahabol ?" minsan tinatanong ko rin yan sa sarili ko. Bakit ako palagi yung naghahabol ?

" She's my everything ..." mahinang pagkakasabi niya. Parang may bumara sa lalamunan ko. Bakit kailangan mo pang sabihin yun sakin? Alam ko cristan . Alam ko na ...

" I already give up everything for h-her .." suminghot siya at pinahid yung luha niya. " but i think it's not e-enough ..." halos nabasag na yung boses niya.

Naramdaman kong bumigat yung balikat ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siya nakapikit na pala yung mata niya. Tinapik ko siya sa mukha.

" Cristan ." niyuyuyog ko na siya pero hindi talaga siya nagising at humilik pa siya.

" Cristan ! Hey ! Wake up ! Mabigat ka cristan hah !" napabuntong hininga ako habang nakangusong nakatingin sa natutulog na cristan.

So ? Wala akong choice ? Bahala ka ginusto mo to ! Tumayo ako at hinawakan siya sa dalawang paa at nagsimulang hilahin siya. Sorry for advance .

Puno ako ng pawis ng tuluyan ko na siyang ipinasok sa kwarto niya. Ngumisi ako at iniwan siya sa ilalim ng kama at nakahiga sa sahig. Bahala ka sa buhay mo. Iinom ka hindi mo naman pala kaya.

Nanlumo ako habang nilibot ang tingin sa buong condo niya. God ? Ano bang ginawa niya ? Nagkalat ang mga basura at bubog ng basag na bote sa sahig . Cristan alien ka ba ? Nameywang ako at napailing.

Kumuha nalang ako ng gamit pang linis at garbage bag at nagsimula ng linisin ang kalat niya . Nagsimula ako dun sa mga bote. Nag mop rin ako ng sahig at sinabunan ko pa dahil nangangamoy alak.

Puno ako ng pawis pagkatapos kung maglinis. Tumingin ako sa relo 11 a.m. na pala halos dalawang oras na pala akong naglinis kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain yung ready to eat nalang kasi natatamad na akong magluto.

Wala sa sariling napaupo ako sa sofa dahil sa pagod . Nilibot ko ang paningin ko at makitang ayos lahat pero parang may kulang ? Bakit pakiramdam ko may isang bagay pa akong nakaligtaan ?

Nang magawi ang paningin sa kwarto ni cristan doon ko lang naalala kulang papala. Kahit linisin lahat ng kalat sa condo niya kahit ayusin ko lahat ng gamit na nasira niya . Hindi pa pala ayos yung puso niya.

One-sided Love(Completed)Where stories live. Discover now