Chapter 14

714 25 1
                                    

Chapter 14 Trapped

" Tamara , sama ka samin sa bar." kumapit si mhel sa braso ko .

It's already 10p.m. pero nandito parin ako sa resto . Nang pumunta ako sa pwesto nina sheila ay nagkwento-han pa kami ng mga kung ano- ano , kaya hindi namin namalayan ang oras. It's okay naman since linggo naman bukas. Pero bigla silang nagkayayaan mag bar. Pero wala akong plano gusto ko ng umuwi at humiga sa kama ko pero patuloy parin sa pangugulit sina sheila sakin.


Hanggang nagkayayaan na silang umalis ay hindi parin nila ako nakumbinsi. Bagsak ang balikat nila at nagpaalam saakin . Dumiretso sila sa likod since nandun ang sasakyang dala nila. Ako naman ay dumiretso sa entrance. Nginitian ko ang guard na nagbabantay sa labas , nginitian niya rin ako at lumapit saakin.


" Magta- taxi po kayo ? Wala po ang sundo niyo mam ? Sandali lang po , magtatawag lang ako . " ngumiti ako at tumango sa kanya. Ngunit hilang hakbang palang naglakad si kuya ng may humintong pamilyar na sasakyan sa gilid.

" Nandito na po pala ang sundo niyo mam eh ." sabi ni kuya ng makita ang pulang sasakyan ni danvis .

Nanlamig ako ng bumukas na yung pintuan niya at nakita siyang lumabas. Lumingon- lingon pa siya at mukang hindi niya pa kami nakikita since medyo madilim ang pwesto ko. Nagtaas ng kamay si kuya upang kunin ang attention ni danvis . Nagpanic ako ang tinawag ang guard.


" Bakit po mam ? May problema po ba ?" nagtatakang tanong niya at napakamot ng ulo.

Napakagat ako ng labi.

" Pwede po bang humingi ng favor ? Pasensya na kuya ah . Pwede po bang sabihin niyo dun sa lalaki na nakauwi na ako o hindi ako pumasok, kahit ano po basta wala ako !" napakamot siya ng ulo .

" Sige po mam !" naglakad na siya papunta sa sasakyan ni danvis . Nagtago naman ako sa pinto at sumilip na lang sa kanila.

" Lumabas na ba si tamara ?" tanong niya sa guard at tumingin sa kanyang relo . Sumulyap pa siya sa pintuan kaya nagtago ako .

Nakahinga ako ng maayos , buti nalang madilim dito sa pwesto ko . Pawis na pawis ang buong mukha ko pati narin ang mga palad ko . Para akong tumakas sa ginawa kong krimen.

" What did she say ?! " rinig ko ang pataas ng boses ni danvis . Napakunot ako ng noo at sumilip uli sa kanila . Nakita ko kung pano napakamot sa kanyang batok ang guardiya .

" Nakauwi na raw po siya at hindi raw po siya pumasok b- basta a-no raw hindi po siya pumasok."

ANAK NG?!! Napatampal ako ng noo.

Nakita kong naningkit ang mata ni danvis at tumingin sa gawi ko mabilis naman akong nagtago . Bumilang ako ng tatlo at sumilip uli sa kanila pero nanlaki ang mata ko ng makitang papasok na siya ng resto. Sa pagkataranta ko ay bumalik ako sa loob . Nakasalubong ko pa si kuya gin . Napakunot pa siya ng noo ng makita ako .


" Oh tam ? Akala ko kanina ka pa umalis ?" nagtatakang tanong niya.

" Sina sheila kuya ? nakaalis na ba ?".

" Nandun pa sila sa likod . Sasama sa kanila ang ZO--., " hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na sa likod.

Lakad takbo ang aking ginawa. Puno ako ng pawis at hinihingal pa ng maabutan ko sina sheila . Isasara na sana nila ang pinto ng van. Napatingin lahat sila sakin pati na ang zoom.

" Oh ? Tam ? Akala ko , hindi ka sasama ?" nagtatakang tanong ni sheila pero malapad ang ngiti niya. Sumilip ako sa loob.

" Kasya pa ba ?" tanong ko .

One-sided Love(Completed)Where stories live. Discover now