“Possessive ba ‘yan? ‘Yung Possessive Series na isinulat ni Inang C.C?”

“Hala, may mas bobo pa pala sa akin,” natatawang sabi ni Alexis.

“What?”

“What I am saying, PS is pornstar, hihi.”

Kita ni Severina ang paglaki ng mata ni Diana. “Hell no! This is . . .” Umikot ito sa harapan nila. “. . . called fashion.” Sabay awra.

“I hate her!” Severina shouted in frustration.

“Sevs, YNTCD,” wika ni Alexis habang nakasandal sa pader ng powder room.

“YNTCD?” kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.

“You need to calm down,” natatawa nitong sabi ulit. “You’re being too loud,” pagkanta naman ni Mayumi sa likuran ni Severina. Kaagad siyang humarap sa salamin ng sink saka naghilamos siya roon.

“Basta, ayaw ko talaga sa pinsan kong ‘yun. She’s a devil. Pasikreto siyang demonyo,” sabi niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng powder room. Nakarinig sila ng katok sa pinto. “Matagal pa ba ‘yan? Ihing-ihi na ako!”

Napairap si Severina. Hindi niya namalayan na isang oras na pala silang nandito sa loob ng powder room at para hindi sila madisturbong tatlo ay ni-lock nila ang pinto.

“Come on, girls,” yaya ni Severina sa mga kaibigan papunta sa pinto. Huminto siya sa paglalakad, ganoon din ang mga ito sa likuran niya.

“Pindutin mo lang ‘yung lock,” utos ni Alexis sa likuran niya. Hindi pa rin siya kumibo. Bigla niya kasing naalala iyong nurse sa hospital.

“Just press it,” sabi ulit ni Alexis.

Siguro, ito ang dahilan kung bakit namatay ang daddy niya. Ewan niya lang. Nahihiwagaan si Severina sa nurse na iyon, lalo na noong magtama ang mga mata nila.

“Yums, don’t tell me hindi marunong magbukas si Sevs ng pinto?”

“Ampota!” asik niya rito sabay pindot ng lock.

“UHM, Gunner?”

“Hmm?” Tiningnan niya si Gunner. Nakapokus lamang ito sa pagmamaneho. Hapon na ngayon at pauwi na sila sa bahay.

“What if hindi muna tayo umuwi sa bahay?” tanong ni Severina rito.

“Saan tayo pupunta, aber?”

“We need to go to the hospital, I feel something suspicious. There’s something wrong,” sabi niya rito.

“Wrong? About what?”

Nanatili pa rin si Severina na nakatitig kay Gunner. Hindi na siguro maaalis ang signature look nito: waxed hair; fitted, black dinner suit, and his smell. Ang bango.

Actually, para itong Filipino version ni Jason Statham, iyong guy na nag-portray sa The Transporter.

“There’s something wrong about the nurse. Ewan ko lang, pero feeling ko, siya ’yung dahilan kung bakit namatay si Daddy,” sabi niya rito. Sandaling napatingin si Gunner sa kaniya saka kaagad nag-cross ang makapal na kilay. “What?” Muli itong tumingin sa harapan.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now