Chapter Eleven

200 12 0
                                    

“PATAHIMIKIN n’yo nga ‘yan!” naiiritang sambit ng leader ng mga kalalakihan habang nakatingin nang masama kay Severina na ngayon ay puro sigaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“PATAHIMIKIN n’yo nga ‘yan!” naiiritang sambit ng leader ng mga kalalakihan habang nakatingin nang masama kay Severina na ngayon ay puro sigaw. Halos mamaos na ito kasisigaw, pero hindi pa rin siya tumitigil. Nagulat naman si Sean nang suntukin ng isa sa mga lalaki ang tiyan ni Severina dahilan para makatulog ito.


“What the fuck!” sigaw ni Sean. “How dare you hurt my sister!”

Sinunod naman siya nitong sinikmuraan kaya nawalan din ito ng ulirat.

“Bilisan mo ang pagmamaneho, hinihintay na tayo ni Boss Franco roon sa building,” utos ng leader nila sa nagmamaneho.

“Opo.”

Nang makarating ang mga kalalakihan sa nasabing building ay kaagad nilang binuksan ang pinto ng van para kunin sina Sean at Severina. May sumalubong din na mga kasamahan nila para tulungan sila sa pagbuhat sa magkapatid na walang malay.

Sa kabilang dako naman ay busy si Colby sa pag-contact kay Sean. Kanina pa siya nakararamdam ng kaba, ni hindi siya mapakali sa kanilang bahay kaya ang ginawa niya lang din ay lumabas at sumakay sa kotse. Balak niyang puntahan ang kaibigan ngayon.

Kanina pa siya dial nang dial sa number ni Sean, pero puro ring lang ang cellphone, walang sumasagot.

Nagmaneho na siya, kailangan niyang puntahan ang kaibigan, pero nagulat na lang siya nang madaanan niya ang kulay pulang hatchback ni Sean, kumunot ang noo niya roon. Iba kasi ang nakita niyang nagmaneho, si Gunner.

Sinundan niya ito. “Saan kaya balak pumunta ang taong ‘yun?” tanong niya sa sarili niya habang pinahaharurot ng takbo ang sasakyan.

Habang sinusundan si Gunner ay tinawagan niya naman sina Mayumi at Alexis. Sinabihan niya ito na papuntahin sa address na ibibigay niya. May kakaiba kasi siyang nararamdaman ngayon.

Napansin ni Colby na papalabas na sila ng city. Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan na sinusundan niya sa tapat ng isang lumang building. Abandonado na ang building at wala nang pumupunta rito. Lumabas agad si Colby ng sasakyan para lapitan si Gunner. “Ano’ng nangyayari?” kaagad niyang tanong dito.

“Kinuha ang magkapatid, dinala sila rito,” sagot ni Gunner habang tinitingnan ang malaking building sa harapan.

Doon din sa unahan kung saan naka-park ang kotse nila ay makikita ang van na sinakyan ng mga lalaki kanina para kunin sina Severina at Sean.

“Papasukin na ba natin?” tanong ni Colby kay Gunner kaagad itong umiling.

“Kailangan nating tumawag ng police para may back up tayo,” sabi ni Gunner dito. Tumango si Colby saka ngumiti.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now