Tumayo ako ng maayos at ipinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi kita tinataboy. Heto nga't sinosuportahan kita sa passion mo."

Nagkatitigan kami sandali. He then smirked and said, "Aww. Talaga ba?"

Too tired to speak, I just raised both of my brows as if saying, 'yes'.

"Watch my game, then." I blinked in suprised. Ngumuso siya ng kaunti.

"Pero saka na kapag nakapasok na kami sa Finals," aniya. He put his hands in his pockets and straightened his back. Mas tumingala tuloy ako sa kanya dahil tila mas tumangkad siya. Pero hindi naman siya nakatingin sa'kin. Nakayuko lang siya, ang mga mata ay nakatutok sa lupa.

My lips protruded slightly. "Paano kung hindi kayo makapasok?"

Hindi ko alam kung ba't ko natanong 'yon. Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Posible rin naman kasi.

He lifted his gaze at me. The light from the afternoon sun made the color of his eyes stand out. It highlighted its brownish shade and the little specks of golden hues. Even his thick lashes looked prominent.

Ibang-iba ang titig niya nang mga sandaling 'yon. Determinado. "We will." sigurado niyang sabi. "I'll make sure we will."

At that moment, hindi ko mapigilang mamangha at humanga sa kanya. I've never met someone so... goal-driven... and passionate as him.

After that conversation, Ezzio went straight to their football practice while I entered the booth alone. Nagtaka pa ang iilan kong kasama roon at tinanong kung bakit wala na si Ezzio. S'yempre, sinabi ko ang totoong rason kung bakit. Naintindihan rin naman nina Jerome.

The next day, mabilis naming natapos ang booth. Halos final touches na lang ang inilagay namin kaya naman maaga kaming nagsiuwian. Well, not me. Instead of going home, I waited in one of the kiosk here in the campus, hinihintay si Ezzio. Hindi kami sabay naglunch kanina. I gotta admit, having lunch with him seem to be my new 'normal' now. Parang naging parte na 'yon ng araw ko. At gaya nga ng sinabi ko, hindi kami nagkasabay kanina. I don't know if that's the reason why he texted me to wait here for a while. Oo. Nakuha na niya ang number ko. Duh. Anyways, ayos lang rin naman sa'kin kaya hindi na ako umangal pa.

Ipinasada ko sa paligid ang tingin at napansing malapit lang pala sa Mass Com building ang mga kiosk dito. Dito ko na naisipang maghintay dahil malapit lang ito sa booth namin. At kung sinuswerte ka nga naman, nawala pa sa isip ko na malapit-lapit lang pala ito sa building nina King.

The memory of how I left him at the club flashed through my mind. I couldn't help but cringe. Hindi. Hindi pa talaga ako ready para makita siya ulit!

Napahinga na lang ako ng malalim. Well, whatever! Bahala na nga! I mean, what are the odds of us seeing each other today? Ang labo naman siguro na ngayon pa talaga.

I calmed down, convinced that I wouldn't see King. But I guess the universe just really has the tendency to be so soooo cruel to me because just when I thought I wouldn't see him, I caught a glimpse of his figure walking in the hallway to my right. Nanlaki ang mga mata ko. Fuck!

I panicked immediately. But I realized he could either walk straight to the hallway in front of me or turn to his left and change direction. Naibsan ang kaba ko. Alright. May chance pa na hindi siya tumungo rito.

I swallowed hard while making a silent prayer.

Please, lumiko ka. Please.

Paulit-ulit 'yon sa isipan ko. Umaasa akong marinig 'yon ng kahit sinong santo na may busilak na puso para maawa sa'kin. Unfortunately, that didn't happen. Wala atang nakarinig.

I watched King walk straight ahead. Ramdam ko ang labis na kaba. It was too late to leave the kiosk. Paniguradong kapag umalis ako ay mas makikita niya ako. Kaya ayon. Wala na akong nagawa maliban sa paghawak ng mahigpit sa sling bag ko at ang pagyuko ng sobra, umaasang hindi ako makilala ni King.

Siguro hindi lang talaga ako malakas kay Lord, dahil wala pa mang limang minuto ay narinig ko na ang pag tawag niya sa pangalan ko.

"Paris?"

I shut my eyes hard before opening them again and lifting my head up, just to see King in front of me. Puno ng pagtataka ang mukha niya.

I tried to smile but my lips were quivering a little. "H-Hi."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong ginagawa mo rito? Mag-isa?" tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin. I involuntarily took a step back.

Parang may disadvantage rin pala ang unti-unting pagiging magkaibigan namin ni King. Siguro kung hindi ko siya pinansin at nilayuan na lang noong nasa club kami, baka hindi na sana niya ako pinansin ngayon. Edi sana hindi na ako naiilang at kinakabahan ng ganito! Ugh.

He stopped and stood beside me.

"Ah," was the first thing that came out of my mouth. "M-May hinihintay lang."

Ayaw kong sabihin na si Ezzio ang hinihintay ko dahil si Ezzio rin naman kasi ang rason kung bakit ko siya iniwan bigla noong gabing 'yon. Mas nakakahiya lang tuloy.

Nakita ko ang pagtango niya. He looked so calm and fine, parang walang bahid ng galit o inis para sa'kin. Mas naguilty lang ako ng tuluyan. Kaya naman agad na akong nagsalita bago pa man siya makapagsimula ulit.

"Sorry nga pala," I said, looking at him. Nakatingin lang siya ng diretso pero agad din naman siyang bumaling sa'kin nang sinabi ko 'yon. Medyo nagsalubong ang kilay niya.

"Sorry para saan?"

This time, I was the one puzzled. Wala lang ba iyong ginawa ko sa kanya o sadyang nakalimutan niya lang talaga?

"Sorry roon sa... pag-iwan ko sa'yo doon sa club," lumunok ako bago nagpatuloy. "That was a rude thing to do. Bigla na lang kitang iniwan ng wala man lang paalam. And worse, we were in the middle of a conversation."

Isa pa, iniwan ko na nga siya tapos for sure nalaman niya pa na enjoy na enjoy ako sa pakikipagsayaw kay Ezzio! Panigurado, iniisip niya na na iniwan ko lang siya para roon.

Ikinagulat ko ang pagngiti niya. "Ano ka ba? Ayos lang," sabi niya. "Hindi naman 'yon big deal. 'Tsaka naiintindihan ko naman na kailangan mo ring samahan si Z. There is something going on between you two, right?"

I wasn't able to answer fast. Namamangha ako na ang lawak pala ng pang-unawa niya pero bukod doon, hindi ko mapigilang matameme sa huli niyang sinabi. Really? Inaakala niya rin 'yon?

"W-Wala namang namamagitan sa amin," I cleared up. Tumango-tango siya. I watched as his chinky eyes look away for a second, but returned to me immediately.

"Pero gusto mo siya?"

I was taken aback by his question. I didn't expect it at all. Siguro kung ibang tao ang nagtanong sa'kin noon, I wouldn't have hesitated to say yes. Total 'yon na rin naman ang nakikita nila. But now that the words were coming from King, it's as if it completely changed everything. Tila ba sa kung anong rason, ang hirap sagutin noong tanong. Hindi agad ako nakasagot. Nagdadalawang isip akong sumagot.

Ayokong sabihin na oo. Ayoko na'ng magsinungaling. I know I had been pretending to like Ezzio because I didn't want King to know about my feelings for him. Pero sa mga sandaling 'to, parang hindi ako nakaramdam ng takot na umamin sa kanya. Kahit konti.

I mean, we were alone. In the kiosk. Nobody was around. It seemed to be the perfect moment to tell him I like him. And for once, I had the courage to do it. Aatras pa ba ako?

I opened my mouth to speak, ready to confess my long hidden feelings for the guy next to me, when suddenly I heard someone call out my name.

"Paris!"

It was Ezzio.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now