** KELLY's POV **
• flashback continued •
As we were walking on the streets, he's holding my hand.
Para sa kanya, wala lang.
Pero ako lusaw na lusaw na po, kuya.
Hindi nga ako makapag umpisa ng usapan namin, kasi litong-lito yung isip ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Sobrang lamig pala.. Akala ko slight lang, haha buti naka-long sleeves ako, at medyo nakainom na.." pabirong sabi ni Ethan.
Samantalang ako pinapawisan sa sobrang tense dito.
"Gusto mo hiramin 'tong jacket ko, Kuya? Makapal naman yung sleeves ko.." alok ko sa kanya.
Kasi naman sobrang init talaga ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung dahil sa alak ba ito. O dahil hawak niya yung kamay ko. O baka fertile lang talaga ko? *hahaha*
"Hindi, okay lang. Keep it.. Yayakapin nalang kita pag nilalamig na ako.. Haha." patawa niyang sagot.
Hooo, Diyos ko! Gusto ko po biglang humiling na ibagsak mo sa -100 degrees ang climate dito. *hahaha*
"Ha-ha. Ikaw bahala.." namumula kong sagot.
Tawa tayo kasi kras ko 'to e. Ayoko ma-offend siya sakin. *hahaha*
Tangina lang.
Feel na feel ko yung mga pores ko naglalabas ng pawis sa sobrang kilig.
Naglakad kami hanggang sa marating namin yung cafe. Tanda ko ito! Dito nagshooting sila Angelica at Carlo.
"Kape tayo.. sobrang lamig. Ano gusto mo?" tanong niya sakin.
"Ikaw-- "
"Ikaw na po bahala Kuya, hehe. Hindi naman ako maarte sa kape.." pangiti kong sagot.
Ang landi mo, self! *hahaha*
Bilib na 'ko sa self-confidence ko.
Lumakad siya palapit sa counter at umorder ng kape naming dalawa.
Syempre I wanna seize this moment. Doon ako umupo sa may stairs. Taray! Lakas maka-Angelica Panganiban dito! Kasing gwapo pa naman ni Carlo yung kasama ko. *haha*
Lumapit siya dala dala yung coffee namin. Inabot niya sakin yung mug tapos umupo siya sa tabi ko. Okay na sana, kaso hinawakan niya ulit yung kamay ko. Mahabaging Ama, sobrang pulang pula po ako ngayon. *huhu*
Hindi ko din alam kung hihigop ba ako sa kape o patuloy na tititig nalang sa kamay naming dalawa na nakapatong sa mga hita niya.
"Alam mo ba na isa yung Sagada sa mga lugar na nagpo-produce ng magandang uri ng marijuana?" halos maibuga nya yung kape niya noong narinig niya yung mga sinabi ko.
Kahit ako nagulat din sa sinabi ko. *hahaha*
"Really? Paano mo naman nasabi?" Kunwari interesado siya sa sinabi ko kahit walang kwenta.
"Kasi.. yung climate dito, sobrang nag go-grow ng maganda yung weeds sa mga malalamig na climate. Pero sabi nila mas the best daw yung sa Benguet, pero ewan ko na lang din.. para sakin pareho lang naman lahat..---" napatigil ako nung napansin ko na nakatingin siya sakin tapos nakangiti lang.
"Halaaa.. Sorry sobrang daldal ko na ba." Bumula na yata bibig ko kakasalita kanina. *hahaha*
"Hindi, okay lang.. Tuloy mo lang yung kwento mo, nag eenjoy nga ako pakinggan boses mo e!" pabiro niyang sagot.
Bumanat ka naman bigla ng ganyan. Enebeeeeh! *hahaha*
"Nakakahiya tuloy.. sobrang daldal ko naman kasi.." napayuko ako sa mga hita ko.
YOU ARE READING
Always Remember Us This Way
Short Storylovers in the night, poets tryin' to write. we don't know how to rhyme, but damn, we try; but all I really know, you're where I wanna go. the part of me, that's you, will never die. so when I'm all choked up, and I can't find the words. every time w...
