KBM: #7

205 13 0
                                    

KBM: #7

***

ALEGNA'S POV


*yaaaawwwn*

Humakay ako at uminat uminat. 

Dahan dahan akong nagmulat ng mata.

Tumingin ako sa tabi ko.

Malalim akong napabuntong hininga. 

Expected ko na 'to, na gigising akong walang Jungkook sa tabi ko. Ba't ba kasi ang tanga ko? Masyado akong umaasa kay Jungkook! Sabi ko na nga ba, panaginip lang 'iyon lahat..

Kagabi, niyaya ko syang matulog sa tabi ko, tulog lang ha! Wag kang advance! Hihih. Pumayag naman sya.. tas ngayon, nagising na lang ako, wala na sya sa tabi ko. 

Dumapa ako sa kama ko at isinubsob ko ang muka ko sa unan. Tumuwad tuwad ako. Ganto talaga ako kapag nas-stress! 

Nakakatamad tuloy! Arrggr! Sa lunes, may pasok na! Sabado na ngayon! Dalawang tulog na lang! Bwiset!

"Uh. You're awake. Goodmorning jagi." 

Nanigas ang buo kong katawan. Nanatili akong nakatuwad sa kama habang nakasubsob pa rin sa unan.

T-totoo ba 'yun? S-sino yun? Si J-jungkook ko ba 'yun?

Hays. Baka naman guni-guni ko lang yun! Nasobrahan lang ata ako sa pagiisip na nandito si Jungkook! It's only my imagination!

Umupo na ko ng maayos sa kama. Napasinghap ako nang makita ko syang nakatayo sa may pinto at may buhat buhat na tray.

Gusto ko sanang maniwala kaso--- 

Napailing ako. Wag kang maniwala Alegna! Imahinasyon mo lang 'yan, pawang kathang isip lamang! Okey?  

Huminga ako ng malalim at dahan dahang naglakad papuntang banyo. Nawiwiwi ang pagkababae ko. Ahihihi.

Pagpasok ko ng banyo, syempre, umihi agad ako.

Matapos kong magpupu at magtooth brush, lumabas na ko ng cr.

Nagulat ako nang bumungad saken si Jungkook beybe. Hotangena. Ano bang nahithit ko? Bakit di mawala wala si Jungkook?! Ang tindi naman ng imagination ko! 

Hindi ko sya pinansin, nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. 

Kamusta BIAS mo? (Eto, boyfriend ko na! hihihi)Where stories live. Discover now