KBM: #5

214 12 1
                                    

KBM: #5

***

SOMEONE'S POV

"Babalik sya mahal. Sigurado ako doon." Hindi ko pinansin ang sinabi nya, sa halip, mas lalo akong napahagulgol.

"Paano kung hindi na? Alam mong malaki ang galit ng anak natin sa atin. Paano kung maisipan nyang wag ng bumalik?" Puro negatibo ang pumapasok sa utak ko. O diyos ko, ituro nyo po sa anak ko ang tamang landas. 

ALEGNA'S POV

"Jagi, I'm starving." Pang-ilang ulit na ba yan ni Jungkook ko? Kanina nya pa yan sinasabi. Eto na nga eh, nagluluto na! Pero uyy, ahihihi. JAGI daw. Emegesh. Kinikilig na naman ang pagkababae ko. Humihibot hibot si heart. Hihihi. Di pa rin ako makapaniwala na nandito talaga si Jungkook beybe. It's just too good to be true. Wew, napapa-english ako ha! Hihihi.

Nandito kami ngayon sa kusina. Hindi na daw masakit ang ulo nya, ginamot ko lang yun ng alcohol at binendahan. Hinilot ko lang din sentido nya para matanggal ang kirot. 

Nagluluto ako ngayon. Sinigang na baboy. Nakatalikod ako kay Jungkook ko habang naghihiwa ng karne. 

"Ay betlog mo!" napatili ako nang maramdaman kong may yumakap saken mula sa likod.

Emegesh. Humihibot hibot na naman ang puso ko. hihihi.

Alam kong si Jungkook yun. Juice Colored. Ano bang maganda kong ginawa at binigay nyo saken si Jungkook ko? Hihihi. Binigay agad? Echosera~

"Jungkook. Don't shock me. I'm a shocker." hihihi. Ano daw sabi ko? Kung di nyo naintidihan ang sinabi ko, ita-translate ko sa inyo.. Sabi ko, wag nya kong gulatin. Magugulatin ako. Gets?

"Jagi. I'm really hungry. Please faster." bulong nya sa tenga ko

Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Maski buhok ko ata sa kilikili, tumaas. Charot! Wala akong buhok sa kili kili noh! Kaka-harvest ko lang kahapon! Hihihi.

"Aye aye captain!" jolly kong sabi

Medyo nahihirapan ako sa pagluluto dahil nakayakap sya sa likod ko. Pero keribels lang yan! Ahihihi. 


Ang bango naman ng boyfriend ko-- AHIHIHIHIHI! I kennot! I kennot believe it! Boyfriend ko na si Idol! Boyfriend ko na si Jeon jungkook! Parang panaginip! Kung panaginip man 'to, wag na sana ako magising. 

Kamusta BIAS mo? (Eto, boyfriend ko na! hihihi)Where stories live. Discover now