"Wag na. Busy kayo, e."

"Parang others naman 'to," he replied, laughing. "Papaalam lang ako kay Rory tapos hatid na kita," sabi niya bago umalis. Nakita ko na kinausap niya lang si Rory tapos napa-tingin sa gawi ko siya at kumaway.

Ganoon lang kabilis.

Ang laki ng tiwala.

Sabagay... mukhang wala naman kay Yago iyong magloloko. Mas mukha ngang takot siya kay Rory, e.

"San tayo?" Yago asked nang papa-labas na kami ng village nila Katherine. Sinabi ko sa kanya iyong hotel kung saan gaganapin iyong binyag ni Sammie.

"Hinahanap ka ni Sancho palagi sa 'kin."

"Kinakausap ka niya?"

"Oo, kapag tinatanong ka lang," natatawang sagot niya. "May pagka-user din talaga 'yun, e."

Tahimik lang ako.

Ayoko talagang isipin si Sancho.

Unfair para kay Sean. Kailangang ayusin o tapusin ko muna iyong sa aming dalawa.

"Pupunta ako sa binyag ng anak ni Sean. Sa tingin mo ba dapat 'wag na akong pumunta?" bigla kong tanong nang huminto kami dahil sa stoplight.

"You know what? Your situation is fucked up, no offense."

"None taken," I replied dahil totoo naman.

"Honest opinion, though? This is like your second life... I say do what makes you happy. Doesn't matter what the other people will think—just do what makes you happy."

"Paano kung may masasaktan?"

"Kahit naman ano ang gawin mo, may masasaktan. At least dito, masaya ka."

Siguro kung si Jax ang kausap ko, ang sasabihin niya sa akin ay gawin ko ang tama... Hindi ko alam kung destiny ba na si Yago ang naka-usap ko ngayon.

Nagpasalamat lang ako sa kanya nang maka-rating na kami sa hotel. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero kailangan ko 'tong gawin. Hindi ko naman pwedeng iwasan na lang habang buhay dahil hindi naman mawawala si Sammie sa buhay namin.

Nasa elevator pa lang ako ay ramdam ko na iyong pagtingin sa akin ng mga tao. Mukhang kaibigan sila nina Kelsey... At mukhang alam nila kung sino ako.

"Sob?" agad na tawag sa akin ni Sean nang makita niya ako. Narinig ko na naman iyong bulungan ng tao sa paligid ko. "I thought you didn't want to come?"

Pilit akong ngumiti. "Wala akong regalo."

"That's fine," sagot niya.

I felt extremely uncomfortable as he held my hand in front of all these people. Huminga lang ako nang huminga nang malalim. Sinamahan ako ni Sean pero dahil siya ang ama, kinailangan niya ring umalis.

Panigurado na marami na akong nagawang katangahan sa buhay ko... pero ito na siguro iyong isa sa mga pinaka-malala. Tahimik akong naka-upo sa isang gilid habang pinapa-nood lahat ng tao na magka-siyahan. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit nandito ako.

"Are you okay?" tanong ni Sean sa akin nang bumalik siya. Ramdam ko iyong tingin ng mga tao sa akin. Alanganin akong ngumiti. Hindi ba pwede na umalis na lang siya at bumalik kay Kelsey at sa anak nila? Ayoko na pinagtitinginan ako.

"Okay lang ako," sagot ko.

"Are you sure?"

"Dun ka na," sabi ko. "May mga bisita pa kayo."

Nakita ko iyong sakit sa mga mata ni Sean. Wala naman akong masamang ibig sabihin. Kailangan niya naman talagang umalis. May responsibilidad siya kay Sammie at Kelsey. Hindi lang sa akin.

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now