Kabanata 26

2.1K 83 17
                                    

Kabanata 26
Miss

Masama ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang binigay na reaksyon saakin ni Callisto. Bakit hindi siya natuwa?

Kung tutuusin mas revealing ang sinusuot ng mga nagiging ex niya. Ang sabi pa nga ni Felipe ay baka bra at panty na lang ang suot ng mga 'yon. Kaya hindi ko maintindihan bakit ganoon ang reaksyon nya.

Lihim akong napatingin sa katawan ko na natatakpan na ng kaniyang t-shirt. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa gawi ni Callisto na padabog na hinahawi ang mga bag ng mga kasama ko upang makuha ang bag ko.

"Callisto!" Sigaw ko ng nahulog na ang bag ni Felipe dahil sa pagdadabog nya. Matalim niya lamang ako tinignan at sinukblit ang bag ko sa kaniyang balikat. Kahit galit siya ay hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa kakisigan nya lalo na't topless na siya sa harap ko.

"Tara na umuwi na tayo." Matigas niyang sambit ngunit hindi ko 'yon pinansin at dinampot ang bag ni Felipe.

"Magpapaalam muna ako sakanila.." Kalmado kong sambit at inayos na rin ang mga bag dahil nawala sa ayos dahil sa ginawa niya.

"Alam na nila 'yon. Let's go." Aniya at hinatak na ang kamay ko kaya wala na akong nagawa.

Tinignan ko sa malayo ang mga kaibigan ko na tahimik lang rin nakamasid saamin at walang nagtangka na lumapit. Kumaway ako sakanila at ngumiti. Sila Felipe at Glinia lang ang kumaway pabalik habang ang iba ay tahimik lang na nakatingin saakin.

Ilang lakad pa ay natanaw ko na agad ang kaniyang kotse. Tahimik kaming pumasok habang siya ay may kinuhang kung ano sa likod ng kaniyang sasakyan.

"Hindi mo ako kakausapin?" Aniya at mabilis na nasuot ang bagong t-shirt na nakuha sa likod. Sinulyapan ko lamang siya at tumingin na sa labas ng bintana.

"Come on Mireya, what's your problem?" Nanatili akong tahimik at pinagmasdan sa malayo ang alon sa dagat.

Nakakamangha kung gaano kaganda tignan ang Isla La Puerto. Ang mga berdeng puno na nakapaligid, puting buhangin at ang malinaw na tubig alat. Tila dinadala ang lahat ng problema mo sa hangin at niyayakap ka ng kapayapaan. Kung pwede lang na magtagal pa ako dito...

"Hindi mo ako kakausapin dahil lang sa mga kaibigan mo?" Napailing ako at niyakap ang sarili. Nilalamig na ako dahil nakabukas pa ang aircon ng kaniyang sasakyan. Kahit na tuyo naman ang t-shirt na suot ay nilalamig pa rin ako.

Napansin nya iyon kaya pinatay niya ang aircon.

"Ihatid mo na ako saamin." Simple kong sagot at tinignan na lang ulit ang dagat.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"I can't believe that you look disappointed because i'm here. Bakit? Dahil ba naputol yung pang-aakit mo sa mga 'yon?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at napaayos ng upo.

Iyon ba ang tingin niya sa akin? Kaya ganyan na lang ang galit niya?

"Sa tingin mo iyon ang dahilan bakit ako nagkakaganito?"

"Eh ano pa bang dahilan?!" Napapitlag ako sa sigaw niya at kitang kita sa kaniyang mata ang galit.

"Mga kaibigan ko sila Callisto. Wala akong balak akitin ang kahit na sino sakanila. Hindi ako ganun klaseng tao." Mahinahon kong sambit kahit sa loob-loob ko'y unti-unti na rin akong napupuno. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sakaniya. Kahit na naiinis na siya, para bang kaya kong sabayan ang inis nya na 'yon.

"So why are wearing that?" Turo niya sa katawan ko na ang tinutukoy ay ang sando at short ni Glinia. "You're not that kind of person wearing that fucking clothes.."

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon