Kabanata 46

1.8K 83 10
                                    

Kabanata 46
Baraha

Ang bigat at sakit na dala ng kahapon ay hindi matutumbasan ng isang patawad. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay madaling bitawan at kalimutan.

Alam kong hindi naging madali ang sakit na ibinigay ng tadhana kay Callisto. Binalot rin siya ng galit at poot. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.

"Babalik akong ospital." Sambit ko habang palabas na kami sa restaurant na kinainan. Hindi niya ako pinansin at diretso lamang ang lakad.

Hindi na ako nagulat doon dahil kanina niya pa ako hindi pinapansin habang kumakain kami. Abala lang siya sa kakatingin ng mga pictures ni Kalliesya. Pinilit kong ubusin ang aking pagkain kahit nawalan na ako ng gana sa hindi niya pakikipag-usap saakin. Pagkatapos ko kumain, doon niya lang binalik ang cellphone ko.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang mas gusto ko. Ang kausapin niya ako kahit galit o ang manatili tahimik at itrato akong parang hangin lang.

"Kailan balik mo sa San Santillo?" Sa wakas ay nagsalita siya ng nagsimula na siyang magmaneho.

"S-Siguro ay kapag nakalabas na si nanay." Umigting ang panga niya at nanahimik na hanggang sa makarating kami sa ospital.

Nagtatalo ang isip ko kung magpapaliwanag o hihingi ulit ng sorry pero sa huli ay nagpaalam ako sakaniya. Naramdaman kong hindi madali iproseso ang lahat at kailangan niya ng oras doon.

"S-Salamat." bulong ko nang tumigil na ang kaniyang sasakyan sa harap ng ospital. Hindi niya ako sinulyapan at nanatiling tahimik kaya't napatango ako sa sarili at binuksan na ang pinto para makalabas.

Umatras ako at tinignan ang kaniyang kotse na agad umandar at mabilis na nawala. Ilang sandali akong napatulala at pinilit intindihin ang sitwasyon at kaniyang nararamdaman.

Pumasok ako sa ospital ng wala sa sarili kaya't bahagya kong nabangga ang ale kasabay ko papasok. Nahulong ang ilang prutas na kaniyang dala-dala kaya't tinulungan ko ito at humingi ng tawad.

Naisip ko tuloy pumunta sa palengke bukas ng umaga para bilhan si nanay ng mga prutas. Sa kagustuhan kong mapuntahan agad si nanay, nawala na sa isip kong magdala ng kahit ano para sakaniya.

Tumunog ang cellphone ko at umasa na si Callisto iyon ngunit nang makita kong si Papa ay napabuntong-hininga ako sa naisip. Bakit ba ako umaasa magtetext saakin si Callisto pagkatapos ng nalaman niya?

Pinoproblema ko tuloy kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Galit ba siya dahil ngayon ko lang sinabi ang kay Kalliesya? O galit siya dahil iniisip niyang tinago ko ang kaniyang anak?

Kung ano man iyon, handa ako para sagutin at ipaliwanag ang lahat.

Sandaling tumigil sa pagkabuhol ang aking isipan ng matanaw ko hindi kalayuan ang isang matandang lalaki, nakaupo kung saan nakaupo kanina si Callisto.

Nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang hita at nakatitig sa sahig. Pansin ko kaagad ang pagbabago ng kaniyang pangangatawan. Pumayat ito at makapal ang balbas at buhok, mukhang ilang buwan na hindi nagugupitan.

Napansin niya ang paglapit ko at agad kong natagpuan ang mata niyang walang pinapakitang kahit na anong emosyon. Ilang sandali siyang natigilan bago napailing at ngumiti.

"Totoo pala talagang nandito ka." sambit ni tatay at tumayo. Sinalubong ang presensiya ko.

Gusto ko magalit. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng ginawa at sinabi niya kay Callisto. Gusto kong kamuhian siya ngunit nilahad ko pa rin ang aking kamay sakaniya.

"M-Mano po tay."

Pero hindi mo kaya Mireya. Hindi mo kayang kamuhian ang lalaking kaharap dahil pinanghahawakan mo pa rin ang respeto at pagmamahal mo sakaniya.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon