Kabanata 30

1.6K 63 19
                                    

Kabanata 30
Stay

"So what's the score between you two? Is he going to court you again?" Naguguluhang tanong ni Seeyara ng maikwento ko sakaniya ang usapan namin ni Callisto.

"Hindi. Sinabi ko lang naman ang bagay na 'yon dahil nainis ako na nagsisigarilyo siya pero ayoko na.." Malungkot na tinitigan ako ni Seeyara. Inabot nya ang aking kamay at hinawakan ito.

Ayoko na hindi dahil hindi ko na siya gusto, ayoko na dahil ang daming rason para tumigil na kami. Ang totoo nyan, madaming bagay na nagbibigay sakin ng rason para tumigil. Masyado lang akong nagbulag-bulagan sa pagmamahal ko sakaniya. Naiisip ko pa lang ang estado namin sa buhay ay hindi na talaga. Paano pa ba kaya kung iisipin pa ang ibang bagay?

Buo ang loob kong pagkalabas sa bahay ng Pascual ay wala na akong makikitang Callisto. Nagtagal ako ng halos 3 oras kaya't impossibleng nakapaghintay siya ng ganoon katagal. Sinubukan pa kasi namin ni Seeyara i-charge ang cellphone at tignan kung gumagana pa.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita kong umilaw iyon. Malaki nga lang ang sira ng screen pero sabi ni Seeyara ay mapapalitan naman 'yon. Gusto kong talagang ibalik pero kung itatapon lang rin ni Callisto, hindi ko na tatangkain ibigay muli sakaniya.

"Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Seeyara habang palabas kami sa kanilang bahay. Katulad ng nakasanayan, ihahatid niya ako hanggang sa gate.

"Oo naman." Mabilis kong sagot at tipid na ngumiti. Umirap lamang sya at hindi na muli nagtanong.

Madilim na ang paligid at ang ilaw sa kanilang bahay at poste sa labas ang nagmistulang ilaw sa kalsada. Kapag ganito ay nahihirapan akong makahanap ng tricycle kaya't nilalakad ko pa hanggang sa terminal.

"Anyway, kuya's asking if you're okay. He heard about the break-up.." Kibit-balikat niya at binuksan na ang gate.

Halos lahat naman ata alam ang bagay na 'yon. Kalat na kalat sa buong campus 'yon kaya't makita lang kami magkasama ni Callisto ay tila bago muli sa paningin nila.

"Kumusta na siya?" Minsan ko na lang makita sa eskwelahan si Tyrone. Hindi ko na rin siya sinubukan kausapin dahil nahihiya na rin ako sakaniya. Madalang ko lang rin siya maabutan sakanila dahil madalas ay nasa labas o di kaya'y nasa kwarto nya lang daw.

"Go ask him for yourself." Ani Seeyara kaya't napailing na lamang ako.

"Nakakahiya pa rin. Pati mukhang ayaw na talaga akong kaibiganin ng kuya mo." Natawa si Seeyara at umiling.

"Malamang ayaw ka talaga nun kaibigan. Iba gusto nya.." Sambit niya habang may mapaglarong ngiti.

Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating pero ayoko na rin isipin pa. Sa dami nang iniisip ko ngayon hindi ito ang panahon para problemahin ang kalokohan ni Seeyara.

"Just kidding!" Aniya at natawa. Umiling ako at napangisi.

Pinagbuksan niya ako ng gate kaya't nagpasalamat ako.

"But kidding aside, you are always welcome here if ever you and Kuya will have something." Halakhak niya at tila natuwa sa naiisip.

"Ewan ko sa'yo!" Tiningala ko ang langit. Wala akong makitang mga bituin at mukhang uulan pa dahil sa kidlat na nakita ko sa malayo. Malakas at malamig ang hangin galing kanluran.

"I'm serious! I really want you to be part of our family. Literally." Uminit ang puso ko sa narinig mula kay Seeyara. Ang sarap pakinggan na may mga taong gusto ka makasama at makilala pa.

Niyakap ko si Seeyara na siyang kinagulat niya.

"Ang sweet mo talaga.." Bulong ko at hindi maalis ang ngiti sa aking mukha.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon