Kabanata 43

1.6K 78 10
                                    

Kabanata 43
Investigation

Tahimik kong pinanuod si Kalliesya na masayang naglalaro sa kiddie pool na binili ni Papa para sakaniya. May pinalobo rin mga bola, at salbabida na siyang pinagkakaabalahan ni Kalliesya. Sinasampa niya ang katawan sa bola ngunit nadudulas siya roon kaya't tawang-tawa si Papa.

Malaki ang kiddie pool kaya't nakisali si Papa at sinamahan ang apo. Nakaupo lang siya habang inaalayaan ang nagkukulit na bata. Napangiti ako roon at binalik ang tingin sa canvas saaking harapan.

Tinitigan ang painting na malapit ko ng matapos. Alas kwatro pa lang ay gising na ako at inspiradong magpinta kaya't matatapos ko na rin.

Tinitigan ko ang puno, ang lubak na daan, at sa dulo nun ay ang maliit na bahay. Ang sinag ng araw at pilit na sumisilip sa makakapal na ulap. May ilang dilaw na maliliit na bulaklak na tumubo sa mga pagitan ng mga bato. Ito ang seneryo nakikita ko sa tuwing natatanaw ko na ang aming bahay sa La Puerto.

Sa nagdaang araw, hindi mawala sa isip ko ang lugar na kinamulatan. Tila tinatawag ako... hinihila pabalik... May pagkakataon pang napapanaginipan kong nasa La Puerto na ulit ako. Naiisip ko tuloy ang pagbalik sa lugar na iyon.

"Ang dami mo atang pinamili ngayon ah!" Bungad sakin ni Mang Diego, tricycle driver na madalas kong masakyan habang ang asawa nito ay isa sa mga mananahi ni Papa.

"May bisita po kasing dadating si Papa." Inabot niya ang isang supot na dala-dala ko at umikot upang maipasok na sa loob.

Nakagawian ko na ang mamalengke tuwing mauubos na ang pagkain sa bahay. Minsan ay naglalakad ako papunta ay sasakay pauwi. Exercise na rin kaya ayos lang saakin.

"Nako! Siguradong kasosyo nya 'yon sa trabaho ano? Ayang tatay mo talaga! Napaka sipag kaya't mas lalong umaasenso!" Aniya at sinalubong ako para mabuhat rin ang iba ko pang dala.

"Salamat po.." Ngiti ko at pumasok na sa tricyle.

Sa byahe nagkwento ni Mang Diego sa mga tulong na nagawa ni Papa sa kanilang pamilya.

"Malaki talaga ang utang na loob namin sa tatay mo. Pinag-aral niya pa ang panganay kong anak. Hindi kasi ako makapasada ng ilang taon, nalumpo..." Halakhak ni Mang Diego kaya't lihim akong napatingin sa kanyang mga binti.

Nakaramdam ako ng awa dahil doon. Napaka lupit talaga ng tadhana sa tao. Susubukin ang lakas at pananalig mo sa plano Niya.

"Mabuti nga at kinakaya ko na.. Sa awa ng Diyos." Binalingan ako ni Mang Diego at binigyan ako ng mainit na ngiti. Isang klase ng ngiti na ilang taon hindi sumilay sa kaniyang mukha at ngayon ay sinusuot na muli.

"Masaya po akong malaman na nalagpasan n'yo na po 'yan."

"At masaya rin akong nakasama ka na ng tatay mo, hija. Halos ang mga anak ng mananahi ni sir Leon, tinutulungan niya eh. Malapit sa mga bata iyang Papa mo, siguro dahil sa pangungulila sa'yo kaya sa mga anak namin tinutuon." Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso sa narinig.

Alam ko kung gaano nangulila si Papa saakin. May pagkakataon umiiyak siya at nagpapasalamat na dumating ako. Kaya ng nalaman niyang nagdadalang tao ako ay halos ituring niya akong isang salamin sa sobrang pag-iingat. Nakita ko rin kung gaano siya mas sumaya ng dumating si Kalliesya. Himala na nga niya kung tawagin ang pagdating ko, siguro dahil tinatak sakaniya ni nanay na kahit kailan ay hindi ako makakasama.

Tinulungan ako ni Mang Diego na ipasok ang aking pinamili. Naabutan ko si Kalliesya na tahimik na nanunuod ng TV sa sala mag-isa. Siguro ay nasa kusina si Amarah at nagluluto ng umagahan.

"Mama!" sigaw ni Kalliesya at bumaba sa sofang inuupuan. Dumiretso naman si Mang Diego sa kusina habang nakangiting pinapanuod ang aking anak.

"Why does cockroaches fly and cats doesn't?" Mahina akong natawa at tinitigan ang inosenteng mukha ng anak.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon