Kabanata 41

1.7K 76 20
                                    

Kabanata 41
Graduation

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan sa sinabi niya. Imbes na sumagot ay umalis ako sa kaniyang harapan at agad pumasok sa restaurant.

"Sir pasensiya na po. Kailangan ko ng umuwi." paalam ko ng makalapit sa lamesa namin. Ramdam pa rin ang paghuramentado ng puso.

"Ha? Ihahatid ko na—" mabilis akong umiling at kinuha ang bag.

"Mag-commute na lang po ako." Hindi ko na hinintay na may sabihin pa si Mr. Blancia at agad nilisan ang lugar. Nakasalubong ko pa si Callisto na papasok pero iniwasan ko lamang siya at mas nagmadaling umalis.

Pinara ko agad ang padaang tricycle at sinabing sa terminal ng bus ako ibaba. Naririnig ko pa ang pagtawag ni France ngunit hindi ko na iyon nagawang lingunin. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kila Mr. Blancia kung bakit ako nagkaganito. Sasabihin ko na lang siguro na kailangan ko na umuwi agad sa bahay.

Tahip tahip ang kaba ng aking dibdib hanggang sa nakarating kami sa terminal. Mabilis ang mga galaw ko na akala mo'y may tinatakasan.

Pasakay na ako ng bus ng may humatak saaking braso at nakita ang madilim na mukha ni Callisto. Ang takot na nanaramdaman ay mas lumala.

"Why did you do that?" Malaming niyang sambit at ginilid ako ng may matandang papasok sa bus.

"Kailangan ko ng umuwi.." Tumikhim ako at pilit tinatago ang kaba at pagkamangha. Hindi ko akalain masusundan niya agad ako!

"I can drive you home." Mabagal niyang sambit at medyo nahiya pa sa suhesyon.

"Kaya ko Callisto. Huwag na." Hindi pwede!

Masyadong mabilis saakin ang nangyayari at natatakot na magpadala sa sitwasyon. Oo at nalaman kong gusto niya pa ako pero walang kasiguraduhan doon. Kailangan ko mag-isip ng mabuti kung ano ang sunod na gagawin.

At hindi ako papayag na malaman niya kung nasaan ang bahay ko. Paano kung makita niya si Kalliesya? Takot na kung takot pero hindi pa ako handa sa bagay na iyon.

"Mas mabilis kung sasakay ka na sa sasakyan ko." Pagkumbinse niya ngunit buo ang loob ko. Kung hindi ako hahayaan ni Callisto ngayon araw ay hindi talaga ako makakapag-isip ng mabuti!

"Salamat sa offer pero ayos lang ako." Nagtiim bagang siya at dahan-dahan binitawan ang aking braso.

Nagulat ako roon. Hindi dahil umaasa akong magpupumilit siya kundi dahil hinayaan at nirespeto niya ang desisyon ko. Isang bagay na kahit kailan hindi niya ginawa noon nasa La Puerto pa kami. Hindi siya tumatanggap ng 'hindi' mula saakin. Pero nga naman, magkaiba naman kasi ngayon sa noon. Nirerespeto niya ang desisyon ko dahil wala naman siyang karapatan saakin.

"I'll follow the bus, then. Just to make sure you'll get home safe." Aniya.

Gusto kong magprotesta dahil wala rin at malalaman niya pa rin kung saan ako nakatira, kung hindi lang nagbusina ang driver hudyat na aalis na ang bus.

Mabilis akong sumakay habang siya'y mabilis rin umalis at siguro'y tinakbo ang kotse di kalayuan. Umupo ako sa dulo dahil doon na lang ang available na upuan. Napabuntong-hininga ako hindi maiwasan ang sariling lingunin ang likod para tignan kung nakasunod nga siya.

Mabilis lang ang byahe at naaninag ko na agad ang kalsada papunta saamin. Hindi rin ako nakapag-isip ng maayos dahil mas inabala ko pa ang sarili kakahanap sa kotse niya. Sa huli ay tumigil ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang itsura ng sasakyan niya.

Nang makababa ako sa bus ay mabilis ang lakad ko papunta sa bahay. Nadaanan ko ang factory ng tahian ni Papa na sarado na. Malamang dahil anong oras na kaya't paniguradong nasa bahay na si Papa.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon