CHAPTER 1

218 10 0
                                    


LISA'S POV

"Yow Lisa, welcome back!" Pagbati ni Bambam "Long time no see couz!" Sabi nito at ginulo ang aking buhok. Agad ko naman syang tinulak

"Not my bangs bro!" Pagalit na sabi ko at sya'y natawa sa akin.

"So here's your condo unit. Iwan mo muna yung gamit mo, mamaya mo na ayusin. Sasamahan na muna kita sa University kung saan ka magaaral" sabi nya at inabot saakin ang key card ng aking condo.

"Thanks bro" pagpasalamat ko at pumasok na sa aking unit. "Not bad" komento ko nang makita ko ang loob. Maganda ang unit ko, may dalawang kwarto at sala, may lutuan at syempre may banyo. Sinilip ko ang dalawang kwarto, ang isa ay kwarto kung saan ako matutulog at ang isa naman ay walang laman. Napagisip isip kong gagawin ko na lamang yon na dance studio

"Marami rami pa akong gustong ilagay dito. Bilisan na natin at nang maumpisahan konang ayusin tong titirhan ko" sabi ko at niyaya na si Bambam palabas at papunta sa university.

Hindi kalayuan ang university na ito mula sa condo. Bumaba ako sa kotse at tinignan ang paligid.

"Bambam my man!" Bati ng isang lalaki sa aking pinsan. Dito rin nagaaral si bambam kaya paniguradong maraming nakakakilala sakanya dito.

"Jinyoung my man!" Nagapiran pa sila. "So bro this is my cousin Lisa. Lisa this is Jinyoung my bestfriend" Pagpapakilala ni bambam saamin.

"So ikaw pala yung magandang pinsan ni Bambam" sabi ni jinyoung at kinindatan pa ako

"Dude you're not cool. Don't you dare try to hit on me" pagtataray ko at naglakad na papasok sa university.

"Ohhh" rinig kong pangaasar ni  bambam sakanyang bestfriend "mamaya nalang bro!" Pag papaalam nya at sumunod na saakin.

"Bot na bot hahahahaha" pangaasar nito saakin

"Gago" natatawang pagkasabi ko.

Nilibot ako ni bambam sa loob ng campus. Tinuro nya saakin lahat ng classrooms ko at mga pasikot sikot.

"So eto yung VIP Area, exclusive for cool person like me" sabi nya at napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kayabangan nya "Pero seryoso bro, hindi basta bastang tao ang nakakapasok dito. Hindi ko alam kung paano nila pinipili ang taong makakapasok dito pero kapag napili ka nila, ilalagay nila ang access card mo sa locker" dagdag nya at ipinakit nya saakin ang access card nya.

"Halika ipapakilala kita sa loob para may points kana hahaha pasalamat ka pinsan mo si Bambam the great" sabi nya at napailing na lamang ako.

Pumasok kami sa loob at kokonti lamang ang tao. Mabibilang mo sa daliri sa kamay kung ilan ang tao sa loob.

"So hey Rosé, this is Lisa my cousin" pagbati ni bambam sa babae. Maganda sya but definitely not my type. "Lisa si Rosé, sya ang namamahala dito sa VIP Area. Isa rin syang cheerleader dito sa university"

Nakipagkamay ako kay Rosé at nakipagkwentuhan. Sa gitna ng aming pagkkwentuhan may dalawang pumasok sa loob at umagaw ng aking pansin.

Maliit, sexy at mukhang mataray. Lumapit sya saamin at ako ay nakatulala lamang at nakatitig sakanya. Napakaganda ng mga mata nya, matalim kung tumingin. "Rosie, 4pm gym" sabi nito at umalis na "Bring chicken" sabi ng kasama nya at sumunod sa naunang kasama.

"And that girl you're looking at is Jennie Kim. She is our captain in cheerleading. And she's definitely your type" bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang sinabi ni Rosé "Ingat, she's a tiger" dagdag nito at kumindat saakin.

Sakit ba sa University nato ang pagkindat? Tanong ko sa aking sarili.

"No, where did you get that? She's not my type" Pagtanggi ko

"Okay fine she's not your type but why are you sweating?" Natatawa nyang pagtatanong.

"Too hot in here" pagdadahilan ko

"I doubt that. Look, everyone is wearing a jacket" sabi nya at bahagyang hinampas ang aking braso. "By the way, yung girl na kasama nya is si Jisoo Kim and she likes chicken" dagdag nya at bumalik na sa office nya.

-

Hinatid ako ni bambam sa condo dahil wala pa akong sariling kotse. Tinulungan nya rin akong mamili ng mga pagkain at gamit.

Inayos kona agad ang aking mga damit at inilagay ang mga pinamili sa mga dapat kalagyan. Nagugutom na ako pero tinatamad ako magluto. Siguro ay sa labas nalang ako kakain.

Matapos manood ng TV, napagpasiyahan kong lumabas at kumain. Pagbukas ko ng aking pinto, nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

Si Jennie Kim ay dito din nakatira at magkaharap pa ang aming unit. Pinagpawisan ako ng sobra ng makita sya na papasok sa kanyang unit na may dalang mga pagkain.

"H-hi---" naputol na pagbati ko dahil agad syang pumasok at hindi ako pinansin "ay attitude" natatawang sabi ko at nagpatuloy na saaking pupuntahan.

-

Patulog na ako nang may nagdoorbell, agad kong binuksan ang pinto at nagulat sa aking nasilayan

"Here's your access card to the VIP Area" Sabi ni Jennie at iniaabot saakin ang card na hawak nya na agad kong kinuha

"Uhmm thanks. But I thought this--" Hindi na nya ako pinatapos at nagsalita agad sya.

"Rosie doesn't want to put it in your locker, she wants me to personally give it to you" sabi nya at napatango nalang ako

"Thanks. Do you want to come in and have some coffee?" Alok ko sakanya

"Really coffee?" Napatingin sya sa kanyang relo "11pm, coffee?" Sabi nya

"Uhmm any drink you want" nakasmile kong sabi

"No but thanks" sabi nya at pumunta na sa harap ng pinto nya

"Hay Jennie Kim" pabulong na pagkakasabi ko

"What?" Nagulat ako sa pagsasalita, don't tell me narinig nya yon?

"Uhmm nothing miss Kim. Goodnight" sabi ko at pinanood syang pumasok sa loob ng unit nya. Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko.

"Wala man lang goodnight din" sabi ko habang tinititigan ang card na binigay nya. Nakahiga na ako sa aking kama at nakatitig lamang sa card na yun "Sabi ko na nga ba at makakakuha ako nito eh. Sobrang cool ko kaya" nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Inilagay ko sa aking wallet ang card at humiga na ulit para magpahinga

"What a cool day" sabi ko at pumikit na para matulog.

-

What do you think for chapter 1? Comment and don't forget to vote!

Follow me on twitter @jendeukie11696

Runaway (JENLISA)Where stories live. Discover now